Awit sa mahal na poong sto.niño

103 1 0
                                    

Ikaw ang verbo

na nagkatawangtao
Iniluwal ni maria
lalang ng espiritu santo

Dahilan sa dakilang pagibig
ng diyos sa tao
Bigay ng ama
manahan sa mundo

Buhay na walang hanggan
ang siyang matatamo
Ng taong nananalig at
nagmamahal sayo

 Mahal na poong hesus
señor sto.niño
dinarangal namin
dakilang ngalan mo

Samo at dalangin namin
ay magiliw mong dinggin
Pamilya't sambayanan
ay 'yong pagpalain

 Ang kabataan mong
puno ng kabanalan
isang bathalang aral
na aming tutularan

Tulad ng paslit sa
pangangaral mo tinuran
ang pinaka dakila
sa'yong kaharian
  
Buhay na walang hanggan
ang siyang matatamo
ng taong nananalig
at nagmamahal sayo

Mahal na poong hesus
señor sto. Niño
dinarangal namin
dakilang ngalan mo

Samo at dalangin namin
ay magiliw mong dinggin
pamilya't sambayanan
ay yong pagpalain

Samo at dalangin namin
ay magiliw mong dinggin
pamilya't sambayanan
ay yong pagpalain




Church SongWhere stories live. Discover now