Nagising siya sa mahihinang hilik na animoy musika sa kanyang pandinig. Gustuhin man niyang manatili at matulog katabi ni Glaiza ay ayaw niyang magising ito na mag katabi sila.
Pinag sawa muna niya ang mata sa natutulog na babae bago bumaba ng salas. Masakit ang ulo niya gawa ng nainom nila kagabi kaya naisipan niyang maligo sa ilog.
Matapos magpaalam sa mga tao sa mansion ay lumarga na siya para ma abutan niya si Glaiza na magising at masamahan niya ito sa rancho. Susulitin niya na makasama ang dalaga sapagkat isang linggo na lang ang ilalagi niya sa hacienda at ayaw niyang sabihin dito kay Glaiza. Noong nakaraang araw pa siya dapat umuwi ng maynila dahil sa pag pupumilit ni Bianca. Nagawan naman siya nito ng paraan at sabihing bigyan pa siya ng isang linggo. Pag hindi pa siya umuwi matapos ang isang linggo ang mga ito na daw mismo ang susundo sa kanya.
Sa dami ng iniisip ay hindi niya namalayan na tumaas ang tubig hanggang sa na trap na nga siya sa gitna ng rumaragasang tubig. Binalot siya ng kaba at palinga linga siya na nag babakasakaling may mahingan ng tulong ngunit sa naisip ay siya na mismo ang sumuko dahil bihira lang ang taong napapadpad doon. Inisip na niyang tumalon pero imposibleng buhayin siya sa lakas ng tubig.
Maya maya pa ay may narinig siyang tumatawag sa kanya sa di kalayuan. Nang makita niya si Glaiza ay di niya maiwasan ang maiyak, nakita niya sa mukha nito ang takot at pag alala.
Ilang minuto lang ay parang huminto sa kanya ang oras ng makita niya itong tumalon sa rumaragasang tubig at para siyang naparalisa sa kintatayuan. Ilang minuto ng makarinig siya ng sigaw nito ay nabuhayan siya. Nakita niyang naka kapit ito sa mga ugat ng puno at sumisenyas na tumalon siya. Kung kanina ay balot siya ng takot at pangamba sa nakita niyang ginawa ng babae, ngayon bigla siyang nagkaroon ng lakas. Kaya binuhos niya lahat ng tapang at pikit matang tumalon sa rumaragasang tubig.
Nang ma abot niya ang kamay ng babae ay halos mawalan na siya ng malay sa sensasyong saya ng mahawakan na niya ito. Ang mga sumunod na ngyari ay naging malabo na sa kanya. Narinig na lang niyang senisermunan siya nito, pero wala siyang maisagot dahil alam niyang kahit saang anggulo ay kasalanan naman talaga niya. Kaya hanggang sa dumating sila ng mansion ay pinili na lang niyang huwag mag salita. Hindi dahil sa galit siya sa mga sinabi ng babae, kundi nahihiya siya dito. Tama naman ito dinamay pa niya ito at kung hindi dahil dito baka nga pinag lalamayan na silang dalawa. Hanggang sa namalayan niyang buhat buhat na siya nito na parang bagong kasal papunta sa kwarto nila. At habang nasa bisig siya buhat buhat nito nahiling niya na sana ay tumigil ang oras sa ganoong posisyon. Kahit babae ito ay mas nararamdaman niya dito ang security, iyong kaya siyang ipag tanggol sa lahat ng bagay. Napaka swerte ng babaeng minahal nito napaka swerte ni Solen.
Maingat na nailapag siya nito sa kama at nakita niyang nag halughog ito ng mga damit niya at nilagay sa gilid ng kama.
"Maligo kana bago kapa magkasakit." Narinig niyang sabi nito bago lumbas ng kwarto.
Naiwan naman siya sa kwarto mag isa, naligo siya kaya doon niya binuhos sa banyo ang kanyang pag iyak.
+++++++++++
Bumalik naman si Glaiza sa kwarto para kumuha ng damit niya paligo. Sa lagaslas ng tubig sa banyo ay dinig na dinig parin niya ang mumunting hikbi ni Rhian. Hinayaan na lang niya ang babae na maibuhos ang takot nito gawa ng ngyari kanina.
Matapos maligo ay nagpahanda na siya ng pagkain at siya na mismo ang nagdala sa kwarto nila ni Rhian. Naabutan niyang nakahiga na ito sa kama at nakatagilid paharap sa bintana. Alam niyang gising ito dahil nakikita niya ang repleksyon nito sa salamin na nakaharap dito.
"Kumain ka muna bago lumamig ang sabaw ng magamot natin yang mga galos mo sa binti." Tawag pansin niya kay Rhian. Di naman ito gumalaw. Kaya nilapitan niya ito at na upo sa gilid ng kama.