C H A P T E R 35

11.8K 226 14
                                    

CHAPTER 35: VISIT

[Katherine Chelsea Aguilar]

Nang makauwi na kami galing sa pamamasyal, dumeretso agad ako sa kwarto ko para ayusin 'yong mga pinamili namin ni Skyler na gamit sa'kin. Si Skyler naman may aasikasuhin sa baba.

Habang nag-aayos ako, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.

I'm jealous and I'm fucking serious about it.

Nagseselos talaga siya? Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba pero kinikilig ako. Ang cute kasi niyang magselos. Parang batang inagawan lang ng candy. Sana naman makita ko ulit ang ekspresyon niyang 'yon. Ang sarap lang panggigilan ang pisngi niya.

"Boo!"

"Ay pusa!"

Napahawak agad ako sa may bandang dibdib ko dahil sa sobrang gulat ko. Naiinis na nilingon ko ang taong nanggulat sa'kin.

"Ano ba?! Bakita ba nanggugulat ka?! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa panggugulat mo!" bulyaw ko kay Skyler. Hinampas ko pa siya sa dibdib no'n.

Tinawanan niya lamang ako at ginulo ang buhok ko.

"Hahaha. You should have seen your face. Pfft. It's priceless! Hahaha." natatawa niyang sabi sa'kin.

Inirapan ko lamang siya at itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit.

"Hey... Let's have our honeymoon now..." bulong niya malapit sa tainga ko. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya.

Lumayo ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata.

"Anong honeymoon ang pinagsasabi mo dyan?! Walang honeymoon na mangyayari!" ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko dahil sa honeymoon na 'yan.

"C'mon, Kath. We could have our honeymoon right here, right now." tila nang-aakit niyang sabi sa'kin. Shems. Bakit ang hot ng pagkakasabi niya niyon sa'kin?

"Tigilan mo nga akong gurang ka! Kung ano-ano mga pinagsasasabi mo dyan!" kunwaring irap ko sa kanya at tumayo para pumunta sa walk-in-closet ko para ilagay ang mga inayos kong damit.

Ramdam kong sumunod siya sa'kin.

"Don't push me away, baby. I know you will enjoy this. Let's lay down in our bed and start the battle." aniya at pinulupot ang braso niya sa bewang ko mula sa likod ko na parang yumayakap sa'kin.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano na naman itong pinararamdaman sa'kin ni Skyler? Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Tss. Lumayo-layo ka nga sa'kin gurang ka!" tinanggal ko 'yong pagkakapulupot ng braso niya sa'kin at bumalik sa kama.

"So where do you want to start our honeymoon? In your province? Pwede naman. So we could visit your father and your mother there. Also, to tell them that you are married to me."

Napaangat ako bigla ng tingin ng marinig ko ang sinabi niya. Kumislap ang mga mata ko sa tuwa dahil do'n.

"Talaga? Pupunta tayo sa probinsya namin? Mabibisita na natin sina Tatay at Nanay?" tumango siya habang nakangiti.

"Of course. Aayusin ko rin ang buhay nila doon para naman guminhawa na rin ang buhay nila. I could give them a decent job in my farm near your province. So there's no problem to that. It's all settled." aniya hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.

"Waaa! Talaga?! Salamat! Salamat ng marami Skyler!" napayakap ako sa kanya ng mahigpit sa sobrang kasiyahan. Mailalabas na rin si Tatay sa hospital. Magiging maginhawa na rin sa wakas ang buhay nila.

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon