Kabanata 23

542 9 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng TV sa kwarto. Nakatulog ako sa kakaiyak kanina. Hindi ko namalayan. Binuksan ko naman ang mga mata ko at nakita so si Kyson at Chester nakaupo sa couch sa kwarto at nanunuod ng TV.

Shit! May dinner nga pala kami! 

"Kyson..." Tawag ko. Bumaling naman silang dalawa sa akin. Tumalon naman ang puso ko, kahit sa anong anggulo pareho talaga sila!

"Sorry! I slept... Pwede pa naman tayong lumabas." Sabi ko at tumayo. Umiwas naman ng tingin si Kyson sa akin at ngumuso.

Bakit naman?

"Yey! Let's go Dad!" Tumalon talon naman si Chester sa couch.

"You sure, Aleena? We can just eat here." Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"O-Oo naman... Gusto ko ring kumain sa labas." Sabi ko.

Nag-ayos naman ako at inayusan ko rin si Chester. Mga 7:30pm ng nakaalis kami ng bahay. Kinakandong ko si Chester habang na sa front seat kami.

"How's your day, Chester?" Tanong ko.

"Dad ordered a huge box of pizza, Mom! I was really full, then Tita Jenny was there too!" I frowned.

Who the fucking fuck is Jenny? Secretary nga ba?

"She also taught me to write my  full name, Mom!" Masayang wika ni Chester.

"I taught you that too..." Sabi ko. I heard Kyson chuckled kaya tiningnan ko siya. Na sa daan lang ang mga titig niya.

"Yes... She just taught me... Because Dad was busy earlier... So Tita Jenny and I just played in Dad's office." Sabi nito. Tumango na lang rin ako.

Bakit pa niya kinukuha si Chester kung si Jenny lang rin naman pala ang magbabantay!? Hay nako!

Dumating kami sa isang restaurant. May mga kakilala naman si Kyson doon at pinakilala niya kami ni Chester

"This is my wife, Aleena Chavez and our son, Chester..." Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya yung nagpapakilala.

"We will enroll you tomorrow, Chester..." Sabi ko. "You're excited to go to school, right?"

"Yes Mom! When will we move at Dad's house?" Tanong nito. Nasamid naman ako ng tubig na ininom ko.

What the?

"Hey are you okay?" Hindi ko naman pinansin si Kyson.

"Baby, we will not moving... We need to be with your Lola---"

"But Mom..." Chester frowned. Masama ko namang tiningnan si Kyson. For sure kung ano ano na naman ang sinasabi niya dito! Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay at parang ngingiti na siya na parang ewan!

"Chester who told you that?" Tanong ko sa anak ko. Narinig ko naman ang pagpigil ng tawa ni Kyson. Hinanap ko naman ang paa niya sa ilalim at inapakan iyon.

"Aww!" Reklamo nito.

See? Marunong na akong labanan siya!

"Me Mom.. Because I saw on the television... One family stays at one house." Nice. Hindi ko alam kung bakit naging ganito katalino ang anak ko! Minana sa ama ang pagiging witty niya?

Halos hindi maalis ang ngiti sa labi ko kapag nakikita ko si Kyson at Chester na  may ginagawa pareho. Katulad ng pagpunas ni Kyson sa labi niya at pupunas rin si Chester, kapag aayusin ni Kyson ang tie niya ay aayusin rin ni Chester ang collar ng polo shirt niyang batman.

"You're so cutie." Natatawang sabi ko habang lumalabas kami ng restaurant. Buhat buhat ni Kyson ang inaantok na si Chester. Nakasunod lang ako sa likod nila.

Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon