Nalaman ko kay Aliza na si Mommy Monika ang kumuha ng bodyguards para hindi papasokin si Kyson. Nalaman ko rin kay Aliza na hindi umalis si Kyson... Ngayon na palabas na kami ng ospital ay andoon pa rin daw siya... I will not give him a chance to see Chester.
"Aleena!" Tawag nito. May dark circles na siya pero ang pogi pa rin ng peste!
"Kyson!" Tawag ng Daddy Fre sa kanya. We gasped when Kyson kneel down.
"I am sorry... I am so sorry..." He said...
Nakasakay ako sa wheelchair at buhat buhat si Chester.
"Aleena.. Forgive me.. Let's do this right now... Please." He pleaded. Parang piniga ang puso ko.
Tiningnan ko naman si Aliza, Mommy, si Mommy Monika, at si Daddy Fred. Halos lahat sila nakatingin sa akin.
Paano kaya kung gawin ko rin ang ginagawa iya? The treatment then boom I will leave him. I will not go without a fight... I will not go without telling him how I felt!
"Kyson... Stand up..." Sabi ni Mommy sa kanya.
"N-No Tita...Kung ito ang paraan para mapatawad ako ni Aleena gagawin ko. Luluhod ako habang buhay..." Gusto kong matawa. Habang buhay? Talaga lang ah?
"Let's go Dad..." Sabi ko kay Daddy na nagtutulak ng wheelchair.
"Aleena please!" Awat ni Kyson.
Napabuntong hininga naman ako... Sana, sana may puso ako na meron siya... Yung puso na bato, yung puso na walang pakialam kung may nasasaktan ako, yung pusong walang awa, yung pusong selfish... Yung mga ganoong klasi na puso sana.
"We'll talk at the house Kyson." Mahinang sabi ko. I saw Aliza shook her head.
I know what I am doing and I will stick to my decision!
Pagdating sa bahay ay hiniram ni Kyson si Chester... Binigay ko naman iyon sa kanya... Parang kinumos yung puso ko sa nakita ko... Hinalikan ni Kyson ang noo ni Chester.
Umiwas naman ako ng tingin.
He was there... I saw how he look after me and Chester... Hindi ko lang pinansin iyon. Kinabukasan ay umalis ako ng bahay ng umalis rin siya. Sinama ko si Chester.
Una kong kinausap si Aliza. Buhat buhat niya si Chester.
"Bakit ka sumama? Akala ko aalis tayo Aleena!?" Galit nitong sigaw sa akin.
Tumango ako sa kanya.
"Aalis tayo... Kakausapin ko muna sina Mommy... I want to leave Kyson slowly but lethal..." Madiin kong sabi.
Pumunta sina Mommy Monika sa bahay... Na sa library kami at nag-usap.
Na sa labas naman si Chester at buhat buhat ni Aliza.
"Hija... Bakit ano ang pag-uusapan?" Tanong ni Mommy Monika sa akin.
"I... I just want to say thank you for the rollercoaster ride you set for me and Kyson... I am thankful for more than 2 years with him but it didn't work what I've expected... On what you guys expected..." Sabi ko at yumuko.
"I am so sorry to disappoint you... I thought I can work things out... Ginawa ko lahat lahat but I guess Kyson's love for Sophie is so strong... Hindi basta basta natitinag... Kahit ganoon po ang nangyari masaya pa rin ako because I have Chester..." Sabi ko at ngumiti. Pinunasan ko naman ang luha sa mga mata ko.
"I... I love Kyson... I really do... Hindi dahil sa arranged marriage kami at hindi ito pilit na pagmamahal... Mahal ko si Kyson at gusto ko until my last page ay andoon siya but I guess it's impossible..."
"Aleena..." Tawag ni Mommy sa akin.
"Okay lang ako 'Mi... This is part of life... To get hurt... Wag niyo po sanang isipin na kasalanan niyo ito dahil pinilit niyong ikasal kami ni Kyson... Gusto ko pa sanang sabihin sa inyo na hindi mali iyong desisyon niyo... It was... a blessing for me though... I have Chester and I felt what love really is..."
"A-Aalis ako... Isasama ko si Chester sa Canada... I will not tell Kyson na aalis ako at sana huwag niyo munang sabihin. Just tell him when he ask or when I arrived at Canada.. I want to find myself and give myself a time. I've done enough and sacrificed enough for Kyson..." Bumaling naman ako kay Mommy Monika... Umiiyak rin siya.
Naiiyak na rin ako! Kanina pa ako papunas punas ng luha ko.
"Daddy Fred, Mommy Monika... I love your son even he's grumpy all the time... At sana kung sila man ni Sophie ay matanggap niyo iyon... Kyson loves Sophie so much... He wants to marry Sophie at sana pagbigyan niyo siya." Napahagulhol si Mommy Monika ng napalakas na rin ang iyak ko.
Is this letting go? Ang hirap hirap naman pala ng letting go na sinasabi nila! Naiisip ko pa lang na lumalakad si Sophie at hinihintay siya ni Kyson sa harap ng altar at pinipiga na ang puso ko!
"A-Aleena... Don't hide Chester away from Kyson... That's what we ask..." Mommy Monika said... Bakit kahit anong pilit ko na palamigin ang puso ko towards Kyson ay hindi ko magawa? Bakit ang lambot lambot pa rin?
"P-Pag-iisipan ko po..." Yumuko naman ako.
"Will you be back Aleena?" Tanong ni Daddy. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"I will... Makikita niyo si Chester... I will give myself a time then babalik kami rito... At kapag nakabalik na kami, malaki na si Chester at malalaro niyo na siya." Sabi ko.
I can't imagine things now but for me and Chester ay gagawin ko. This is for myself...
Niyakap naman ako ni Mommy Monika...
"Thank you Aleena.. Thank you for not leaving Kyson's side and for giving him a wonderful son... I will understand if you will leave him... I really do..." Niyakap ko naman si Mommy Monika pabalik.
After the talk ay lumabas ako. Dumiretso ako ng kwarto kung nasaan si Aliza at Chester.
"What time flight natin sa Sabado?" Tanong ko kay Aliza.
"10am para wala si Kyson sa inyo... Iiwan mo ba talaga mga gamit mo?" Tanong nito.
"Dadala lang ako ng iba... Sa Sabado ng umaga na lang rin ako magliligpit para hindi niya malaman." Tiningnan ko naman si Chester na mahimbing na natutulog. Kyson na Kyson talaga ang itsura niya.
"Ano sabi nila Tita Monika?"
"They understand, and she asked me not to hide Chester from Kyson." Sabi ko at hindi inaalis ang titig sa anak ko.
"Babalik tayo, Aleena... For now, just give yourself a time... Simula kasi nung minahal mo na si Kyson ay wala ka na sa sarili mo... Lahat ng sakit ay tinago mo..."
Doon ako nag dinner sa bahay... I didn't mind Kyson... He said uuwi siya ng maaga but I don't care....
The world had already flipped.
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General FictionAleena is the type of girl who will give everything to the one she loves, even this means breaking her heart and soul. She's the type of girl who will never get tired of enduring the pain and she is also a member of the people who easily forgive and...