I
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo
Siya'y gumawa ng buwan at mga bitwin
Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim
(CHORUS I)
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
O ating purihin ang poon na mahabagin sa atin
II
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang loob niya'y magpakailanman
At pagpalain ng Diyos habang buhay
Na siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel
(CHORUS II)
O ating purihin ang puon na mahabagin sa atin
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
(CHORUS II)
O ating purihin ang puon na mahabagin sa atin
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
