Kabanata 22

549 6 0
                                    

I don't know what is the real score between me and Kyson. Yes, we're married IN THE PAPERS but the REAL status for our hearts aren't defined YET.

"I am so excited!" Sabi ni Chester.

"Don't be naughty there, Chester. Don't disturb your Daddy." Tumango tango naman si Chester.

He wants to go on Kyson's office again. Hindi ko alam kung bakit pumayag naman si Kyson eh tambak tambak ang trabaho niya. Siguro pababantayan niya na naman sa secretary niya?

"Who will watch over you there?" Tanong ko ky Chester.

""Maybe Tita Jenny? Dad's secretary." Tita?

Bumusena naman si Kyson sa labas. Mabilis naman tumakbo si Chester palabas ng bahay para salabungin ang Daddy niya. Sumunod naman ako sa kanya at kinuha ang mga gamit niya.

Na sa labas naman si Kyson ng sasakyan niya at buhat buhat ang anak nito. Napangiti naman ako.

Their eyes, nose, skin color, lips, and maybe if kapag lumaki na talaga si Chester ay makikita na ang mukha niya na nakuha lahat kay Kyson.

"Why are you smiling?" Tanong ni Kyson sa akin. Nagkibit balikat naman ako at tuluyan ng lumabas sa gate ng bahay.

"You take care there, little buddy." Sabi ko kay Chester at inabot siya para halikan kahit buhat buhat siya ni Kyson.

"Yes Mom!"Ngumiti naman ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Kyson na seryosong nakatingin sa akin. Tiningnan ko rin siya at tinaasan ng dalawang kilay.

"Ako?" Tanong nito.

"Anong 'ako'?"

"Wala akong kiss?" Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Matatawa ba? Maiinis? Hampasin siya? Ano dapat?

"Anong kiss ka diyan?" Uminit naman ang pisngi ko.

He chuckled and reached my head to kiss it.

"I'll call you later to have dinner." Sabi nito. Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang ngiti ko.

Sinakay niya naman si Chester sa front seat, lumakad naman siya para makasakay sa driver's seat.

"Talagang wala akong kiss, Aleena?" Tanong nito ng dumaan siya sa akin.

"Tseh! Umalis ka na!" Sabi ko. Tinawanan niya lang ako at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"I love you." Sabay kindat nito at pumasok ng sasakyan niya.

Mabilis naman na tumibok ang puso ko. Yung ngingiti ka na ewan. Yung gusto mong tumambling dahil sa kilig. Yung gusto mong manghampas.

Shit.

Halos naganahan ako sa paglinis sa kwarto ko. Nilagay ko na lahat ng mga gamit namin ni Chester dito. Ng nag lunch time ay naghanda naman kaagad ako.

Mom got depressed. Isang linggo na ang nakalipas ng nilibing si Daddy. Hindi lumalabas ng kwarto ng Mommy. Si Aliza naman ay nagta-trabaho.

Nagpatulong naman ako sa mga maids sa bahay para maghanda na sa mesa. Umakyat naman ako para tawagin si Mommy.

"Mommy..." Tawag ko. Nakaupo siya sa upuan malapit sa veranda habang hawak hawak ang litrato ni Daddy.

"Mom..." Sabay lapit ko. Tiningnan niya nama ako at ngumiti siya. Pinunasan ko naman ang luha na lumabas sa mga mata niya.

"Aleena..." She said. I bend  my knee to sit in front of my mother. Nilagay ko naman ang kamay ko sa lap niya at hinawakan naman iyon ng isang kamay niya.

"A-Alam mo bang... Noong wala ka dito sa tatlong taon ay pabalik-balik kami sa ospital? Halos ilang beses ng mangyari yun sa Daddy mo..." 

Hindi ko alam, parang may bumura sa lalamunan ko. It really happened? Bakit hindi ko alam? For 3 years, they showed me that everything was all fine here.

"Ayaw niyang malaman mo, anak... All he wanted was to make sure you're doing great at Canada. Ayaw niyang umuwi ka dito dahil sa kanya, ayaw niyang umuwi ka ng hindi pa handa. Kyson... Kyson was there to help us, that's why your Dad wanted you to be back together. He saw how Kyson changed and regret..." Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan naman iyon ni Mommy at ngumiti siya sa akin.

"Ng nalaman ni Daddy mo kay Aliza na lumalakas ka doon sa Canada ay ang saya saya na niya... You know how to say no, you know how to reject things, you know how to value yourself and you know your limit... That matters the most, Aleena... Your self-worth..." Napapikit naman ako at nagsiunahan ng lumabas ang luha sa mga mata ko.

My Dad is really the best hero... He is really a true love... Father's love is really the best.

"Aliza knows everything, Aleena... She knew what happened here but your Dad told her to just keep it to you... Ayaw na ng Daddy mo na problemahin mo pa siya dito... Gusto niya ay si Chester lang at sarili mo ang atupagin mo doon." Gusto kong sumabat pero hindi ko alam kung ano. 

"Wala na kaming choice ni Aliza but to contact you para umuwi... Sobrang saya ng Daddy mo ng nakita niya ang pinagbago... Naging independent ka... Nakaya mo lahat lahat... You endured the pain and you  fought for the person you are now... Your Dad thought of you until his last minute..." Sabay ngiti ni Mommy.

Sa amin ni Aliza, ako yung pinakamahina. Kahit noong mga bata palang kami, ay kahit matapilok ako ay umiiyak na ako. Hindi si Aliza ang tipo ng kapatid na ingettera, she was there for me since day one. Naiintindihan niya ang mga ginagawa ng parents ko sa akin kasi sa amin ako talaga ang mahina, ako yung maiyakin, ako yung oo lang ng oo, at ako yung bigay ng bigay kahit sobra sobra na.

"And he was really smiling when he knew you will give Kyson a chance..." Kyson hurt me for how many times. All his rejections, all his cusses, harsh words, and all the pain I felt really made my heart die. All I did was to keep it, I didn't told everything to my family, I kept on crying on silent and kept on loving him in silent too. Kaya siguro hindi nag work... Kasi takot akong mailabas rin ang lahat.

I thought this love was so toxic that's why I left him here and I left my family... Aminado naman ako na noon, toxic talaga ang relasyon naming dalawa, nakakasama sa akin at hindi ko nilabas kasi ayaw ko ring mag-alala ang mga magulang ko sa akin. Sa tatlong taon, tahimik ako sa Canada habang sila dito ay gulong-gulo... Kyson was there... Kyson helped them... Kyson made things possible....

After all, he is not toxic to my heart... This love is not toxic anymore.

Napahagulhol ako ng iyak at napaluhod sa harap ni Mommy...

"Sorry.. Sorry for leaving... I didn't know na mangyayari ito... Hindi ko alam 'Mi... Sana.. Sana kung alam ko umalis ako at hinayaan na masaktan emotionally... Pwede naman sana iyon eh, yung layuan lang si Kyson tapos manatili ako... Sana ganoon ang ginawa ko para hindi ako nalayo kay Daddy..." Naiiyak kong sabi.

Umiling-iling naman si Mommy.

"Anak... Don't be sorry... You become the person we wished for... Ngayon, malakas ka na. May natutunan ka na... At maraming realizations... Now, be happy with Kyson... That's the last thing your Dad asked you..." Tumango tango naman ako at niyakap si Mommy ng sobrang higpit.


Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon