Chapter 12

213 2 0
                                    

"Lumabas ka dyan Jeff! Buksan mo ang pinto! Tang 'na mo! Walang hiya kayong dalawa! Lumabas ka dyan!"

Dali-dali akong pumunta sa bahay ni Jeff dahil sa kawalang hiyaan nila ni Jordan.

At dahil may access ako sa building ng condo ni Jeff, kahit anong oras pwede akong pumunta at pwedeng pwede ko na siyang patayin. Pero hindi ko gagawin yun dahil mas malala pa sa kasalanang ginawa nila. Kung dala ko lang sana ang susi nitong hayop na condo, kanina pa sana namatay ang gagong yun! Mga walang hiya! Pitong taon ko siyang kilala at tinuturing na kaibigan tapos ganito lang ang ipapalit niya sakin?

"LUMABAS KA DYAN!" wala akong pakialam kung may mga nakakarinig sa pagwawala ko. Namumuo na ang luha ko dahil sa mga pangyayari.

"Ahm, miss? What are you doing?" Isang matangkad na magandang babae ang biglang lumapit sakin. Balingkinitan, ang kinis niya, maputi at parang walang pores ang mukha. Halatang-halata na mayaman ang itsura niya. Walang wala ako sa lahat ng meron siya.

"Sino ka?" una kong tanong.

"Ha! I'm the one who asked you first. You should answer my question."

"Isn't it obvious? Can't you see what I'm doing?" pabalang kong sagot sa kanya. Arte neto. Maganda lang naman. Wala namang utak.

"Common sense dear. I live here. And--wait." tumingin siya ng matalim sakin mula ulo hanggang paa na parang gigil na gigil siya. "You're Tina, right?"

"Ay waw. Kilala mo naman pala ako eh. Sino ka ba?"

"We finally meet. Erica is my beautiful name." sabi niya habang masama ang ngiti niya. Mukha tuloy siyang kontrabida sa pelikula. Pero why didn't I recognize her? This isn't the first time that I saw her.

"Erica! Nandito ka na pala! Ug-- T-tina..."

Hindi ako nakapagsalita at namumuo na agad and luha ko. Nangingig ako sa galit. Nandidiri ako sa kanila. Gusto kong ihulog sa building na 'to si Jeff.

Jeff's POV

 Nandito na si Tina. Pa'no ko ipapaliwanang sa kanya ang talagang nangyari? Ayoko siyang pagbuksan dahil alam kong susugurin niya lang ako at alam kong baka mapatay niya lang ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. At mabuti nalang, hindi niya siguro dala ang duplicate key na nasa kanya.

Pabalik balik ang lakad ko sa buong sala ng condo ko. Hindi ako mapakali. Hanggang sa naririnig kong may kausap si Tina sa labas. Teka--

"Erica.."

Oo nga pala! Pupunta nga pala si Erica ngayon! Nakuuu! Patay naaa!! At dahil matindi ang break-up namin, at nandyan pa ang dahilan ng pagbe-break namin, katapusan ko na yata sa dalawang kamay ng babae!

Lumabas na ako at dahil wala na akong choice.

"Erica! Nandito ka na pala! Ug-- T-tina..."

"Hi babe!" bati sakin ni Erica pero hindi nakangiti. Akala ko ba wala na kami pero bakit binati niya pa ako. Minsan talaga hindi ko mainitindihan ang mga babae.

"WALANG HIYA KA! WALANG HIYA KAYO!" at bigla nalang akong nasunggab ng mag-asawang sabunot at sampal ni Tina.

"ANONG GINAWA NIYO SAKIN HA!"

"Tina, tekaaa - - Aray! Let me explain. It's--AWW not what you thinkkk!!!"

Blag! Pak! Bang!

Yan ang naririnig ko mula sa sampal at suntok niya sakin. Napaka-unfair nga naman ng mundo no? Si Erica naman, walang ginawa kundi nakatunga-nga, nakapameywang at tinitingan lang akong nasasaktan. Minsan iniisip ko kung bakit ako nagpakatanga dito eh. Hays.

"Anong explain, explain?! Dahil sa ginawa niyo, magagawa niyo pang mag-explain?"

Tina's POV

"Talagang may pageexplain ano?! Ano sa tingin niyo ang ginawa niyo??? Nangati lang kayo at nakita niyo ko, ayun na? Mukha ba akong ngalalakad na kike?!!" sorry for the word pero nanggigil na talaga ako! Parang lahat ng balahibo ko tumataas.

"Hey! Watch your mouth. You're not here just to say those words. Oh well, what's your explanation babe?" sabay baling ng baklitang to sa hayok. Ang arte. Masahol pa sa aso ni Ariana G. Char lang oi!

"Pumasok na nga muna kayo sa loob at dun na tayo magusap. Hindi naman pwede yung ganito na mag-eeskandalo ka. Hay nako."

Wala naman akong choice at kailangan kong pakinggan ang explanation niya. Hindi ko alam ang buong nangyari kaya siguro magexplain siya ng maayos at dahil kung hindi, talaga ipapakulong ko sila!

(Makalipas ang dalawang oras na pag papaliwanag...)

WHAAAAAAT????!!!!! HINDEEEEE!!!!!!

Lusting LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon