Tina's POV
So ito na nga, pupuntahan ko na ang ka-meet ko na isa sa mga "associate" ng kumag na yun. Hindi ko kilala ang taong yun pero alam kong matutulungan niya ako. Ewan ko, siguro I can feel it in my bones? May ganun pa ba sa panahon ngayon? Alam kong hindi ako dapat basta basta magtitiwala pero -- Ugh! Ewan!
"Hello Miss. I guess you came to meet me." nagulat naman ako dun. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sakin. Mukha siyang real state agent o kaya nagbebenta ng insurance. Naka-tux pa talaga ang datingan. Haha! Pero may itsura si kuya kaya hindi siya mukhang tauhan lang ng kumag na yun.
Alam ko naman na mayaman ang kumag na yun dahil kung hindi, hindi niya malalaman ang nangyari pero nagtataka lang talaga ako kung anong kinalaman niya kila Jeff at kailangan kong malaman yun!
"So ikaw pala ang tauhan ng kausap ko."
Umupo kami sa upuan ng isang sikat na restaurant dahil ang kumag ang nag-suggest."
"Anything you want? You can order anything that you want Miss." desenteng-desente nga.
Milk tea lang in-order ko. Uso daw kasi ngayon eh. Char! Hindi ko na pinatagal ang meeting namin at binigay ko at kailangan kong ibigay.
Inabot ko sa kanya at nung kukunin niya na, I acted na binawi ko.
"Bago ko ibigay 'to, tell me who your boss is."
He leaned on his chair and smiled.
"Interested about him?" tanong niya. Shet yung ngiti niya, nakakatunaw. May dimple pala siya. Yung tipong mala-artista yung dating. Alden Richards kumabaga. Pero 'di siya mukhang bading! Sakto lang naman. Ngayon ko lang na-appreciate itsura niya. Gwapo pala. Haha!
"Of course not! Kailangan ko lang magtiwala."
"You're talking about trust? You meet me here without knowing who my boss is and who really I am." sarcastic nyang sagot na na-realize ko na may point sya. Hindi lang point, kundi tama sya.
"That's why I'm doing it right now. I need you to trust you. Dahil kung hindi, hindi ko malalaman kung anong koneksyon ng boss mo sa nangyare sakin." sopistikada kong sagot sa kanya. Kailangan kong sabayan ang pagiging classy niya. Masyadong high-end na taong kaharap ko. Hindi lang dahil sa pananamit nya, kundi sa pananalita.
"What if I'm a con-artist? Would you still trust me?"
"We're running around in circles. Bakit 'di mo nalang sabihin kung sino and boss mo and this will be over?"
"Siya na dapat ang magpakilala sa'yo. I have no right to reveal him without his order. I am just here to take what he need. At alam kong ito ang tulong niya sayo. So you better grab it." sagot niya habang nakalabas ang palad niya para kunin ang ibibigay ko.
Nagdadalawang isip akong ibigay ang memory card na naglalaman ng importanteng video.
Tumagal din halos isang minuto ang pagtitig ko sa palad niya. Tumaas ang kilay niya na parang bading pero wala eh, pogi parin siya. Haha!
"Sige na nga! Ito na! Lamunin mo ha!" dahil nastress ako, sumindi ako ng isang stick ng sigarilyo at bumaga sa mukha niya. Sus! Kairita!
Umiwas sya sa ginawa ko at kumunot ang noo.
"That's bad for your health."
"It's none of you business." sagot ko at nakita kong nilagay niya ang memory card na binigay ko sa isang maliit na kahon.
Pinagmasdan ko lang sya at hindi na ako umimik pa.
"So this meeting is over. You can wait for his call." sabi niya. Umirap lang ako at humithit ng sigarilyo.
Umalis na siya at ako nalang naiwan magisa. Hays. Sanay na. Char! Ilang minuto lang ang lumipas at may biglang may umupo sa tapat ko na pumalit sa pagupo nung gwapo. Mukha ni Jordan ang tumambad sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko sya kasabay ng pagtibok ng puso ko nan punong-puno ng galit at tanong!
Kumalma ako.
"What are you doing here? Asshole." galit na tanong ko na pabulong.
"Sino yun?" unang tanong niya. "Anong kailangan niya sayo?" pangalawang tanong niya.
"It's not your business! Sinusundan mo ba 'ko?"
"Hindi. Nagkataon lang na napadaan ako dito." Kalmado niyang sagot na parang walang nangyare.
"Liar."
"Sa totoo lang, may aaminin ako sayo. Hindi na kasi kaya ng konsensya ko." mas lalo akong kinabahan sa sinasabi ng kumag na 'to. Humithit ulit ako ng isang sigarilyo para lang kumalma ako.
Tinaasan ko sya ng kilay at nakikita ko sa mga mata niya na para bang naiiyak siya na ewan. Lalaki ba talaga yun? Kakaloka!
Tumingin muna sya sa paligid bago sya bumulong. "Hindi totoo lahat ng pinakita na video ni Jeff tungkol sayo..."
Napatigil ako sa sinabi niya at naging curious ako sa mga susunod niya pang sasabihin.
(A/N: yan na muna. Sana nagustuhan niyo. Ciao! >_<)
BINABASA MO ANG
Lusting Love
Romance"Bakit hanggang ngayon akala mo sex pa rin ang habol ko? Hindi mo ba nakikitang nageeffort din ako? Nageefort kasi mahal nga kita!" Pa'no kung ang effort mo pala ay mapunta sa maling daan? Sa maling tao. Sa maling paraan at maling pagibig? Abangan...