Chapter 5

392 2 0
                                    


I grabbed his wrist and made him stop. Ayoko sanang itigil 'to.

"May problema ba?" Tanong niya.

"W-wag..." pilit na pilit ko pang sabi.

"Huh? Bakit? I thought you liked it?" Pagtataka niya pang tanong. At nag-english si gago.

"M-meron ako," pagdadahilan ko.

"Ha? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Bumangon ako at kumunot ang noo ko. Binalik ko ang bra ko at sinuot ko ang damit ko.

"Kailangan ko bang sabihin sayo nung nasa Starbucks palang tayo? Bago mo hinigop yung libre kong Starbucks sayo? Sasabihin ko muna sayo na 'Uy, walang kemehan ha kasi meron ako ngayon', ganun nalang ba tingin mo sakin? Akala mo puro keme lang?"

"Hindi, I just thought na okay lang sayo kasi pumayag ka na pumunta ako dito sa bahay niyo kahit ngayon mo lang ako nakilala."

"Yes, I trusted too much, and it was a big mistake! Then I learned and I know how to make it right!" Nanggigil na talaga ako sa higanteng 'to!

"Tama pala si Jeff. Madali kang magtiwala at ang bilis mong maniwala. Haha!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinasabutahe ba nila ako?!

"Anong sinasabi mo?" Mariin kong sabi.

Tumayo siya at aaktong aalis na. Bigla akong humarang sa daan niya para alamin kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

"Woah! Ayaw mo ba akong paalisin?" Ngumingiting demonyo lang siya. Nakakainis! Tatanggalan ko na 'to ng kaligayahan!

"Ano munang ibig sabihin ng sinabi mo?" Nakakunot parin ang kilay ko habang hinaharangan ko ang pinto namin.

"Wala naman ibig sabihin yun, milady. Sabi lang ni Jeff, ang bilis mo lang maniwala na nagbreak sila ni Erika. Pero ang totoo niyan, gusto niya lang talaga ang katawan mo! Haha!"

"WHAT???!!!" sinampal ko siya ng malakas na ikinagulat niya. Hinawakan niya bigla ang mukha niya dahil alam kong maya maya lang, mamaga na. "P*tang *na mo! Kahit pumupunta dito si Jeff, walang nangyayari samin! Swear to god!" Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko. Nagsimula nang dumilim ang paligid ko.

Konti na lang bibitaw nako.

"Haha! Look at you. You looked pathetic. Akala ko pa naman bibigay ka na agad kaso mali ako. Hindi mo ko pinagbigyan pero Jeff--"

BAM!!

Yes. I punched him. I punched him in his face --hard and powerful punch which made him unconscious.

Oh, yes girl power! Alam kong mali, oo na. Pero para safe. Hinila ko ang higante papunta sa kwarto at dahil baka maabutan pa sya ng nanay ko na nakahilata dito, mas lalong hindi maganda ang image.

Ugh! Ang bigat niya malamang! Naglatag ako ng foam sa kwarto malapit sa kama ko at nilapag ko si higante. Wag lang pumasok ang nanay ko.

Haysss. Kung ano ano na agad ang naiisip ko.

"Tina." Nagulantang ako sa boses ng nanay ko. Buti na lang sakto ang pagligpit sa higanteng 'to. Uy, wag kayong ganyan ah, hindi pa patay 'to. Pinulsuhan ko naman at buhay pa. Unconscious lang. Hehe.

"Oh, Ma. Late ka na?" Tanong ko sa nanay nang makalabas na ako ng kwarto ko.

"Oo eh, may urgent meeting kami." Sagot niya. Ay taray niya oh, pasossy. Gabing gabi may meeting.

"Ah, ganun ba? Okay."

"Kumain ka na ba?"

"Di pa eh, magluluto palang ako ng corned beef." Sagot ko habang papunta na ako sa kusina.

"Ito na kainin mo." Inabot niya sakin ang isang take out ng Shakey's. Taray oh, may pashakey's si momshiekels.

Syempre, kinain ko na at gutom na gutom ako dahil sa higanteng yun.

Matapos lahat ng gawain eh natulog na ako, pero sinugurado ko muna na patay parin este, unconscious parin ang lolo niyo. Mukhang okay naman siya, in fairness puyat yata 'to kasi tagal magising. Isang suntok lang naman yun. Weird.

Lumipas siguro ang apat na oras at tsaka ako nakatulog at tulog parin si higante. Edi waw.

The next day...

"Lalala." Nag-unat at pinigilan ang sarili na wag matulog ulit. Sarap matulog, tumingin ako sa relo at 9 AM na pala. Wala naman akong pasok kaya magiisip pa ako ng gagawin ko ngayong araw. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at magtoothbrush.

Pero teka--

Bumalik ako ng tingin sa may ibabang bahagi ng kama ko. Napabaliko pa ang leeg ko kasi--teka--parang? Parang... parang may kulang eh. Takang-taka ako kasi ang alam ko may nakahiga dun kagabi eh.

Tsaka lang ako nagising at hindi ko na nagawa ang mga dapat kong gawin sa banyo.

Hinalughog ko ang buong kwarto ko pati na rin banyo pero wala akong higanteng na-aaninag!

OMG!! Nasaan na kaya yun? Di kaya kinuha na ni Lord? Or nahagip ng portal ng mga multo? O kaya kinain ng alien?? Nakakaparanoid!!!

Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at napakunot nalang ako ng noo kasi parang may naguusap sa sala.

Nang pagkabukas ko ng pinto, tumambad sakin ang nanay ko at si Jordan habang masarap na kumakain ng tinapay at nagkakape ang dalawa!

Like what the f*ck?!!!

Lusting LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon