"Rhi ano na? Papasok ba tayo oh papasok tayo?" tanong ni Bianca
Mahigit sampong minuto na sila sa loob ng kotse pero hindi parin lumalabas ang tatlo. Nasa tapat na sila ng bar na pina tatrabahuan ni Patty pero nag uurong sulong naman siya.
"Kinakabahan ako mga bakla." sabay umpog ng mahina ng ulo niya sa manibela.
"Hoy Rhian kelan kapa kinabahan sa tanang buhay mo?"
"Ngayon lang." sagot naman niya.
Natawa naman ang dalawa.
"Gaaad Rhi, babae lang yun para ka namang teenager kung maka pabebe diyan haha."
"Dinala dala mo kami dito tapos mag iinarte ka ng ganyan bakla ka."
"Ano uwi na lang tayo?"
"Oo na, eto na lalabas na.
Eto naman hindi mabiro.""Umayos ka Rhi para kang ano."
"Parang ano?"
"Para kang lalaking torpe na aakyat ng ligaw maypa hiya hiya ka pang nalalaman. Haha. Jusme di bagay sayo oi.." sabay nag tawanan naman ang dalawa
"Ewan ko sainyo. Tara na nga." sabay labas ng sasakyan.
+++++++++++
Pag pasok nila ay napansin na agad niya ang interior design ng bar medyo classy siya simple pero may dating. Malawak pero na gamit lahat ng space, pansin din niya na majority na kulay sa bar ay black saka deep red. Parang ang lalim ng pagkatao ng may ari ng bar.
Naka hanap naman sila ng pwesto sa may gilid pero malapit lang din sa stage. Pansin niyang maraming babae na customers kesa lalaki. Medyo mukhang marami ding LGBT member. Kung hindi siya nag kakamali halos lahat ng nakita niyang crew ay lgbt member.
Umorder na din sila ng maiinom tig iisang bote ng beer lang sila, dahil wala naman silang plano mag tagal. Dahil ang usapan nila ay pagkatapos ng performance ni Patty ay uuwi agad sila.
Nawili naman siya manuod sa kasalukuyang nag peperform on stage. Medyo rock ang babae headbangers si ateng habang kinakanta ang Obvious by Faberdrive
Napapa headbang din siya dahil medyo alam niya ang kanta. Minsan sinasabayan pa niya ang babae. Maingay din naman dahil marami ding nakikisabay sa kanta kaya nakakaaliw talaga
🎶🎶they judge by the way we look oooh ohh
A cover's not quite like a book
We just, so misunderstood🎶🎶🎶🎶Hanggang sa matapos ang kanta ay talagang nag enjoy siya. Nakapag order tuloy sila ng isang bucket ng beer.
Habang wala pang nag peperform na susunod ay panay muna inom nila kwentuhan at asaran. Inaasar siya ng dalawa pero dedma lang siya pero deep inside kinikilig naman siya. Hahah
Sige pa tuksuhin niyo pa ako hehe
After kskabahahbakakabajvs ay muling umakyat sa stage ang dj at tinawag ang susunod na performer
"And our next performer for tonight no other than miss Althea Guevara!!!"
Nagtilian naman ang mga tao sa bar lalo na mga babae may mga lumapit pa sa stage at kanya kanyang tutok ng camera sa stage.
Binaling na lang niya sa mesa ang tingin dahil mukhang mamaya pa mag peperform c Patty.
"Magandang gabi po sa inyong lahat."