Prologue

5.6K 37 1
                                    

Simple. Madiskarte. Ano pa ba ang mailalarawan mo sa isang ShirleyBernardo. Kahit na ba payak ang pamumuhay nila ay namuhay silang masagana. Magsasaka ang tatay ni Shirley at guro naman ang kanyang ina. Nagmamay-ari sila na isang maliit na lupain sa bayan ng Caro. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang pangalawa. Ang kuya niyang si Joseph ay nasa pangalawang taon na sa kolehiyo at nag-aaral ng civil engineering. samantalang si Shirley ay nasa pang-apat na taon ng high school. Ang bunso nilang si Belle ay nasa first year naman.
Matiwasay na naiitataguyod ng kaniyang mga magulang ang kanilang pag-aaral tatlo. Tuwing sabado at linggo kung wala silang pasok sumasama silang dalawa ng kuya niya sa pangangalaga sa bukid samantalang si Belle at ang kanyang ina ang siyang naiiwan sa bahay at naghahanda ng kanilang makakain. Isang larawan ng huwarang pamilya ang pamilya ni shirley. Masaya at nagmamahalan.
..............
Mayaman. Spoiled. Yan si Frederrick Lagdameo. Isang haciendero. Anak ng pinakamayaman sa bayan ng Caro. si Drake kung siya'y tawagin ng kanyang pamilya ay pangalawa at bunso sa dalawang magkapatid. Ang kuya nitong si Enrique ay kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa ng business administration. Samantalang si Drake ay nasa 4th year na at nag-aaral sa Maynila sa isang prestihiyosong paaralan. Tuwing weekends umuuwi ito sa Caro dahil yun ang ibig ng mga magulang niya at upang makita at matuto siya kung paano palakarin at patakbuhin ang kanilang malawak na sakahan at plantasyon.
Kahit na laki sa luho itong si Drake at nasusunod ang lahat ng gusto ay takot itong suwayin ang kanyang ama. Bata pa sila ng kuya niya mulat na sila sa negosyo ng pamilya. Isang mahigpit at disciplinarian ang ama nila samantalang ang kanilang ina ang mismong opposite ng tatay nila. Ang nanay niya na isa rin abogada ay tinitingala sa bayan ng Caro dahil sa pro bono na binibigay nito sa mga mamamayan. Kaya naman malaki ang impluwensiya ng pamilya ng mga lagdameo sa bayan ng Caro.
..............
Matalino. Sporty. Kilalang kilala si Benjamin Jalbuena sa paaralang pinapasukan niya at maging sa buong bayan ng Caro. Parehong manggagamot ang nanay at tatay ni Benj. Nag-iisang anak kaya naman kahit di ito maluho lahat ng ibigin nito ay naibibigay. Nasa 4th year high school na si Benj sa isang private school ng Caro. Competitive ito mapa-academic man o sports. He usually excel sa lahat ng sinasalihan na patimpalak.
Masyadong matulungin sa kapwa ang nanay at tatay ni Benj. Ang tatay niya ang siyang punong manggagamot ng probinsiya at ang nanay nito ay isa sa mga manggagamot ng bayan. Kalimitan ang mga magulang ni Benj ang karaniwang tinatakbuhan ng mga mamamayan ng Caro lalo na ng mga mahihirap. Isa ang pamilya nila na nirerespeto sa bayan ng Caro.

Because of You (jailenash fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon