Kabanata 17

629 9 0
                                    

The doctor checked Daddy. Mga 11pm na kami umalis ng ospital.

"Babalik kami bukas." Sabi ko. Humalik naman ako sa pisngi ni Aliza, Mommy at kay Daddy. Humalik rin si Chester.

"Mom. I'm sleepy." Sabi nito sa akin. Tumango naman ako at binuhat siya.

"Aleena..." Halos paghinga ko ay gusto kong pigilan sa pagtawag ni Kyson sa pangalan ko. Ngayon niya lang  kinuha ang atensyon ko!

Tumingin naman ako sa kanya.

"A-Ako na muna  magbubuhat sa kanya hanggang sa baba..." Sabi nito. Tumango na lang rin ako. Pagod na pagod na ang katawan ko. Galing pa ako sa mahabang biyahe.

Sobrang lapit ko kay Kyson ng kinuha niya si Chester sa akin. Ganoon pa rin ang pabango niya! Siya pa rin ang pinakamabango na lalaki na kilala ko!

"Kyson, sa kay Daddy mo na lang ako sasakay. Ihatid mo na lang si Aleena sa kanila." Sabi ni Mommy Monika ng nasa parking lot na kami.

Awkward.

Kinuha ko naman si Chester sa kanya. Halos nakakabinging katahimikan ang limang minuto- at iyon ang pinakatahimik na nangyari sa buhay ko.

Tumikhim naman siya.

"K-Kamusta, Aleena?" Tanong niya. Hindi ko naman inaasahan iyon sa kanya. Kung noon kapag na sa sasakyan niya kami ay walang nagsasalita... Okay lang naman iyon at ako ang atat na atat pero ngayon? Siya nagsimula? How unbelievable!

"Good." Simpleng sabi ko pero naalala ko hindi pala ako yung Aleena na matigas ang puso! Ako pa rin pala yung Aleena na marunong magbigay, yung Aleena na hindi marunong mag reject ng isang tao... Gad!!! I am still the same!

"Ikaw?" Tanong ko at bumaling sa kanya.

"Doing fine... H-How the years went? I mean... Ng pinanganak mo si Chester at sa pagpalaki mo sa kanya? Hindi ka ba nahirapan?" Humina ang boses niya sa tanong niya sa huli.

I laughed sarcastically.

"Dealing with you before was the hardest thing, Kyson... Walang wala yung pagiging independent Mom kay Chester sa hirap noon..." Tunog bitter kong sabi. Nag tiim bagang naman siya.

Wala na nagsalita sa aming dalawa. Do I feel guilty? Yes...

Pagkapark ng sasakyan ni Kyson sa bahay ay lumabas naman siya. Siya naman yung nagbukas ng pinto. Tiningnan ko naman siya ng inabot niya ang kamay niya para kunin si Chester.

"A-Ako na lang." Sabi ko.

"Let me, Aleena... Let me this time."

Nauna akong lumakad kay Kyson. Buhat buhat niya si Chester. Siguro naninibago ang body clock ni Chester.

Binuksan ko naman ang kwarto ko dito... Ayos na ayos ito, siguro patuloy ang paglinis dito kahit hindi na ako natutulog dito... 2 years ako sa bahay namin ni Kyson, 3 years ako sa Canada. Wow! 5 years rin pala ako wala sa kwarto na 'to!

Nilapag naman ni Kyson si Chester doon sa kama. Nilagyan ko naman ng unan ang gilid ni Chester.

I bit my lower lip when Kyson kissed Chester's forehead.

"Uhmm.. T-Thank you." Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin at tumango.

"I'm going Aleena... Take care here... Call me if may problema.." Sabi nito, napako ako sa kinatayuan ko ng hinalikan niya ako sa labi. Ang pagsara ng pinto na lang ang nakapabalik sa huwisyo ko. Natulala ako sa halik na 'yun. Napahawak naman ako sa labi ko.

Did Kyson kissed me? After 3 fucking damn years... I felt his soft lips again.

Kinaumagahan ay pumunta kami ni Chester sa ospital. Dinala ko naman ang isang sasakyan dito sa bahay. Halos hindi ako nakatulog sa kakaisp sa halik na 'yun!

Nag drive thru naman ako sa McDo dahil ginutom si Chester at bumili na lang rin ako ng pagkain nila Aliza at Mommy. Habang naghihintay sa order namin ay tumunog ang cellphone ko.

