CHAPTER 30: THE BAR
[Katherine Chelsea Aguilar]
Halos mag-iisang linggo na akong hindi pumapasok. Ayoko pa rin silang makitang dalawa. Hindi ko matanggap na all this time, magkapatid sila. At itinago iyon nila sa'kin. Lalo na si Charlotte na halos kapatid na ang turing ko sa kanila.
Hindi naman talaga ako galit sa kanila, nasaktan lang ako. Parang wala silang tiwala sa'kin kaya hindi nila sinabi sa'kin na magkapatid sila. Kaibigan naman nila ako, bakit hindi man lang nila ako pagkatiwalaan sa gano'ng bagay?
Sumasakit na ang ulo ko sa mga problema ko. Hindi ko na alam gagawin ko.
Ngayong araw napagdesisyonan ko na pumasok. Kailangan ko pang humabol sa mga lesson. Ayokong mawalan ng scholarship nang dahil lang dito.
Nang makapasok na ako sa classroom, walang lingon akong umupo sa pwesto ko. Nando'n na si Charlotte pero hindi ko siya pinansin. Kailangan ko muna lumayo sa kanya panandalian. Baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya, at ayokong mangyari 'yon.
Tahimik lamang ako umupo at deretso lang ang tingin ko sa harap. Nakita kong napasulyap si Zyron sa pwesto ko pero kalaunan umiwas rin agad-agad.
Isa pa 'yon, nahihirapan din ako sa sitwasyon naming dalawa ni Zyron. Alam kong galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko, pero para rin naman sa kanya iyon. Masasaktan lang siya kapag pinatagal ko pa iyon.
Ang kaninang maingay na mga kaklase ko biglang natahimik nang pumasok si Skyler at deretsong umupo sa teacher's table. Madilim ang mukha nito na parang sobrang badtrip. Nagtaka ako kung bakit ganito katahimik ang mga kaklase ko.
Ano nangyari habang wala ako? Mag nagbago ba?
Walang bumati o nagsalita man lang isa man sa mga kaklase ko. Nakakapagtaka. Lalo na 'yong mga babae. Hindi sila tumitili katulad noong pumasok pa ako last time. Ibang-iba na ngayon.
"Open your book on pg.125-136 and answer it within 10 minutes. After that will discuss our next lesson." malamig na sabi niya sa buong klase. Bigla akong kinilabutan sa lamig ng boses niya. Ngayon ko ulit narinig ang gano'ng boses niya. Iyon ang pinakaayaw kong marinig dahil sa nangyari noon.
Hindi man lang siya nag-angat ng tingin o kaya tumayo sa kanyang pwesto para magikot-ikot. Ang mga kaklase ko tahimik silang nagsagot sa kanilang mga libro. Gano'n rin ako.
Buti alam ko ang mga sagot dito dahil nagbasa-basa ako sa bahay.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may nakatitig sa'kin. At tama ang hula ko. Napatingin din ako sa kanya. Ang kaninang walang emosyong mukha ay napalitan ng maamong mukha. Parang nagbago ang mood niya dahil nakita niya ako.
Nag-iwas lamang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsagot. Hindi ko siya kayang tignan ng deretso sa mata. Para akong nawawala sa sarili. At para akong mas nahuhulog sa kanya. Na ayokong mangyari dahil pagsisisihan ko ito sa huli.
~~~***~~~
Natapos ang araw na wala akong kinakausap o pinapansin man lang. Sinubukan akong kausapin ni Charlotte pero umiwas ako sa kanya. Hindi na ulit nagtagpo ang landas naming dalawa.
Minsan patago ko siyang sinusundan kung maayos lang ba ang kaibigan ko. Nakita ko siyang umupo sa isa sa mga bench malapit sa cafeteria, ilang minuto ang nakalipas dumating si Zyron at tinabihan ang kaibigan ko. Napangiti ako. Sana, sana magkadevelopan silang dalawa. Sana maramdaman ni Zyron na may taong nagkakagusto sa kanya at iyon ang dapat niyang bigyan ng pansin.
Umalis na lamang ako doon at naglakad patungo sa labas ng University. Uuwi na ako. Ayokong maabutan ako ni Charlotte.
Habang naglalakad, inalala ko ang mga kailangan kong gawin mamaya pag-uwi ko. Ang dami kong kailangan i-review at gawing mga project. Kailangan ko ring sagutan ang iba kong mga homework. Palibhasa kasi ang tagal kong nawala. Buti hindi maaga ang binigay na deadline ng mga Professor ko. Makakagawa pa ako nito ng hindi nagmamadali.
BINABASA MO ANG
Series #1: Sold To My Professor [Completed]
RomanceSkyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and work. Hindi naman siya nahirapang mamuhay ng mag-isa dahil pinagpala siya ng mabubuting mga kaibigan. T...