Titig na titig ito sa kanya habang kumakanta. Bawat liriko ay parang damang dama parin nito, bawat sambit ng letra ay nag dudumilat ang katutuhanang tapos na. Na minsan sa kanyang buhay nito ay naranasan nitong mag mahal at mahalin at iwan.
Iyon ang nakikita niya kay Glaiza habang kumakanta. Nakikita niya kung gaano nito kamahal si Solen.
Nakaharap ito sa kanya ngunit alam niyang ibang mukha ang nakikita nito. Nasasaktan siya sa nakikitang lungkot sa mga mata nito kahit na pinipilit nitong maging ok sa paningin nila. Nakikita at nababanaag parin niya ang lungkot nito kahit gaano man nito itago sa kanila.
Maya maya pa ay natapos ang nito ang kinakanta at kasabay ng pag tatapos ng kanta nito ay siya ding pahid nito ng mga luha.
"Lab ok ka lang?" tanong niya kay Glaiza habang hinihimas ang likod nito.
"I'm fine. Tagay pa." sabay abot nito ng guitara sa mga kasamahan nila. "Oh kayo naman. Yung masaya naman."
"Hoy lab wag ka masyado uminom ayaw kung mag bitbit ng lasing pauwi."nag aalalang wika niya.
"Wag kang mag alala hindi nakakalasing ang lambanog." sabay abot nito ng baso at dere deritsong ininom ito.
"Senyorita kailan po ang kasal?" tanong ng isa sa mga mga tauhan nito.
Bumaling naman sa kanya si Glaiza.
Yumuko naman siya dahil wala naman siya dahil may kung ano sa titig nito na hindi niya kayang salubungin
"Malapit na. Diba lab?" wika nito sa mga tauhan nito.
Hinapit siya nito sa balikat. Naramdaman ata nito ang malamig niyang balikat dahil naka tank top lang siya. Nakita niyang hinubad nito ang jacket nito para ipatong sa balikat niya.
Bahagyang numiti naman siya dito at nagpasalamat.
Mukhang napaparami na ang inom nito at kapansin pansin na ang pamumula ng pisngi at mata nito.
"Glaiza tama na yan." Nakakarami kana, awat niya ng muling damputin nito ang sumunod na baso.
Alam nitong naiinis na siya dito dahil tinawag na niya sa kanyang buong pangalan. Alam niyang mahina ang tolerance nito sa alcohol kaya namumungay na ang mata nito. Kaya nang huling tagay pa nito ay lupaypay na talaga at wala na itong lakas na tumayo.
Isinandal niya na lang ang katawan nito sa balikat niya at ang kanyang braso ay nakayakap dito.
"Ma'am Rhian masaya kaming nakikita naming bumabalik na sa dati si Senyorita. Bagay ho kayo."
"Salamat ho."
"Sana ma'am wag niyo ho paiyakin
si senyorita. Naapektuhan ang trabaho niya simula noong nag hiwalay sila ni ma'am Solen."Nakita niyang bahagyang siniki ito ng kasamahan nito. "Pasensya na ma'am Rhian madaldal lang talaga to." hinging paumanhin ng isa at ginantihan niya lang ito ng ngiti na tila sinasabi ok lang.
"Bakit ho sila nag hiwalay? At sino ho si Solen sa buhay ni Glaiza?" sunod sunod na tanong niya sa mga ito.
Nag tinginan naman ang mga lalaki kung sasagutin ba nila ang kanyang tanong.
"Don't worry hindi naman ako mag susumbong." Atin atin lang to at sabay ngiti sa mga ito.
"Naku ma'am hindi ho samin dapat mang galing ang kwento, si senyorita na po ang dapat mag salaysay sa inyo. Pribadong buhay na po kasi niya yun at ni rerespito po namin siya sa kung ano mang gusto niya sa buhay."
Tumango naman siya sa mga ito at naunawaan naman niyang nasa amo nito ang loyalty at wala sa kanya.
Tiningnan niya ang babae na nakasandal sa kanyang balikat. Tulog na tulog na ito at ang payapa ng hitsura nito.
Kung sana ako ang una mong nakilala at hindi siya di sa na masaya tayo ngayon, andyan ka andito ako magkatabi magkasama. bulong niya sa isip.
"Basta ang alam po namin ma'am minahal niya ng totoo si Ma'am Solen. Ibang senyorita ang makikita mo dati palatawa at bibo. Pero sa nakikita po namin ngayon ay bumabalik na po siya sa dati dahil sa inyo."
