Hesus na Aking Kapatid

156 0 0
                                    

Hesus na aking kapatid
sa lupa nami'y bumalik
Iyong mukha'y ibang-iba
hindi kita nakikilala

Tulutan mo aking mata,
mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala sa
taong mapagkumbaba

Hesus na aking kapatid
putikin man ang Iyong sapin
Punit-punit ang Iyong damit
Nawa Ika'y mapasa-akin

Hesus na aking kapatid
Sa bukid ka nagtatanim,
o sa palengke rin naman
Ikaw ay naghahanap-buhay

Tulutan mo aking mata,
mamulat sa katotohanan
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilala
Ikaw Poon makikilalasa
taong mapagkumbaba

Church SongWhere stories live. Discover now