Tinawagan namin sa skype ni Aliza si Mommy at kinamusta doon.
"Sumisikip ang dibdib niya kanina... Mga 5am..." Sabi ni Mommy na naiiyak.
"Sino kasama niyo sa bahay 'Mi? Sino tumulong?" Tanong ko.
"The maids but we called Kyson... Andito sila ngayon sa ospital." Kumalabog naman ang puso ko. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Magbo-book na kami ng ticket 'Mi..." Kinausap pa ni Mommy si Chester at parang gumaan naman ang pakiramdam nito.
Nagiimpake ako ng mga gamit namin ni Chester at nakaupo lang siya sa kama.
"We will going to the Philippines Mom? We will see Dad!!" Excited nitong sabi. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.
"Will he fetch us?" Tanong nito.
"I don't know baby. Your Dad has a work and I don't know if he knows that we will go home there." Sabi ko.
Ng nailagay ko na lahat ng mga gamit namin sa mga maleta ay pwinesto ko naman iyon sa gilid.
"Goodnight, baby..." Sabay halik ko sa noo ni Chester.
Hindi ako nakatulog. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Si Daddy at si Kyson... Hindi ko alam. I don't know how to deal with Kyson now. 3 years were a good space for me because I didn't talk to him.
Maaga kaming umalis sa bahay at dumiretso sa airport. Sobrang excited naman si Chester.
Halos natulog ako sa biyahe at ganoon rin si Chester. Si Aliza naman kanina pa iyak ng iyak sa kaba.
Pagkalapag ng Pilipinas ay hindi namin alam ang susundo sa amin- I mean hindi ko alam.
"Andoon daw si Maxx sa parking lot..." Walang boses ng sabi ni Aliza. Halos nagmadali naman kami pumuntang parking lot at andoon nga si Maxx. Well, nawala ang kaonting kaba ko. Akala ko kasi si Kyson. Mabuti na lang. Pero may part sa akin na na disappoint, akala ko nagbago na according to Mommy Monika? Siguro ayaw lang talaga ni Kyson sa akin, siguro hindi niya talaga ako mahal.
Sinalubong niya naman kami ng yakap.
"Hi Chester!" Sabay apir niya kay Chester. Tinanggap naman iyon ni Chester. Si Aliza na ang sumakay sa front seat. Ang gamit namin ay na sa isang sasakyan ng mga Chavez.
"Diretsong ospital na tayo, Maxx." Sabi ni Aliza.
Kahit pagod kami sa biyahe ay dumiretso kami. Hindi naman napigilan ni Chester at nakatulog siya.
"Ako na lang kay Chester, Aleena." Sabi ni Maxx. Siya naman nag buhat sa tulog na tulog na si Chester.
Pagdating namin sa kwarto ni Daddy ay nakakabinging katahimikan ang bumungad sa amin. Si Mommy at Mommy Monika lang nandoon. Andoon si Daddy, tulog. Mabilis naman na lumapit si Aliza kay Daddy at niyakap siya.
"Mommy..." Tawag ko at niyakap rin si Mommy. Humalik naman ako sa pisngi ni Mommy Monika.
"Maxx, salamat sa paghatid sa kanila... Na abala pa kita." Sabi ni Mommy.
"Walang ano man po, Tita Terry... I'll just be back later may tatapusin lang ako." Paalam ni Maxx. Kinuha ko naman si Chester sa kanya.
Lumapit naman si Mommy at Mommy Monika sa akin. Naiiyak sila na ngumingiti.
"Ang laki na niya, Aleena..." Naluluhang sabi ni Mommy Monika.
Gumalaw naman ng kaonti si Chester...
"Kyson junior..." Sabay tawa ng mahina ni Mommy Monika.
Nilapag ko naman si Chester sa sofa sa loob ng ospital. Sinabihan kami ni Mommy ng kalagayan ni Daddy. Nanatili kami doon, gabi na ng may tinawagan si Mommy Monika for dinner. Si Chester naman ay naglalaro lang sa iPad niya. Kinakausap naman siya minsan at sumasagot ito.
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General FictionAleena is the type of girl who will give everything to the one she loves, even this means breaking her heart and soul. She's the type of girl who will never get tired of enduring the pain and she is also a member of the people who easily forgive and...