Nang matapos na ang paguusap namin sa SB, hindi namin namalayan, gabi na pala. Edi wow. Ang dami niya kasing kuda.
"Saan ba yung sa inyo?" Out of nowhere niyang tanong.
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman. Eh kasi medyo maaga pa naman. Kung pwede sana..." Harudyosko! Talaga naman.
"Maaga pa ba sayo ang alas otso?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero si Jeff nga, pumupunta sa inyo. Pinapapunta mo. Tapos ako hindi." Kunyaring pagtatampo pa siya. Hay nako! Hindi bagay sa pagiging higante mo!
"Eh iba naman kasi si Jeff. Kasi matagal ko na siyang kilala, eh ikaw, ngayon lang naman." Pagdadahilan ko. Hindi naman yata pagdadahilan yun kasi totoo naman na ngayon ko lang siya nakilala.
"Eh mas matagal naman kaming magkaibigan ni Jeff. Wala ka bang tiwala sakin?" My ghaaad! He's deceiving me!
"Oo na! Tara na nga! Malapit lang naman yung samin!" Oo na, mabilis akong bumigay. "Maglalakad lang tayo ha!"
"Oo ba! Go ako dyan." Sagot niya.
Nagsimula na kaming maglakad. Kahit mga 3 miles pa ang layo ng bahay namin simula sa Starbucks! Oo malayo nga pero mapilit si koya mo kaya tingnan natin kung kakayanin.
...
After 20 minutes...
Wooooo! Todo na to! Hindi ko pala keribels! Ang hirap lakarin! Parang pag umabot pa ng isang oras, mahinimatay na ako sa layo! Kalerki!!
"Oh, diba? Hindi mo kaya?! Hahahaha!" Pinagtawanan ako. Nakakainis naman!
"Oo na! Ikaw na ang magaling maglakad!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh kasi mahilig akong mamundok at sanay na akong maglakad." Kampante niyang sagot. Ah kaya mukha kang kapre! Charot lang! Paliwanang niya kahit wala namang nagtatanong sa kanya. Pasikat pa talaga 'tong higante na 'to!
Kaya naman. Napilitan kaming sumakay. Mas masaya pala talagang sumakay. Mga ilang minuto nalang din naman, malapit na sa bahay.
Nang makarating na kami sa bahay namin, kinakabahan ako kung paano ko nga ba siya ipapakilala sa nanay ko. Kaya naman nagisip na ako ng mga sasabihin;
Imagination:
"Ma, si Jordan, nakita ko lang sa kanto, kawawa eh. Gusgustusin, aampunin ko na sana." Hahaha! Charot!
O kaya naman,
"Ma, si Jordan, kaibigan kong lalaki."
O di kaya,
"Ma, si Jordan, magtatanan na po kami."
Hahaha! Grabe! Kung anu-ano na naiisip ko! Bahala nalang ang mga santo sakin kung pa'no ko siya ipapakila!
"Ang laki pala ng bahay niyo eh." Tambad niya ng makita niya yung bahay namin. Hindi naman talaga kalakihan, malaki lang siguro talaga ang mga mata niya kaya niya nasabi yun.
Pamana ng tatay ko ang bahay na 'to. Syempre ako na nga lang nagiisa niyang anak wala pang habilin nu? Kaya naman bahay ang iniwan niya pati pension niya kaya mama. Lagi naman yatang ganun pag namamatay. Malay ko ba dyan.
Pero hindi ko na muna naikwento sa kanya, kasi ayaw ko pang mag open-up tungkol sakin.
"Hindi yan malaki. Mukha lang malaki yan kasi makapal ang mga ding-ding pero maliit talaga sa loob." At bigla syang tumawa. Nagsmirk nalang ako pero 'di ko rin mapigilang hindi tumawa sa sarili kong joke.
Tumambad sa kanya ang kulay mint green na bunggalow na bahay. May maliit na patio at may pamparelax na upuan.
Tumatango-tango siya habang binubuksan ko ang gate namin. Nasiyahan siguro siya sa nakikita niya.
Pagpasok namin, napansin kong parang sarado ang ilaw ng bahay, ang labas lang bukas.
Nandyan kaya nanay ko? Or wala?
OMG!! We'll be alone if ever!! Eto na 'to. Panahon na!
Panahon na para ako na ang magluluto ng hapunan dahil wala pa ang nanay ko.
Good luck sa kakain! Bwahahahaah!
(A/N: sorry ang hirap magisip ng joke. Hahaha!)
BINABASA MO ANG
Lusting Love
Romance"Bakit hanggang ngayon akala mo sex pa rin ang habol ko? Hindi mo ba nakikitang nageeffort din ako? Nageefort kasi mahal nga kita!" Pa'no kung ang effort mo pala ay mapunta sa maling daan? Sa maling tao. Sa maling paraan at maling pagibig? Abangan...