Sa iyong mga yapak

49 0 0
                                        

Landas na kay tinik sa Iyo'y inilaan
Bawat hakbang nito'y dusa't hirap ang laman
Sa kalooban ng Ama nagpasakop kang ganap
Buhay Mo, O Hesus, ang siyang alay na sapat

Laban sa agos ng mundo, lumakad ka sa landas Mo
Laban sa lakad ng mundo, landas na sa ki'y nais Mo (nais mo)

Sa Iyong mga yapak, ako ay tatahak
Kahit tigib ng luha ang nilakaran Mong landas
Pasakit man at dusang dulot ng mundo'y kamtan
Bawat bakas ng Iyong mga yapak
Bawat hakbang Mo'y aking susundan

Kay hirap mang gawin kalooban Mo'y tupdin
Pinili kong sundan bakas ng Iyong mga hakbang
Ang buhay ko'y laan sa Iyo kailan pa man
Maglilingkod sa 'Yo, Panginoon hanggang wakas

Church SongWhere stories live. Discover now