Awit ng paghahangad

146 5 0
                                        

I
O Diyos, Ikaw ang laging hanap

Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad

Nauuhaw akong parang tigang na lupa

Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga

II

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal

Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal

Dadalangin akong nakataas aking kamay

Magagalak na aawit ng papuring iaalay

(CHORUS)

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay

Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay

Sa lilim ng Iyong mga pakpak

Umaawit akong buong galak

III

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo

Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako

Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan

Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan 

(CHORUS)

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay

Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay

Sa lilim ng Iyong mga pakpak

Umaawit umaawit akong buong galak  

Church SongWhere stories live. Discover now