CHAPTER 5: Mr & Mrs

105 3 0
                                    

CHAPTER 5: Mr & Mrs

BLURRED! GANYAN KO ilalarawan ang nakikita ko ngayon sa'king paligid. Pero ilang sandali lang ay naging ok naman na ito(paningin).

Bigla kong kinabahan ng makita ko ang kinaroroonan ko. "N-nahanap nila 'ko?" Bulong ko.

Napasigaw ako dala na rin ng takot ng bumukas ang pintuan. Isiniksik ko ang katawan ko sa bed board habang yakap yakap ang dal'wang tuhod ko.

Ano na naman kayang gagawin nila sa'kin tuturukan na naman kaya nila ko ng pampatulog?! At sisimulang pag eksperimentuhan?!

"Bakit ba sobrang malas ko bakit nandito si kuya at ng babaeng yun?! Buong buhay ko puro kamalasan na lang ang nangyayare sa'kin mabuti na lang nakapagtago pa ko! Wala kong maisip na dahilan kung bakit am malas ko?!! Basta ang alam ko lang pogi ako! Ayiiieh bawi!!!"

Kung magbibilangan lang kami ng taong 'to ng kamalasan sa buhay t'yak wala siyang panama sa'kin!

"Hoy ikaw! Nabayaran ko na ang hospital bill mo! May kamag anak ka ba na pwede mong tawagan?!"

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita ito. "Nagsasalita ka ba?! Isa pa ba't sobra ka naman atang makadikit sa bed board close kayo?! Tss naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!Naririnig mo ba ko?!" Ang puti niya, chinito eyes, matangos ang ilong , sobrang pula ng labi at pantay pantay ang mga ipin.... perfect! Sakto lang ang katawan di mataba at di rin naman siya payat. Para siyang modelo. Lumapit ito't umupo sa bed na kinaroroonan ko.

"A-anong ginagawa mo?!" Sabay pigil niya sa kamay ko gusto kong damhin kong totoo ba siya o imahinasyon ko lang.

Isang magandang bangungot na naman ba 'to?! Kung oo man gising man ako o tulog sana tumigil ang pag ikot ng mundo para madama kong di ako nag iisa para madama ko pa rin ang presensiya niya... "Mr and Mrs LE--- N-naku nakakaabala ata ko sa inyo!" Sabi ng nurse pero agad ding umalis.

Bumuntong hininga siya at binitawan ang kamay ko. "Kung wala kang matutuluyan isasama muna kita sa pag uwi! Pero kailangan mong mag linis."

"Ng bahay?!" Bulong ko. Kitang kita ko ang pagkabigla sa napakakisig nitong muk'ha. "Hindi. Mag lilinis ng katawan!" Seryosong sabi nito. Tumango na lang ako bilang pag tugon.

Sasama ba ko sa kanya?! Papaano kung isa siya sa mga naghahanap sa'kin?!

kailangan ko bang magtiwala sa kanya?!

Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti. Siguro sapat na 'tong kakaibang nararamdaman ko para magtiwala ulit.

"Oh nahulog pa ata yung garapata mo dahil sa ginawa ko!" Gulat na sabi nito na ikinahiya ko.

Bakit abot hanggang langit ang sayang nararamdaman ko?!

Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso ko.

"Alam mo ba sa kabilang silid may mga schoolmate akong naconfine diyan! Ang sabi nila ginulpi daw sila ng isang batang babae!"

"Aaaah!" Wala na kong masabi pang iba busy kasi ako sa pagtitig sa mukha niya.

"Sa tingin mo kapani paniwala ba sila?! Hahaha kahit ako man din di nila nauto ee! Tss maniniwala lang ako kapag nakita ko yang babaeng yan at kinalaban ako! Huh! For sure panis siya sa'kin!" Mahanging sabi nito. Bigla kong kinutuban... babae?! Ako kaya ang babaeng yun?! Malalaman ko din kapag nakita ko sila!

Kailangan ko munang pakinggan ng mabuti ang boses niya at imemorize ang perfect niyang mukha para kapag panaginip lang ito at tuluyan na kong magising ay maaalala ko pa rin siya.

"Tss tapos hayun bigla kong nakita si kuya kasama ng babae niya! Nabangga ng isang kotse ang sasakyan nila!"

"Nabangga?!"

"Oo pagewang gewang pa nga daw yung kotseng bumangga ee!"

Di kaya ang tinutukoy niyang kotseng bumangga sa sinasakyan ng kuya niya at ng babae nito ay ang kotseng sinasakyan din namin ng buset na lalaking yun?!

"Ee ikaw ano bang nangyare sayo?!"

"N-na---"

"Ok lang kahit di mo sagutin! Um... bakit ba ang daldal ko ngayon?! Tss ang gaan kasi ng loob ko sayo ee!" Nakangiting sabi nito.

Ako din sobrang gaan ng loob ko sa'yo!

Ilang minuto lang ay lumabas na kami ng silid.

"Haaaah! Nandito siya!" Napatingin ako sa isang silid ng marinig ang boses pamilyar.

"Nasaan?!" Sabay silip ng isa.

"Oo nga boss! Ano gagantihan na po ba namin siya!"

"Ano pang hinihintay niyo mga gunggong!!! Isara niyo na yang pintuaaan!" Sigaw ng leader nila.

Tama ang hinala ko kasalanan ko nga kung bakit sila nandito. Sila yung nakipag away sa isang lumang bahay nun dahil lang sa teretoryo.

Ang daming nasasaktan ng dahil sa kakayahan ko!

~~

My Strong Lady(MSL)Where stories live. Discover now