Bituing Natatangi

18 0 0
                                    

Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang bituin, liwanag nito'y kay ningningNagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sumilang
Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang talang nagningning
Higit sa liwanag ng mga bituin sa langit ay mapapansin


*O bituing natatangi, sa 'yong liwanag
Pagsilang ni Kristo'y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ng manunubos
Doon sa bayan ng Bethlehem, isang sanggol ang dumating
Higit sa liwanag ng mga bituin minsan ay 'di napapansin*O bituing natatangi, sa 'yong liwanag
Pag-asa ng tao'y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ni Kristo Hesus!


*O bituing natatangi, sa 'yong liwanag
Pag-ibig ni Kristo'y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pag-ibig ni Kristo Hesus!

Church SongWhere stories live. Discover now