Chapter 7

12.4K 258 9
                                    

Glaiza's pov

Nag mamadali siyang maligo dahil hahabol pa siya sa bar. Tatlong araw din siyang hindi nakapasok sa bar para mag perform. May biglaang lakad kasi siya na importanteng inasikaso at ngayon kadarating lang niya sa apartment. Kaya medyo masama ang pakiramdam dahil siguro sa naulanan siya kanina pasakay ng taxi at halong pagod jet lag stress.

Walang halos tulog sa tatlong araw kaya feeling niya bibigay na ang katawan niya sa pagod. Niligo na lang niya ng mabawasan ang pananamalay ng katawan niya. Kaso mukhang hindi rin siya makakapag perform dahil namamalat lalamunan niya. Pakikiusapan na lang siguro niya ang manager dahil walang nagawa si Patty para pagtakpan siya kung bakit di siya nakapasok ng ilang araw sa bar, at mukhang masisisante pa siya ng wala sa oras.

Pinupunasan niya ang basang buhok palabas ng cr ng magulat siya ng may biglaang sumulpot na babae sa pintuan.

"Ay palaka!" gulat na sabi ng babae

"Excuse me?." Pano ka nakapasok sa bahay ko at anong ginagawa mo dito.?" sunid sunod na tanong niya sa babae sa namamalat niyang boses.

Napayuko naman ito at hindi alam saan titingin. "Ano kasi.. ah" nabubulol na sabi nito habang pa kamot kamot ng batok

Alam niyang nangangapa ng ibibigay na alibi ang babae

Matagal na niyang gustong sitahin ito sa pag bubuntot sa kanya. Akala siguro nito na hindi niya napapansin na lagi niyang nakikita sa bar halos gabi gabi.

"Alam mo bang trespassing ka at pwede kitang ipatawag sa brgy sa ginawa mo?." may diin niyang sabi dito.

"Ano kc, ah..kanina pa ako katok ng katok at wala namang sumasagot. Saka bukas naman ang pintuan kaya pumasok na lang din ako. At saka ano kasi, narinig ko yung manager mo sa bar na sisanti kana." mahabang paliwanag nito

"Yeah now I know now may reason na siya to fire me." sabay naubo ng mahina.

Mukhang napansin ng babae ang pananamlay niya at bahagya itong lumapit sa kanya.

"May sakit ka?" concern na tanong nito.

"Wala. Umuwi kana, and please tigilan muna kakasunod sakin na parang obsess fan stalker ko. Wala akong time mag entertain. At wag kang basta basta pumapasok ng bahay ng may bahay baka ma rape ka." mahina ngunit may diing wika niya kay Rhian.

"And please lock the door when you leave." baling niya sa babae

Kung nag kataon lang na hindi masama ang pakiramdam niya, baka kanina pa niya to ginisa. Wala lang siya sa mood mag taray ngayon dahil ambigat ng pakiramdam niya.

Naglakad siya papunta sa kwarto para mag bihis dahil nilalamig na siya at kanina pa siya nakatayo na naka roba lang.

At yun na ang huling natandaan niya

+++++

Rhian's pov

Palabas na sana siya ng biglang makarinig siya ng kalabog sa likod. Nakita naman niyang naka handusay si Althea sa sahig. Kaya mabilis pa sa alas kwatro siyang napa takbo dito.

"Juskopo ang taas ng lagnat mo." natataranta niyang sabi."

Narinig niyang umuungol ito.

"Dadalhin ba kita sa hospital?"

Wala naman siyang narinig na sagot mula dito dahil panay ungol lang. Kaya pinasya niyang dalhin ito sa kwarto at ipahiga.

Ano ba ginagawa sa may sakit? Ang alam niya pinupunasan siya ng kanyang mommy ng maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat niya.

Extra Judicial Feelings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon