CHAPTER 10: USB

56 3 0
                                    

True love come's when you aren't expecting nor waiting it.

CHAPTER 10: USB

"Boss nagsasabi po ko ng totoo! Kitang kita po ng dal'wa naming mga mata yung babaeng idinala niyo dito ang siyang nag ayos sa mga kahon na may lamang bond paper!"

"Siya rin po ang dahilan kaya nagsilaglagan ang mga ito!" Sabat pa ng isa.

"Mahihin siyang babae!"- depensa naman ni argan sa paratang ng dal'wa niyang worker.

Malumalay o mahinhin kung magsalita at kumilos si hulk kailangan niya itong isabuhay upang maitago ang kanyang lakas laban sa mapaghusgang mga nilalang.

Sa paglamon lang siya nagiging mabilis at alisto oh sige sabihin na lang na'tin pati sa kapalpakan.

Maya maya lang ay sabay na dumating si hulk at ng isa pang worker. "Heto ng hinihingi niyong copy ng cctv!" Sabi ng worker na kadarating lang pagkabigay nito sa tinutukoy ay agad din itong umalis.

"Napanood na po namin 'to! Para sure na sure na po!" Paliwanag pa ng isa. Tahimik lang namang naghihintay si argan.

Kailangan kong makuha at masira ang bagay na yan!  Walang dapat makaalam ng kaya kong gawin. Dahil baka umabot ito sa mga taong naghahanap sa'kin. Baka ito ang dahilan para matunton nila ko!  - sa isip ni hulk.

"Boss nasa ibaba po ang kapatid niyo!"- pagbibigay alam ni Ranzel nakapapasok lang. Agad na tumayo si argan. "I'll be back!"- kunot noong lumabas ng silid ito.

"Matagal tagal na rin nung huli akong nakapatay."Parinig ni hulk sabay tingin ng tiger look's sa dal'wa na agad na nakaramdam ng takot.

"USB O BUHAY NIYO?!" Sabay dahan dahang lumapit sa dal'wa na pana'y naman ang pag atras.

"Hindi mo kami matatakot!"- matapang na sabi ng isa na nag sign of the cross pa. "N-nanginginig ang kamay mo!"- sabi ng kasama nito sa kanya. "Mannerism ko 'to!"- palusot naman nito(nanginginig ang kamay). "Ba't parang ngayon ko lang napansin?!"

" USB man o Buhay niyo Sisiw lang sa'king sirain yan! Sabi niyo nga malakas ako diba?!"- seryosong sabi ni hulk na sinuntok pa ang mesa na agad ikinasira nito.

Dahil sa pagkabigla at dala na rin ng takot ay nagyakapan ang dal'wang lalaki habang sumisigaw at umiiyak.

"Heto na!"- sigaw ng isa na inapak apakan pa ang USB hanggang sa ito'y masira.

"Binabalaan ko kayo kapag may narinig ako galing diyan sa bunganga niyo tungkol sa'kin! Dudurugin ko kayo!"

"Anong nangyare?"- pagtataka ni argan ng muli itong pumasok at makita ang sirang mesa. Ituturo sana ng dal'wang lalaki si hulk kaso nag warning look na ang babae.

"Sila ang may gawa niyan. Hindi daw ako umaamin." Paawa epek na sabi ni hulk.

Mangiyak ngiyak na lumabas ang dal'wa. "May kapatid ka pala!"- pagpapapansin ni hulk sa problemadong si argan. "Oo. May nanay din ako!" Cold na sagot ng binata.

"Muk'hang may problema ka. Gusto mo lumabas muna ko para makapag isip ka?!"

"Yes, Please!"-agad na sagot nito. "S-sigurado ka?! Mas maganda kapag may kasama ka!" Pilit ni hulk.

"Mas gusto kong mapag isa kapag may problema ko! Kaya wag ka ng makulit pwede?" Medyo pasigaw na sabi ni argan.

Di na lang umimik si hulk. Sunod sunod na buntong hininga ang iniwan niya bago ito tuluyang lumabas ng office ng binata.

Sinigawan niya ko!- sa isip ni hulk.

Pagharap niya'y agad siyang nasurpresa sa nakita. Biglang napalitan ng pagtataka ang lungkot na nararamdaman niya. Dahil Titig na titig sa kanya ang isang binatilyo.

Anong problema nito? -sa isip ni hulk.

Di ito pinansin  ni hulk. Nilagpasan na lang niya ito. Ngunit patuloy pa din sa pagsunod ang binatilyo. Binilisan niya ang kanyang paglalakad at ganun din ito. Hanggang sa tuluyan na siyang napikon! Hinarap niya na ito.

"Ano bang kailangan mo?!"-Mahinahong sabi nito. "A-ang lakas mo!"- amaze na sabi ng binatilyo. "Nakita ko ang ginawa mong pagbuhat sa mga kahon at ang paghila sa pushcart!"- paliwanag ng binata.

Lagoat na!- sa isip ni hulk

Biglang pinagpawisan ng sobrang lagkit si hulk ng marinig ang sinabi nito kahit na sobrang lamig sa loob.. "P-paano nangyare yun. Ee diba umalis ka na!"

"Bumalik ako!" Seryosong sabi ng binatilyo na titig na titig pa rin  sa kanya. "Ano bang kailangan mo?!" Inis na sabi ni hulk.

"Akin na!"

"Ang alin?!"

"Yung formula!"

"F-formula?!"

"Oo. Formula ng iniinom mo kaya ka malakas! Yun ang dahilan kaya ko bumalik! Nag suggest ka ng dapat kong gawin at inumin pero di mo sinabi kong papaano ko yun gagawin. Kung saan dun yung uunahin ko!"- sigaw ng binatilyo.

HUWAAAAT?

"Y-yun lang?!"

"Oo. Akala mo mauutakan mo ko! Huh! Matalino kaya 'to! Top 1 to sa klase nangunguna sa lahat!" Sabay halakhak pa nito. Parang ewan...

"HAHAHA tama ka umiinom nga ko nun kaya malakas ako! Pero secret lang na'tin 'to ha!"- bulong niya sa binatilyo.

"Oo naman. Mahirap na baka malaman nila yung sekreto kung bakit tayo lumalakas! Pero saan na yung formula?!"

"Pagsabayin mo lahat!" Sabay pitik pa nito.

"Talaga?! Oh tapos?!"

"Yun na yun! Tapos na!"

"Sige sige. Balitaan kita kapag nagawa ko na!"- sabi ng binatilyo tsaka muling tumakbo paalis.

"Hindi ko alam kung baliw ba ang isang yun oh bobo lang talaga!" Bulong ni hulk na sa bandang huli'y napangiti dahil sa inasal ng binatilyo.

Napukaw ang kanyang atensyon ng pumasok ang isang babae. Agad siyang nakaramdam ng pagkainggit na may kahalong  insecurities.

Bukod kasi sa ito'y matangkad, maputi at sexy. Maganda pa! Bagay ito sa modeling para siyang artista . Sa paniniwala kasi niya wala siya lahat nito.

Halos lahat ng madaanan niya napapalingon dahil sa kagandahan ng babae.

"Ok lang! Malakas naman ako!"- self support.

"Sinong kinakausap mo?!" Napatingin si hulk dito.  Si Ranzel

"Ahhh S-si Argan kasi muk'hang may problema! " pag iiba nito.

"Ee bakit parang apektado ka?!"

"Ako? Hindi no! Napahiya lang ako kasi sinabi kong lalabas muna ko para kahit papaano makapag isip isip siya tapos yun pinalabas niya nga ko medyo na hurt ako pero konte lang. At wala kong gusto sa kanya!" Todo tanggi si lola.

"Kasalanan mo din pala ee! Sayo na mismo ng galing yang idea na lumabas! Kung gusto mo naman pa lang mag stay sa piling niya dapat wag ka ng magsabi ng ikakahurt ng feelings mo!"

"Ganun ba dapat?!"

"Halata ngang wala kang gusto sa kanya no?! Sobrang drama mo din kasi ee. Ang oa pa!"

"Tss kahit meron. Alam ko namang hindi ako ang tipo niya!"-malungkot na sabi ni hulk pero sa huli ngumiti pa rin ito ng pilit.

"Ako nga yung taong gusto ko hanggang ngayon hindi pa nagpapakita!"- mangiyak ngiyak na sabi ni ranzel na niyakap pa ang isang lalaking dumaan.

"Ngeee!"- hulk. O.o

~~

My Strong Lady(MSL)Where stories live. Discover now