CHAPTER 2: Strong Woman

104 4 0
                                    

CHAPTER 2: Strong Woman

"HOY PANGET WAG MO NGANG DIKITAN YANG sasakyan ko!!!" Sigaw ng isang lalaki sa'kin. Lumapit ito't sinapak ako sa ulo. "Kadiri! Baka maimpeksyon ako! Kailangan ko ng alcohol." Sabi nito tsaka dali daling pumunta sa isang grocery store.

Napakaarte kala mo naman kapogihan ee kasing bulok din naman ng pagmumukha niya 'tong kotse niya!   (-_-   )

"Panget pala ha! Hetong sayo!" pinitik ko ang kotse nito dumere deretcho ito paibaba sakto namang may paparating na truck.
c(     >\\\<)


*Boooooooogsh!

"A-ang k-kotse kooo!" Sigaw ng lalaki ng makalabas na ito. "Ayusin mo kasi ang pagpapark ng kotse mo! Alam mong pababa ang daanan dito!"- galit na sabi ng driver ng truck.

"Gunggong ka pala ee. Dapat iniwasan mo!" Sumbat ng lalaki na agad nakatikim ng malakas na suntok mula sa driver ng truck.

"Bayaran mo na lang ang magagastos ko sa pagpapaayos ng sasakyan ko!"-bulyaw ng driver ng truck na kinuwelyuhan pa ang lalaki.

"Ikaw ang dapat magbayad dahil mas may utak ka kaysa sa kotse ko!" Sa inis ng driver ng truck ay sinuntok niya muli ang lalaki. Sumalampak ito sa semento  Kinapkapan naman siya ng driver ng truck. "Ayos may cash card ka pwede na rin!"

"oct. 29 1966 ako ipinanganak para sa'kin swerte ang bday ko kaya lahat ng accounts ko yan ang password at hindi pa ko nasisiraan ng ulo para sabihin ko sayo ang password ng cash card ko!" Sabay tawa pa ng lalaki.

Naglakad na ko paalis. Kahit mahinang pitik lang ang ginawa ko sa kotse niya wala itong kawala sa taglay kong lakas!

Pero ang masama palobat na ko! Ilang araw na kasi kong di nakakakain. Kapag nagpatuloy pa 'to di ko magagamit 'tong lakas ko!

Matagal ko ng gustong makaalis sa lugar na yun. Gusto ko rin namang mamuhay na tulad ng ordinaryong tao. Pero di nangyare may mga bagay talagang di na aayon sa mga kagustuhan na'ting mangyare.

Nakalimutan ko palang magpakilala. Pero ayos lang dahil wala naman akong masasabing info's tungkol sa buhay ko. Ni pangalan nga di ko alam ee. Tanging ang kakayahan ko lang magbuhat ng mabibigat ang alam ko.

"May itim na pusa! Wag na tayo dito dumaan baka malasin tayo!"- sigaw ng isang babae sa mga kasama niya agad naman silang kumaripas ng takbo palayo. Pinuntahan ko ito.

"Meow!"- pusa. (o____________O  ' )

Naglalakad ito ngunit agad ding huminto ng makita ko.

"Naku baka malasin ako!"-sa isip ng pusa. Tumakbo ito palayo. Hinabol ko 'to. Desperada na ko kailangan kong mahuli ang pusa na 'to para magkalaman ang t'yan ko!

Kaso sa tagal kong kumilos na katakas ito't tuluyan ng nawala sa paningin ko.

"Anong ginagawa mo?!" Sabi ng batang babae mula sa likuran ko. "Halimaw ka! kakainin mo ang pusang yun diba?!"

Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ito.

Habang palapit ako sa kanya pana'y naman ang pag atras niya hanggang sa mapaupo siya. Sa takot niya'y umiyak ito't pumikit.

Agad kong hinuli ang langaw sa mukha nito at kinain kanina pa kasi lipad ng lipad ee. Tsaka ko siya nilagpasan.

Napadpad ako sa isang abandonadong bahay. Sira sira at puro alikabok ang makikita dito.

My Strong Lady(MSL)Where stories live. Discover now