C H A P T E R 29

10.1K 163 21
                                    


CHAPTER 29: THE TRUTH

[Katherine Chelsea Aguilar]

Habang naglalakad pauwi sa apartment, tahimik lang kaming dalawa ni Skyler. Buti walang nakakita sa kanyang taga-University na kasama ako, kung hindi panigurado tsismis ito sa buong University bukas. Ayoko naman mangyari 'yon.

Mugto pa rin ang mga mata ko. Namumula na rin ang ilong ko sa kakasinghot. Kanina pa ako tinatanong ni Skyler kung ano ba ang nangyari at kung bakit ako umiiyak. Hindi ko siya pinansin at hinayaan. Wala akong ganang sagutin ang tanong niya.

Nang makarating na ako sa apartment, ramdam kong nakasunod pa rin siya sa'kin. Papasok na ako sa apartment ko ng hindi siya pinapansin nang bigla niyang hablutin ang braso ko at pinaharap sa kanya.

Lukot ang mukha niya at matalim ang mga matang ipinukol sa'kin.

"Tell me, Kath. What the fuck happen?" mariin niyang tanong sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sabihin ko na ba sa kanya?

~~~***~~~

[Third Person's POV]

Kanina pa tanong ng tanong si Skyler kay Kath kung bakit ito umiiyak pero hindi siya sinasagot ng dalaga.

Kanina kasi, kagagaling lang niya sa principal's office dahil pinatawag siya, habang pabalik sa classroom, nakita niyang nakaupo si Kath, umiiyak kaya agad niya ito nilapitan. Nilingon niya ang paligid kung may nakaaway ba ito, pero wala siyang mahagilap, isang tao lang at 'yon ay si Zyron. Naglalakad ito papalayo. So he concluded, he's the reason why Kath is crying.

Nang hindi siya sagutin ng dalaga, hinatid na lamang niya ito sa kanila.

Ngayong nasa apartment na sila, tinanong na ni Skyler kung ano ba ang nangyayari kay Kath. It pained him seeing her cry like that. Nasasaktan siyang makitang umiiyak ang dalaga.

Tiningnan siya deretso sa mga mata ng dalaga. Huminga ng malalim at kinwento ang nangyari. Kinwento ng dalaga ang tungkol sa pagpapatigil nitong manligaw sa kanya at pagtigil ng kung anumang nararamdaman nito para sa kanya. At kung gaanong kasakit ang dinulot nito kay Zyron. Dahil nasaktan niya ito. At ngayo'y nanghingi ito ng space para makapagisip, nahirapan ang dalaga mag-adjust. Kasalanan naman daw kasi ng dalaga. Pero okay na raw 'yon. Kaysa naman umasa ito at magmukhang tanga.

Kasabay niyon ay ang mabilis nitong pagtulog. Binuhat na lamang niya ito at dinala sa kwarto. Mabilisan niya rin itong pinalitan ng damit at kaagad na kinumutan. Hinalikan niya ito sa noo bago umalis ng kwarto.

Kailangan na niyang gumawa ng paraan para bumalik sa dati ang sigla ng dalaga. Ayaw niyang makita itong nalulungkot. Nasasaktan siyang makita itong nasasaktan dahil sa ibang lalaki. Kung pwede lang ibalik sa dati ang lahat, ginawa na niya.

~~~***~~~

Dalawang linggo na ang nakaraan. Walang nagbago. Aral dito. Discuss dito. Gawa ng mga homework. Mag-group activity at etc. Ganyan lagi ang routine araw-araw sa klase ni Skyler. Pero ang nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang pagiging tahimik at pagkamatamlay ni Kath. Napapansin niya iyon tuwing nasa klase niya ito.

Si Zyron naman nagpalipat ng upuan, malayo kay Kath. Ang katabi lamang ni Kath ay ang kapatid niyang si Charlotte. Alam niyang nahahalata ng kapatid kung ano ang namamagitan kila Zyron at Kath. Pati rin sa ibang mga subjects nito, nagtatanong kasi siya sa mga subject teacher ni Kath kung nagiging active ba ito sa klase, ang sinasagot lang nila ay 'hindi'.

Napabuntong hininga siya at napahilamos ng mukha. Nafufrustrate na siya. Hindi ito ang Kath na nakilala niya. Hindi ito ang kanyang baby Kath.

At kailangan niyang umisip ng paraan para bumalik ang pagiging masigla, masayahin at energetic na Kath. At kailangan niya ng tulong mula sa kanyang kapatid. Pronto.

Kinuha niya ang kanyang phone mula sa bulsa at tinawagan ang kapatid.

[Hello?] mataray na sagot ng kapatid. Napangiti na lamang siya.

"Hey, sis. I need your help. Pronto." aniya.

[Ano namang tulong 'yan Kuya?] anito na para bang alam nito ang tinutukoy niya.

"You know what's happening to Kath, right?"

[Oo. Want me to do something about it? O may plano ka na Kuya?]

"Yes. I got a plan. Let's meet outside my office. ASAP."

[Sige ba Kuya. Siguraduhin mo na matutuwa ako sa plano mong 'yan.] napangisi siya.

"Sure. I'll wait for you." aniya at pinatay ang tawag.

~~~***~~~

Nang magkita ang magkapatid sa tapat ng opisina ng binata. Agad silang nagplano kung paano pababalikin ang dating Kath.

Tuwang-tuwa naman si Charlotte sa naisip na plano ng Kuya niya. Halos panggigilan niya ang kapatid sa plano nito. Kinikilig kasi siya, bakit ba?

Si Skyler naman napapangisi sa plano niya. Sana naman magtagumpay ito.

Lingid sa kaalaman nila, nakatingin sa kanila si Kath, gulat na gulat sa nasaksihan. Hindi makapaniwala.

Kuya?

Kapatid ba ni Charlotte si Skyler? Bakit walang kinekwento sa kanya ang kanyang kaibigan tungkol dito? Bakit hindi man lang niya sinabi na kapatid nito si Skyler?

Dahan-dahan naglakad si Kath patungo sa kinaroroon nila Charlotte at Skyler na parehas masaya ang mukha dahil sa pinaplano nila.

"Tara na Kuya! Bilhin na natin mga gamit na kailangan mo! Dali! Excited na ako!" kinikilig na sabi ni Charlotte kay Skyler.

"Alright alright let's go." sabi nito at maglalakad ng parehas silang matigilan ng makita siya.

Parehas silang namutla, lalong-lalo na si Charlotte.

Nang makalapit si Kath sa kanila, tinitigan sila isa-isa ni Kath. Blanko ang expression ng mukha.

"Magkapatid kayo?" tanong niya sa dalawa. Walang nagsalita sa kanila ni isa. Si Skyler hirap na hirap ibuka ang bibig. Ayaw niyang sumagot dahil parang niloko niya ito ng dalawang taon. Totoo naman eh. Hindi niya sinabi na magkapatid sila. May rason siya.

Tinignan naman ni Kath si Charlotte.

"Ikaw, Charlotte? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid pala kayo ni Skyler? Magkaibigan naman tayo 'di ba? Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?" hindi sumagot si Charlotte, bagkus napayuko na lamang.

"Pinagmukha niyo akong tanga. Pinagkatiwalaan ko kayo. Ano ito? Lalo ka na Skyler. Binigyan na kita ng pangalawang pagkakataon, pero ano ito? Wala man lang kayo sinasabi sa'kin na magkapatid pala kayo. So sa simula pa lang, wala kayong balak sabihin sa'kin ang tungkol dito?" malamig ang boses na sabi nito.

"Kath, may rason ako kung bakit-" pinutol nito ang sasabihin ng binata.

"Shut up." matalim ang mga matang pinukol ni Kath sa kanya. Umiling-iling ito.

Hindi na niya alam ang gagawin. Para na siyang masisiraan ng ulo.

Umalis na lang siya sa University. Uuwi na lamang siya sa bahay at magkukulong. Hindi muna siya papasok. Hindi niya ugali 'yon pero dahil sa nalaman niya? Hindi talaga siya papasok, para lang wag silang magkita. Masyado nang maraming nangyari sa kanya sa araw na 'to.

________________________________________________________________________________

#Truth

#TheTruthHurts

#AngSakit

Nagbabalik na ako! Yehey! Araw-araw na ako makakapag-update! Sino na excited dyan?! hahaha. Kaso, isang update lang bawat araw. On-going pa rin kasi ang editing per chapter ko. Mga nasa chapter 40 na ako kaya malapit na matapos.

Don't forget to vote and comment! :)

Edited: December 21, 2017

Posted: November 1, 2016

Series #1: Sold To My Professor [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon