Halina emmanuel

145 0 0
                                    

Halina, Panginoon
Halina't dinggin Mo'ng panalangin
Binhi'y Iyong tubiga't lupa ay pagyamanin
Pasaganahin ang tanim at ang buhay ay busugin

Halina, Panginoon
Halina't dinggin Mo'ng panalangin
Tahana'y itugma at mag-anak ay buklurin
Kapayapaan nawa ang maghari sa 'min

Chorus

Halina, o Immanuel, sa 'ming buhay
Kami'y puspusin Mo ng pag-ibig
Kami'y tulungan Mong magmahal sa iba
Gawing tunay na ilaw ng daigdig

Halina, Panginoon
Halina't dingging Mong panalangin
Mundo'y ilawan Mo't buhay namin ay baguhin
At nawa ang nais Mo ang siyang sundin  

Church SongWhere stories live. Discover now