Kumunot naman ang noo ko ng unknown number iyon.

"Hello?" Sagot ko.

"Aleena.." Fuck. Muntik ko ng nabitawan ang cellphone ko.

"Lalabas ako ng office mamayang lunch... Susunduin ko kayo ni Chester." Mas lalong kumunot ang noo ko.

"S-Si Chester lang... Di ako sasama." Sabi ko. Buntong hininga niya naman ang narninig ko.

"Is that Dad?" Tanong ni Chester. Tumango naman ako.

"Hi Dad!" Sigaw niya at nilapit ang mukha sa telepono ko. Binigay ko naman iyon sa kanya ng andoon na yung order namin. Nag-usap naman sila ng ama niya habang nag da-drive ako.

"We're on our way to Lolo!... You won't come?... You will fetch us there? Okay! Bye! Take care, love you too daddy!" Us? Sinong us?

Tinulungan naman ako ni Chester na dalhin ang ibang dala...

Parang na energized naman sila lahat ng nakita nila si Chester. Kumain kami muna doon at nilaro nila si Chester. Sobrang saya naman ni Daddy, parang walang sakit.

"Hindi mo ba pinalitan ang apelyido ni Chester, Aleena?" Tanong ni Mommy sa akin.

Palitan? Bakit ko naman papalitan? Ni hindi pumasok sa isip ko iyan.

"Hindi po. Bakit?"

Nagkibit naman ng balikat si Mommy.

"Akala kasi namin noon papalitan mo... Akala rin ni Kyson..." Akala niya? Tsss. Eh for sure hindi iyon papayag. Pero siguro kung ako ay kukunin ang Chavez sa pangalan ko, for sure, magdidiwang iyon.

"Hindi... Chester is a Chavez, 'Mi..." Tumango naman si Mommy.

May mga kaibigan si Daddy na bumisita sa kanya. Madaming bumisita sa kanya sa araw na iyon. Pinakilala niya naman si Chester sa lahat.

"Nakauwi na pala ang anak mo, Vic?" Tanong ng isang kaibigan ni Daddy na kaibigan rin ng Daddy ni Kyson.

"Yes kahapon... Kasama ang apo namin..." Sabi nito. Bumaling naman siya kay Chester.

"The first grandchild of Fred Chavez!" Malakas ang mga Chavez. Kilala sila dahil sa business nila, malaki ang kompanya nila. Hindi ko nga noon na intindihan kung bakit kami ang napili nila sa kompanya nila... Siguro dahil sobrang kilala lang nila sina Mommy at Daddy.

"Kamukha talaga ni Kyson." Dagdag pa nito. 

Hindi talaga kasi maitatago... Mula ulo hanggang paa siguro kay Kyson nagmana si Chester.

"I heard Kyson will be expanding to Dubai?" Tanong nito.

"Yes.. Yes... Kyson is really good in business Samuel... He is  planning for that but I don't know if aalis siya para mamahala doon." Tumingin naman si Daddy sa akin. Umiwas naman ako. Bakit ako?

Lunch time ng dumating si Kyson... 

"Chester, your Dad's here. Aalis na kayo." Sabi ko kay Chester na naglalaro kina Zelda. Binisita nila si Daddy.

"How about you?" Tanong ni Kyson.

"I told you. Si Chester lang." Sabi ko.

Seryoso naman ang mga titig ni Kyson sa akin. I heard Ameer clapped his hands.

"Pakipot!" Sabay ubo pa nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero umiwas siya. Balimbing na baklo 'to! Grr!

"Chester." Tawag ko ulit.

Gustuhin ko mang sumama para samahan ang anak ko ay ayaw ko. Siguro hindi ko pa kaya na harapin ng ganoon lang si Kyson. Galit ako sa kanya, oo. But that doesn't mean na ipagkakaila ko siya kay Chester.

"Pakipot pa kasi... Family bonding na sana." Parinig ni Lyn sa akin ng lumabas na si Kyson at Chester ng kwarto ni Daddy.

He is standing as Kyson's father, okay na siguro iyon. Hindi naman kailangan na magkasama kaming dalawa. Paano na lang yung magiging girlfriend niya? Ang magiging totoong mahal niya? Ayaw ko ng ipagsiksikan pa ang sarili ko. Hindi niya kinakalimutan si Chester, sa ganyang paraan pa lang ay kontento na ako.


Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon