Tanda ng kaharian ng diyos

278 0 0
                                    

KORO:
Humayo na't ipahayag
kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan
tanda ng Kanyang kaharian

Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan (KORO)

Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan (KORO)

Sa 'ming pagdadalmhati
Sa 'ming pagbibigay puri
Anupamang pagtangis, hapo't pasakit,
Ang pangalan Niya'y sinasambit(KORO)

Church SongWhere stories live. Discover now