Title: Nightmare Desire
Prologue
*1st dream*
Nanginginig sa takot si Joanna sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdan niya ang lalaking pagbabarilin sabay nilalatigo ang walang kalabang-labang matandang lalaki.
Iyak lang siya ng iyak habang pinagmamasdang halos mapaluhod at sumuka ng dugo ang matandang lalaki. Wala talagang awa ang lalaking yon! Wala itong pinipiling pahirapan kahit ang matanda ay nadamay!
Pero nang humarap ang lalaki sa kanya, halos hindi siya makapaniwala. Siya?!
"J-jairon?" Pabulong anas niya.
Nanlilisik ang mga mata nito nakatitig sa kanya.
Binabangungot ba siya?
~~~***~~~
Few weeks later...
*2nd Dream/Reality*
Pilit na tinatanggal ni Jairon ang braso niyang nakapulupot sa leeg nito pero mahigpit ang pagkakayakap niya rito. Mas nilapit pa niya ang katawan niya sa lalaki.
Nahihilo siya pero alam niya ang ginagawa niya.
"Stop! You're just fucking drunk, Joanna! Let's get you home!" Malakas na sabi nito dahil malakas ang musika ng bar na pinasukan nila.
Umiiling siya sabay subsob ng mukha sa leeg nito. Hmm. Ang bango talaga nito. Marahan niyang kinagat ang leeg nito na ikinaungol ng lalaki. Napangisi siya. Mukhang naapektuhan ito sa ginawa niya.
Kaya siya nagpunta ng bar dahil gusto niyang kalimutan ang mga problema niya. Ang pag-aaway nila ng fiance niya at ang pagbubuntis nito ng ibang babae habang nasa ibang bansa ito.
Mukhang unti-unti nang bumibigay si Jairon dahil ramdam niyang pinulupot nito ang braso palibot sa bewang at mas lalong hinapit ang katawan niya palapit dito.
Nagulat siya nang bigla siyang halikan ng mariin. Pero kaagad siyang nakabawi at hinalikan ito pabalik.
Naghahalikan sila sa gitna ng mga nagsasayawang tao, pero sila, may sarili silang mundo.
Napahigpit pa ang pagkakakapit ni Joanna sa leeg ni Jairon. Mas lumalalim ang halikan nila. Wala na sa tamang wisyo si Joanna. Hindi na nito alam ang ginagawa.
Nang maghiwalay ang labi nila, sabay silang naghabol ng hininga. Nagdikit ang noo nila at nagtitigang dalawa.
"You might regret this, love. You're in the spirit of alcohol. Wala ka sa tamang pag-iisip." Tila nahihirapan sa sitwasyon ang kaharap niya. Pero desidido talaga siya. Gusto niyang makalimot. At gusto niyang maramdaman kung paano maangkin ng isang tulad ni Jairon.
Hinaplos niya ang mukha nito at bumulong sa tenga nito. "Please, Jairon. I desire you. Make love to me..."
Nilayo niya ang kanyang mukha sa lalaki at nasalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagnanasa.
At nangyari sa gabing yon ang hindi inaasahang mangyayari kay Joanna pagkagising niya sa inaakala niyang panaginip.
~~~***~~~
Nagising na lang siya na masakit ang ulo pati na rin ang gitnang bahagi ng katawan niya. Medyo giniginaw siya dahil pakiramdam niya wala siyang suot na damit.
Dahan-dahan siyang bumangon habang sapo-sapo niya ang kanyang ulo na parang pinukpok ng martilyo.
'Ano ba nangyari kagabi?' saad niya sa isip niya.
Nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong tinulugan niya. Papaanong napunta siya sa kwartong 'to? Ang naalala niya ay nasa bar siya at umiinom tapos biglang---.
Panaginip. Estrangherong lalaki. Halik.
Napakagat labi siya at pilit inalala ang nangyari kagabi. Tapos biglang pumasok sa isip niya ang panaginip niya. Hindi iyon simpleng panaginip.
Napatingin siya sa ilalim ng kumot. Wala siyang suot na damit. Hinanap niya iyon at nakitang nasa lapag ang mga ito.
Totoong nangyari yon. At may nangyari sa kanila ng lalaking kahalikan niya. May nangyari sa kanila ni---.
Bumukas ang pintuan sa gilid na medyo malapit sa kamang hinihigaan niya. Lumabas doon ang isang lalaking nakatopless lang, mukhang katatapos lang nitong maligo at tanging twalya lang ang suot sa pangibaba nitong katawan.
"How are you, love?"
Jairon?
Nanlalaki ang mata niyang sinalubong ang itim nitong mga mata.
May nangyari sa kanila ni Jairon?! May nangyari sa kanya at sa kaibigan ng fiance niya?!
Anong ginawa niya?!
__________________________________________________________________________________________
Author's Note:Hi guys!! So sa mga naghihintay sa story ni Jairon, posted na po siya! Punta lang po kayo sa profile ko para matingnan niyo ang story niya. Kasali rin po siya sa Wattys2018 :)
Guys, suportahan niyo po si Jairon katulad ng suporta niyo kay Skyler!! Marami po kayong malalaman tungkol sa pagkatao ni Jairon :D
Thank you!! :D
BINABASA MO ANG
Series #1: Sold To My Professor [Completed]
RomansaSkyler Clyde Andrade Professor series #1 Warning: Read at your own risks Kath, a simple yet hardworking girl has to travel in manila to study and work. Hindi naman siya nahirapang mamuhay ng mag-isa dahil pinagpala siya ng mabubuting mga kaibigan. T...