C H A P T E R 33

13.1K 223 19
                                    

CHAPTER 33: MARRIAGE

[Katherine Chelsea Aguilar]

Kanina pa ako nakatulala sa kama ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makapagdesisyon. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko 'yong proposal sa'kin ni Skyler kaninang hapon. Kung tutuusin, dapat ako magpasalamat sa Panginoon dahil may dumating na makakalutas sa aking problema, pero ibang sitwasyon naman ito. Itong taong 'to na makakalutas sa aking problema ay dapat kong iwasan. Bakit ba lagi kami pinagtatagpo ng tadhana? Ako na nga itong kusang umiiwas sa kanya para hindi kami magtagpo pero itong tadhana na ito lagi kami pinaglalapit kapag umiiwas ako.

Napabangon ako sa kama ko sabay buntong-hininga. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung tatanggihan ko 'to, sayang ang pagkakataon. Hindi makakaahon sa kahirapan ang magulang ko. Kailangan ko pa kumayod ng kumayod para masiguro kong maayos ang magiging buhay ng pamilya ko. Pero kung tatanggapin ko 'to, hindi na maghihirap ang pamilya ko. Mas magiging maayos na ang buhay nila. 'Di ba eto naman ang gusto ko noon? Ang maging maayos ang buhay nila? At para matupad iyon, kailangan kong pakasalan si Skyler.

Humiga ulit ako sa kama ko at pumikit. Bukas na ako magdedesisyon. Meron pa akong dalawampung oras para magdesisyon bago ko sabihin kay Skyler ang desisyon ko. At sana.. sana hindi ko ito pagsisihan sa bandang huli.

~~~***~~~

Nagising na lamang ako na kumakalam ang sikmura ko. Napabangon ako sa kama at tumingin sa orasan sa may gilid ko. Alas sais na pala ng umaga. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para magluto ng almusal. Napansin kong wala si Charlotte. Baka natutulog siguro 'yon o kaya naman maaga nagising. Sa totoo lang, nawawala na ang tampo ko sa kanila ni Skyler. Kaso nahihiya ako kung ako 'yong kakausap sa kanila.

Nagluto na lamang ako ng almusal at dinagdagan iyon para kay Charlotte, para hindi na siya magluto. Namimiss ko na siyang kausap. Sana maayos na namin ito. Pero 'wag sa ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako ng sarili. Hindi na ako nag-abalang katukin ang kwarto ni Charlotte. Umalis na lang agad ako sa bahay.

Nakarating na ako sa University. Konti pa lang ang mga tao dahil masyado pang maaga. Mamayang 8:00 pa kasi ang simula ng klase. Naglakad-lakad na lang muna ako sa quadrangle ng school para maglibang-libang.

Nakapagdesisyon na ako. Hinihintay ko na lamang makita si Skyler. Pero ayoko pa siyang makita ngayon. Kinakabahan ako. Baka kapag makita ko siya, mawalan ako ng lakas at umalis na lamang. Hindi pa ako handa magpakasal sa ganitong edad. Ang pangarap ko ay maikasal sa edad na 28. Eh ilan taon pa lang ba naman ako? 20 pa lang naman ako. Masyado pa akong bata.

"So have you decided already?"

Napatigil ako sa paglalakad ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang boses niya. Para akong mahihimatay dito sa paghinga ko ng malalim. Hindi ko ikakaila sa sarili ko na namiss ko ang kanyang boses.

Dahan-dahan ako humarap sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin na para bang may nakakatuwa sa akin. 'Yong ngiting iyon, 'yon ang nakakapaglusaw sa puso ko.

Ngayon aaminin ko na sa sarili ko.

Mahal ko siya. At hindi iyon nawala hanggang ngayon.

"Oo. Nakapagdesisyon na ako." malumanay kong sabi sa kanya. Mas lumawak ang pagkakangiti niya.

"And your answer is?" sabi niya at hindi pa rin inaalis ang pagkakangisi.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Oo. Pumapayag na ako."

"Really? Are you sure? You're not gonna regret it?" hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Tumango ako at napakagat-labi. Sana tama ang desisyon ko na alam ko namang ako lang ang mahihirapan sa bandang huli.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon