Chapter 2

648 2 0
                                    

"So you were looking for a job?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng pera panlibre sa hinayupak na higante.

"Oo eh. Ang tagal ko nang teng-ga." Sagot niya. Oh, halata naman. Sa laki ba naman ng katawan niya eh. Mukha talaga siyang nakateng-ga pero 'di siya mukhang tambay. Eeee kasi naman ang ganda ng kutis ni koya. Kutis mayaman. Yummy. Haha!

"Ah. Talaga ba? Sige. Stay put ka lang. Oorder lang ako." Paalam ko at umorder na ako.

"Sige. Salamat." Marunong din naman pala siyang magpasalamat. Pumasok na ako sa loob ng SB at umorder lang ng Vanilla na Venti para sa kanya at sakin namin syempre Grande na Mocha. Mumurahin lang dapat sa kanya nu.

"Dapat ganyan na lang din binili mo sakin." Banat ni Jordan nang makaorder ako. Ay hindi naman pala makapal ang mukha nito eh, mas makapal pa yata sa balat ng kalabaw.

"Ayan na lang. Mas mura yan. Wala na akong anda. Sa susunod, ikaw naman ang gumastos ha."

"Dapat nga mas mahal sakin eh kasi pinaghintay mo ko. Hehe." Paghahambog niya.

"Ay waw. Iba ka din pala no? Hindi ka pala nadadala sa sorry? Sorry na ulit." Feeling ko kumakanta ako habang nagsasalita ako, nakakapang-init ng ulo. "Basta! Ilibre mo ko next time!" Namilit pa ko niyan.

"Oo ba. Basta mabibigyan mo ko ng trabaho eh."

"Napakadaming trabaho. Tamad ka lang sigurong maghanap."

"Apat na taon na nga akong tambay eh."

"Talaga?!! O.A na yung katamaran mo ah."

Ayun nga, apat na taon na siyang nakatambay at kasama niya lang palagi ang jowakels niya dati. Mga two months ago. Kaka-break lang nila. Kaya niya siguro napag-isipang maghanap ng babae este trabaho.

Computer Science ang tinapos ni Jordan pero tamad na tao nga lang kaya ayan, ang tagal na nakatambay. Nakakabadtrip pa naman yung ganun. Isipin niya nalang siguro na ang dami-daming hindi nakapagtapos ng pag-aaral at hirap maghanap ng trabaho samantalang siya tapos ng college nang hindi man lang marunong kumilos. Tao nga naman.

So going back, nagbreak sila nung jowakels niya kasi pinagpalit siya sa tomboy. Haha! Mayaman si Shiboli eh kaya kumapit nalang si Ate. Pinagpalit niya ang apat na taon nila ni Jordan. Ang saya nu?

"Ang ganda naman ng lab layp mo." Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Oo nga eh. Eh ikaw ba? Kumusta kayo ni Jeff?" Tinutukoy niya ang best friend ko.

"Luh? Walang kami nu! Best friend ko lang talaga si---"

"Weh?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Talaga naman.

"Wala naman talaga eh. Although na-attached lang ako sa kanya pero 'di ko siya type nu. Hanggang magkaibigan lang talaga kami." Paliwanag ko sa kanya.

"Talaga? Walang kayo? Eh anu yung mga sinasabi niya sakin tungkol sayo? Takbuhan ka daw niya kapag nagbreak sila ni Erika? Totoo ba yun?" Tanong niya sakin.

"Anong kinukwento niya sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman." Sabi niya habang ngumingiti ng kapilyuhan. Mukhang may sinasabi si Jeff na hindi maganda ah.

"Hindi nga? Mukhang may ibig sabihin yang mga ngiti mo na yan ah." Sabi ko habang magkadikit ang taas at ibaba kong mga ngipin.

Putch naman oh. Mukhang nagyayabang na naman siguro yung Jeff na yun tungkol saming dalawa. Palibhasa tigangers. Charot lang.

Marami-rami rin naman kaming napagusapan ni Jordan. Halos karamihan tungkol sa kanya. Ako palagi ang nagtatanong eh kaya kwento niya talaga ang lumalabas.

Hangga't maari, ayoko munang mag-open up ng kwento ko.

...

Lusting LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon