Kung itong aming paglalayag
Inabot ng pagkabagabag
Nawa'y mabanaagan ka
Hinirang na tala ng umagaKahit alon man ng pangamba
Di alintana sapagkat naro'n ka
Ni unos ng pighati
At kadiliman ng gabiKORO:
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliwTanglawan kami aming ina
Sa kalangitan naming pita
Nawa'y maging hantungan
Pinakamimithing kaharian
(KORO)
Maria sa puso ninuman
Ika'y tala ng kalangitan
Ningning mo ay walang pagmamaliw
Inang sinta, Inang ginigiliw