CHAPTER 1: HER LIFE
[Katherine Chelsea Aguilar]
Kumatok muna ako sa pinto ng aming bahay bago ako pumasok. Kagagaling ko lang sa pinapasukan kong trabaho. Part-time job kumbaga. 'Yon lang hanap-buhay ko sa ngayon. Hindi kasi sila tumatanggap ng hindi college graduate.
"Nay! Nakauwi na po ako." Sabi ko habang nilagay ko ang bag ko sa kawayang sofa naming sa gilid ko.
Nakita ko si Nanay na nagluluto ng hapunan namin. Lumingon siya sa kinatatayuan ko at ngumiti. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"Musta ang trabaho, nak?" tanong niya sa'kin.
"Okay lang naman Nay. Kayo po? Kamusta kayo? Si Tatay po, nasaan siya?" bumitaw kami sa pagkakayakap, nagmano muna ako bago kami tumungo sa may kusina.
"Nasa may barangay siya. May aasikasuhin lang. Pauwi na rin 'yon." sabi sa akin ni Nanay at ipinaghain ako.
"Hindi po ba natin hihintayin si Tatay?" umiling lang siya habang sinasandukan ako ng kanin.
"Gagabihin kasi siya." tumango na lang ako. Tahimik lang kami kumain.
Mahirap lang kami, iyon ang masasabi ko sa estado ng aming buhay. Ang tatay ko ay nagtatrabaho sa aming Barangay bilang isang barangay tanod. Minsan nga, gabi na siya kung umuwi dahil sa pagroronda sa buong barangay namin. Ang nanay ko naman ay nagbebenta ng mga banana cue, kakanin at tuyo. 'Yon lang naman kasi ang kanyang hanap-buhay. Ako naman ay nagtatrabaho bilang part-time job sa isang coffee shop na pinapasukan ko. Hindi ako nakapagtapos ng 2nd year college dahil sa naghihirap sa pagtatrabaho ang magulang ko. Kaya nagpasya akong tumulong sa kanila kaya napatigil ako sa pag-aaral. Sobrang hirap ng buhay namin kaya gusto ko silang tulungan para naman may maipanggastos kami sa pangaraw-araw na pangangailangan. Bilib ako sa kasipagan nilang dalawa. Nakukuha pa naming mabuhay sa ganitong hirap.
"Anak." tawag sa akin ni Nanay kaya napalingon ako sa kanya habang ngumunguya. Nakita ang seryoso niyang mukha.
"Bakit po?" tinigil ko muna ang pagkain ko.
"Ayaw mo bang magtapos ng pag-aaral?" sandali akong natahimik. Isang taon na akong hindi nag-aaral. Gusto ko na nga mag-aral pero iniisip ko silang dalawa. Pa'no sila kung mag-aaral ako?
"Gusto ko po sana kaso iniisip ko po kayo. Alam niyo namang kapag nag-aral ako, maiiwan ko lang kayong dalawa dito ni Tatay. Ayoko po no'n lalo na't mahirap pa ang buhay natin ngayon." Napabuntong-hininga siya.
"Pero anak..." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Gusto kong makatapos ka ng pag-aaral mo para naman maging maganda ang magiging kinabukasan mo."
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Pero Nay, paano naman kayo ni Tatay? Hindi ko kayo pwedeng iwan ng ganito." nginitian niya lang ako.
"'Wag mo kami alalahanin ng tatay mo. Okay lang kami. Kaya naman namin ang buhay basta may tiyaga lang. Ikaw lang naman ang iniisip namin. Gusto namin makapagtapos ka ng Kolehiyo." aniya.
Inubos ko muna ang pagkain ko.
"Pag-iisipan ko muna Nay. Ayoko muna magpadalos-dalos." sabi ko. Tumungo ako kay Nay at humalik sa pisngi niya. "Akyat na po ako Nay. May trabaho pa ho ako bukas. Magandang gabi po sa inyo."
Pumunta na ako sa kwarto ko para makapagbihis at para na ring makapagpahinga. Pagkatapos kong magbihis, humiga na ako sa kama at tumitig sa kisame. Iniisip ko ang mga mangyayari sa'kin kapag ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Maiiwan sila Nanay at Tatay dito sa probinsya samantalang ako pupunta ng Maynila para doon makapagKolehiyo. Makakaya ba nila kapag wala ako? Pa'no kung mahirapan sila habang nasa Maynila ako at nag-aaral? Hindi ko pa alam. Siguro dapat huwag ko munang isipin 'yon. Baka hindi pa naman mangyayari 'yon. Pinikit ko na ang mata ko para matulog. Madali naman akong nakatulog dahil sa sobrang pagod ko.
BINABASA MO ANG
Series #1: Sold To My Professor [Completed]
RomansaSkyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and work. Hindi naman siya nahirapang mamuhay ng mag-isa dahil pinagpala siya ng mabubuting mga kaibigan. T...