Tiningnan naman niya ang babae na katabi at mas hinigpitan ang hapit nito sa baywang.
Kaya ba mas pinili nitong mamuhay ng normal sa manila sa kabila ng tinatamasa nitong karangyaan ng buhay dito? Gano ba kalalim ang iniwan sugat ni Solen at ang hirap nitong palitan sa puso ng babae?
"Ma'am Rhian andyan na ho ang sundo niyo." tukoy nito kay Mang Temyo na pumarada ilang hakbang sa kanila na sakay ng motorsiklo nito.
Tinulungan naman siya ng mga ito na akayin si Glaiza pasakay sa motor. Mahigpit ang yakap niya dito habang nasa sasakyan sila para hindi ito mahulog. Sa mga pag kakataong ganito lang siya nakakalapit sa babae kaya kahit nakakahiya mang aminin ay sinusulit na niya ang pag kakataong matitigan at mayakap ito na hindi ito nag susungit sa kanya.
Iniwan niya ang buhay niya sa maynila para dito. Ilang linggo narin ang nilalagi niya dito sa hacienda pero bigo siya na makita siya nito bilang isang babae na pwedeng mag mahal ng higit pa sa pag mamahal na ibinigay ng taong nakapanakit dito.
Nagka usap din sila ni Bianca noong isang araw dahil hinahanap na daw siya ng kanyang mga magulang na ngayon ay nasa pilipinas na. Kung hindi daw siya uuwi ay susunduin siya ng mga ito. Pero pinilit parin niya mag stay sa kabila ng pag babanta ng mga magulang niya. Ayaw niyang umuwi na hindi man lang nag kakapuwang sa puso ng dalaga kaya ginawa niya ang lahat. Pinag luluto niya ito inaalagaan mabuti kahit mag mukha na siyang alalay nito. Ang importante ay magkaruon siya ng puwang sa puso nito.
"Ma'am andito na po tayo." naputol ang pag muni muni niya ng mag salita si Mang Temyo.
"Salamat po, manong paki tulungan naman po ako dito. Tukoy niya kay Glaiza na lupaypay parin. Tinulungan naman siya ng matanda hanggang sa may bungad ng pintuan.
"Dito na lang ho salamat ho ulit."
"Walang anoman ho ma'am maayung buntag na sa inyo ma'am nalipay kami na maaram kaman maki uyon uyon sa amon na mga ordinaryong tao ma'am. (Nagpapasalamat po kami na marunong kayong makisalamuha sa aming mga ordinaryong mga tao ma'am)
Hindi man naintindihan ni Rhian ang lahat ng sinabi ng matanda ay tumango lang siya. "Salamat din ho sa inyo mang Temyo. Maayong buntag din ho sa inyo. Natuto din siya ng ilang salita ng mga ito sa ilang linggo niyang pamamalagi dito. "Ingat po kayo pauwi at salamat uli. Pahabol niya sa matanda kumaway naman ito at pina takbo na ang motorsiklo.
"Lab gising na, nasa bahay na tayo. Tinapik tapik niya ng mahina ang pisngi ni Glaiza. Umungol naman ito at pilit na minumulat ang mata.
Pinag buksan sila ng kasambahay matapos siyang mag doorbell kaya inakay na niya ang babae papasok sa loob.
"S.oleen? Kelaam kapa dumhating bhabe msjshsh? Alamdjshsusgsbak jdjsvwjskwlahshsbzhdnlmakajab mhalakit."
Nasaktan siya sa naririnig kay Glaiza. Gusto niyan iwan ito sa may hagdan habang pa akyat sila at bahala na itong gumulong upang mahimasmasan.
Ngunit imbis na gawin iyon ay siniil niya ito nang halik para matigil ang babae. Naitulak niya ito ng bahagya ng maramdaman niyang gumaganti din ito sa kanyang ginawang pag halik. Kaya bago pa siya mawalan ng control sa sarili ay inakay na niya ito papunta sa kwarto. Mabilis na binihisan niya ito at pinahiga sa kama. Di na rin siya nag dalawang isip na tabihan ito dahil namimigat na din ang kanyang mata kaya hinayaan na rin niyang matulog katabi ang babae. Uunahan na lang niya itong magising mamaya. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa baywang ng babae saka siya sumiksik dito hanggang sa naka tulugan niya ang ganung posisyon.
===========
"I T U T U L O Y"