Kabanata 30

483 9 0
                                    

Halos tawanan ang nangyari sa hapunan dahil kay Ameer.

"Girl kapag magkaka restaurant ka gusto ko sosyalin ang pangalan ah!" sabi ni Ameer.

"Ay? Restaurant mo?" tanong ni Lyn sa kanya. Umirap naman siya.

"You're planning, love?" baling ni Kyson sa akin. Tumingin naman ako sa kanya.

"Planning lang naman..." sabi ko.

Ngumiti naman si Kyson at tumango.

Gabi na ng nagpaalam ang mga kaibigan ko na umuwi na. Humalik naman sila kay Chester at sa akin.

"Girl, kay Kyson pwede pa kiss rin?" tanong ni Ameer.

"Oh fuck. Shut up." sabi ni Kyson dito. Tumawa naman kami.

"Suplado pa rin." sabay nguso ni Ameer.

Binuksan naman ng guard ang gate para lumabas na ang sasakyan ni Ameer. Pumasok naman kami sa bahay at dumiretso sa couch kung nasaan nanunuod si Chester ng TV.

"Ches, let's go upstairs na." sabi ko.

"Last episode, Mom." sabi nito.

Humilig naman ako kay Kyson na nakatingin rin sa TV. Hinaplos niya naman ang braso ko.

"Sundan na natin." bulong niya.

"K-Kyson!" napaka talaga ng lalaking to! Chester already sleeping at his own room. Kaya kami lang ni Kyson ang na sa kwarto. Like before, every morning ay ganoon at every night. Ang pinagkaiba na lang ay, hindi na rough sex, yes it sometimes hard but it's making love. Not full of lust and anger.

Isang araw ay nagising ako ng maaga para maghanda ng breakfast. Pumasok naman ako sa kwarto muna ni Chester at tiningnan siya. Balot na balot ito ng comforter at parang may mali. Lumapit naman ako sa kanya, kahit umupo ako sa tabi niya at naramdaman ko na ang init. Dumapo naman ang likod ng palad ko sa leeg niya at sa noo.

"Chester..." tawag ko.

He groaned.

"Ches... You're sick..." sabi ko.

"My... My head's ache, 'mi." sabi nito na nakapikit.

The last time he got sick ay na admit siya dahil kapag magkasakit si Chester ay grabe grabe. Minsan nga lang pero sobrang grabe. Si Aliza ang kasama ko noon sa Canada.

Tinawag ko naman ang Yaya ni Chester para pabantayan siya muna. Pumasok naman ako sa kwarto at ginising si Kyson. Noon, sobrang natataranta ako kapag magkasakita si Chester pero dahil kay Aliza ay natutunan ko ring kumalma.

"Kyson..." tawag ko.

"Hmm..."

"Chester's sick... Sobrang init niya..." sabi ko at kinagat ang labi ko.

Gumising rin si Kyson at dali daling pumasok sa kwarto ni Chester. Kumuha naman ako ng basin at towel para ilagay kay Chester.

Pagpasok ko sa kwarto ni Chester ay binubuhat na siya ni Kyson. Umiiyak si Chester.

"Shhh... We'll go to the hospital, Chester.. Does it really hurt?" tanong ni Kyson kay Chester.

Tumango naman si Chester na umiiyak pa rin.

"Pupunasan ko muna siya, Kyson." sabi ko. Nilapag niya naman si Chester sa kama pabalik. Umupo naman ako sa gilid at pinunasan si Chester sa noon, sa leeg, mga kamay niya.

Pinatay naman ni Kyson ang aircon at inutusan ang maid na maghanda ng umagahan.

"Daddy don't go..." sabi ni Chester at tinaas pa ang kamay niya.

Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon