Chapter Three

19K 337 27
                                    

CHAPTER 3: STRANGER IN THE STREET

[Katherine Chelsea Aguilar]

Bigla na lamang akong nagising dahil sa naririnig kong kalabog sa may pinto. Iminulat ko ang mata ko pero agad ko itong ipinikit. Inaantok pa ako.

"Kath! Bangon na dyan! Luto na ang agahan!" dahan-dahan akong bumangon sa kama ko.

"Susunod na ako!" sigaw ko. Kaagad naman ako tumayo at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Goodmorning Kath! Breakfast is ready hihihi." 'yon ang bungad niya sa akin pagkakita niya akong lumabas ng kwarto.

"Goodmorning din Charlotte. Nag-abala ka pang magluto ng agahan. Nakakahiya tuloy sayo." hindi ako sanay na nilulutuan ako. Sa amin kasi, ako ang nagluluto para sa magulang ko.

"Ano ka ba, okay lang 'yon! Hahaha first time ko lang paglutuan ang kaibigan ko."

Kaibigan.

Magkaibigan na kami?

Mukhang napansin niyang natahimik ako. Medyo nalungkot ang mukha niya. Hala, hala. Iba yata iniisip niya.

"S-sorry nadala lang ako. Akala ko kasi---" agad ko naman siya inunahan.

"Mali iniisip mo. Kaibigan na turing ko sa'yo. Tinulungan mo kasi ako. Magaan na agad loob ko sa'yo no'ng una palang tayong nagkausap kaya magkaibigan na tayo. 'Di lang kasi ako sanay na nilulutuan ako kaya natahimik ako."  Ngiti ko sa kanya.

Umaliwalas ang kanyang mukha pagkasabi ko no'n. Dali-dali naman siyang yumakap sa akin at pinanggigilan ako na parang kinikilig.

"Yey! May kaibigan na ako! Waaaa!" natawa ako sa kanya. Ang cute talaga niya. Para talaga siyang bata.  Niyakap ko rin siya pabalik. Mukhang hindi na ako mag-iisa dito sa Maynila.

***

"I'm sorry but we can't hire you"

"But Sir---"

"I'm really sorry." napabuntong hininga ako.

Nanlulumo akong tumayo sa kinauupuan ko. Pormal akong nagpasalamat at agad namang umalis sa lugar na iyon.

Naka-limang apply na ako pero walang tumatanggap sa'kin. Hindi ko alam na ganito pala sa Maynila. Hindi ka pasok kapag hindi ka graduate. Hindi tulad sa probinsya na pasok ka agad kahit hindi mataas ang posisyon mo.

Hay. No choice ako. Babalikan ko 'yong nakita ko kaninang umaga. Hiring kasi 'yon ng waitress. Isang coffee shop. Kaso mahina ang sweldo. Hindi ko alam kung sasapat ba iyon sa pangaraw-araw kong gastusin.

Matirik ang araw ngayon kaya pawis na pawis ako. Wala pa naman akong dalang payong. Hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Tiis-tiis muna ako.

Naglalakad na ako papunta sa coffee shop na nakita kong kaninang umaga.

Pakiramdam ko may tumitingin sa akin. Luminga-linga ako. Wala naman ako nakita. Busy ang mga tao sa mga ginagawa nila.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon