Chapter 12

10.1K 291 13
                                    

"Seryoso nasa leyte si Althea? Baka pinag luluko mo ako Patty ah baka ma kidnap for ransom tayo dun linti ka." wika niya matapos sabihin ni Patty na pinapapunta daw sila ni Althea sa leyte.

"Ayaw mong sumama? Sabihin mo lang ok naman ako lang mag isa pumunta dun." naka ngising wika nito sa kanya.

"Ano ba kasing trabaho niya dun? Akina na kasi number niya at matawagan ko yung tarsier na yun!"

"Lakas mo maka basag sa Papi ko ah. Tapos ngayun tatawagin mo syang tarsier, ayos ah haha."

Sinimangutan niya lang ito

"Pero seryuso, sama ka ha? No expenses daw sagot na ni Papi, este ni Althea lahat." sabay ngisi nito.

"Ano meron at galanti ata? Bigtime na ata at nanlibre pa. Paki sabi kamo hindi ako poor at afford ko ang pamasahe dun."

"Sus eh di ikaw na mayaman. So ano nga? Sasama ka oh sasama ka? Kita na lang tayo bukas sa airport txt na lang kita."

Humanda sakin yang tarsier na yan. Ni ha ni ho walang sinabi bago umalis. Na boang na siya kakahanap to the point maniniwala na sana siya sa reincarnation. Ngayon biglang mag paparamdam, at agad agad para siyang utusan nito na papuntahin kung saan mang lupalop ng earth ito naroon. The hell with that woman! And the hell with her pride!

Desidido na siyang offeran to kahit doble oh triple pa sa sinasahod nito dati sa bar.

Dahil noong time na nalasing ito at may ngyaring halikan sa pagitan nila ay may gusto siyang ma confirm sa nararamdaman niya sa babae kaya halos ma boang na siya sa kakahanap na kahit maubos pa ipon niya wala siyang pake mahanap niya lang ang babae. Tapos ngayon sa isang iglap, di niya alam kung matutuwa oh maiinis dahil parang wala lang dito ang ngyari sa kanila. Malamang hindi nito naalala. Pero mas mainam na sigurong wala itong matandaan dahil di niya alam pano ito pakikiharapan.

+++++++++++

At dahil ngayon ang dating nila Rhian, minabuti niyang ipalipat sa mansion ang kanyang ibang mga gamit.

Extra Judicial Feelings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon