"Aleena..." tawag ni Mommy sa akin isang gabi habang umiinom ako ng gatas sa kusina dahil sa hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung sa excitement ba ito na hindi ako makatulog.
"Mom..."
"Ba't gising ka pa? Hindi ba maaga kayo bukas luluwas ni Kyson?" tanong nito.
"Can't sleep... You?"
"Can't sleep too." tumango naman ako kay Mommy. Umupo naman siya sa harap ng stool na inuupuan ko dito sa counter.
"Your Dad is really happy for sure." sabay ngiti ni Mommy. Ngumiti rin ako bilang ganti sa kanya.
"Hindi ko pa naman po sinasabi kay Kyson na magkabalikan na kami, 'mi... I am just giving him a chance to prove things... Step by step..." sabi ko at tumango naman si Mommy.
"I know, Aleena... We're not pressuring you... We don't want to happen again what happened years ago..."
Sabay naman kami ni Mommy na umakyat ng nakaramdam kami ng antok. Pumasok naman siya muna ng kwarto ko para silipin si Chester na mahimbing ang tulog.
"Yan lang ba dadalhin niyo, Aleena?" tanong ni Mommy sabay turo sa malaking bag ko.
"Yes, Ma... Yung ibang gamit ay kinuha na ni Kyson kaninang umaga na sa sasakyan niya lang." sabi ko.
Ngumiti naman si Mommy at hinalikan ako sa pisngi.
"Enjoy your vacation with your family, Aleena.. I hope this will be a great start."
Maaga pa lang ay halos nagmadali na ako. Na late ako ng gising, well, ginising na ako ni Mommy ng 4am pero inantok pa ako kaya natulog ako ulit, 4:30 na ako nagising. Quarter to 6 susunduin kami ni Kyson kaya dapat mga 5:30 ay ready na kami ni Chester.
"Aleena, gising ka na ba?" katok ni Aliza sa akin ng mag 5:20 na.
"Oo! Nagbibihis na!" sinuklay ko naman ang basang buhok ko. Pinababa ko na si Chester kanina to eat breakfast.
5:40 ng natapos ako. Natagalan lang ako kanina sa pagpaligo kay Chester at pag gising sa kanya dahil sobrang tulog talaga siya. Pareho talaga sila ni Kyson kung matulog.
Pagkababa ko sa dining area ay nandoon si Kyson, kausap sina Mommy at Aliza.
"Oh ayan na si Aleena..." sabi ni Mommy.
Ngumiti naman ako sa kanila.
"Have some breakfast first, Aleena." sabi ni Mommy.
Kyson told me na mahaba ang biyahe kaya kailangan maaga kami para makapag swimming kami at ma enjoy ang first day. I don't know his preparations though.
"Sabay na kayo ni Kyson oh..." sabi ni Mommy at tumayo para kumuha ng pinggan. Wala na rin kaming nagawa kaya kumain na lang rin kami habang si Chester ay na sa sala nanunuod ng cartoons.
6am ng umalis kami ng bahay, sobrang excited na si Chester. Sa back seat naman siya sumakay at nandoon ang salbabida niya.
Ng nakadaan kami sa 24 hrs na McDo ay nag drive thru doon si Kyson ng coffee sa kanya at hot choco sa akin, at iba pa.
May mga tanong tanong si Chester kay Kyson at sinasagot naman iyon ni Kyson, minsan nagpapatawa si Chester at natatawa kami sa kanya.
Nag ring naman ang cellphone ni Kyson sa gilid at kinuha niya naman iyon habang ang titig ay na sa daan.
"Jenny..." sabi nito, napangiwi naman ako.
"Yes, after 5 days I'll be back... Okay, just book me a flight.. Thanks..." sabi lang nito. Ngumuso naman ako at napatingin sa daan.
BINABASA MO ANG
Toxic Love
General FictionAleena is the type of girl who will give everything to the one she loves, even this means breaking her heart and soul. She's the type of girl who will never get tired of enduring the pain and she is also a member of the people who easily forgive and...