CHAPTER 9: Di sinasadya

42 3 0
                                    


CHAPTER 9: Di sinasadya

"UM...ANG SARAP KO TALAGANG MAG LUTO! Parang ako lang!" Papuri nito sa sarili niya tsaka inamoy amoy ang niluluto. "Kapag natikman mo 'to makakalimutan mo ang pangalan mo!" Tss para noodles lang kala mo naman kung anong putahe na ang niluto ng lokong 'to!

About naman sa pangalan ko...Hah! Matagal ko ng nakalimutan!!! (-_-   )

Agad kong sinunggaban ang niluto niya ng ibaba nito sa harapan ko. "Eyjfsijnki" grabe sobrang init! Napaso pa ang dila ko.

"Oh dahan dahan lang sarap na sarap ka masiyado sa niluto ko ee! Wag mong masiyadong ipahalata! Nahihiya tuloy ako!" Sabay kindat pa nito.  "Haaay swerte mo kasi kasama mo ang tulad kong sobrang pogi!" Sabi nito sa way na pakanta.

Nagulat ako kaya nabulunan ako. "Sheesh! May problem eating ka. Mas magandang wag ka na lang munang kumain hanggang next week! Sobrang hirap ng sakit na yan! Na try ko na yan nun! Walang gamot para diyan!" Sabay kuha nito ng kinakain ko nakakaisang subo pa nga lang ako ee! TToTT "Concern lang ako sayo! So listen to me!"  Dugtong pa nito tsaka inubos ito. Sabay sabi ng "Ayoko ko na!"

Huwaaaaaat?!

Magdadalawang araw na rin ako dito sa penthouse niya sa loob ng dalawang araw na yun kulang na lang tangayin ako ng kahanginan niya!

Di ko na ulit nakita yung babaeng kasing itim ng pwet ng kaldero ang pag uugali!

Bukod pa diyan nakasuot ako ng magandang damit at may suot na rin  akong sapatos! Ang ganda!-->ko♡.♡

Sobrang bango ko na rin. ^^ Pakiramdam ko na nanaginip lang ako ng mga oras na 'to! At wala man lang manggising sa'kin sa napakagandang bangungot na ito!

Pero alam kong pansamantala lang ito kaya wag dapat akong umasa at masanay ng sobra sobra!

"Oh ranzel napatawag ka?!" Sabi nito sa kausap niya sa phone. Nakita ko na rin si ranzel. Ang gwapo rin nito at sobrang laki ng katawan palagay ko palagi siya sa gym. "Sige papunta na ko diyan!"

"Aalis ka?!" Usisa ko dito. "Oo kailangan daw nila ng pogi sa baba!" Sabay kindat ulit nito. Haaay bakit ba niya laging ginagawa yun?! Di ba niya alam na halos atakihin na ko sa puso dahil sa kilig!

Pagkalabas nito ay bigla na lang bumukas ulit ang pintuan. Namiss niya ko kaagad?!
Ngumiti ako ng may wasak na ngiti sa labi kaso nung tignan ko 'to hindi naman siya!

"Ma'am ready na po ang inyong breakfast!" Malambing na sabi ng isang staff.

"Hah?!"

"Inutusan po kami ni sir na magdala ng masasarap na pagkain!"

Napalunok ako ng paulit ulit ng makita ko ang nag sasarapang pagkain mabubusog na ata ko dahil sa laway ko! Parang ayokong kainin ang ganda kasing tignan!!!

"S-seryoso ba kayo?! Akin lahat 'to?!"-pagsisigurado ko. "Opo ma'am. T'yak na mabubusog po kayo!"- malambing na sabi nito.

A few minutes later*** "Wow muk'hang ganado po kayong kumain ma'am ah!"- muk'hang na amaze siya sa ginawa ko! "Ang totoo niyan diet pa ko nito ee. Pero P-pwede pa bang mag parefill?!" Hirit ko

HUWAAAAAT? O____o

"S-sige po!?!"

" Mas maganda kung may pasobra na rin para di na kayo magpabalik balik pa!"

"S-seryoso po ba kayo?!"

"Biro lang!" Sabay ngiti ko ng pilit. Nagugutom pa koooooo! Pero tiis tiis hulk ayaw mo namang maghirap si argan diba?!

"Pero kung talagang nagugutom pa po kayo  tatawagin po namin si Chief para ipagluto po kayo ulit!"

"Seryoso ka ba?! May pasok kaya si chief baka malate yun! Alam mo namang dedicated yun!"- sabi ng isang staff.

"O-ok na ko!"

Sunod sunod silang lumabas. Napag isipan kong maglibot libot muna.

Boooooogsh*** "A-aaaaaaray!"- sigaw ng isang binatilyo ng banggain ako nito. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakatalsik niya. "Haaaaaa! Ang galing effective ang ininom ko na pinaghalong  ihi ng kalabaw at pupu ng ipis!" Masayang sabi nito.

Agad na nawala ang ning ning sa mga mata nito. "Pero bakit ako ang tumilapon?! Diba dapat ikaw!" Sabay turo sa'kin lumapit siya at tinignan ako ng masama. "Ang sakit din ng katawan ko. Haaaaa! Nabalian ata ko!" Nagsimula na siyang nerbyosin. Kulang na lang ay umiyak siya!

"B-baka dahil yan sa ininom mo!" Sabi ko dito na ikinabahala niya."May bad effects kaya yun?! Ano sa tingin mo?!"

"B-baka kailangan mong ibahin ang iniinom mo! Kung itry mo kayang dagdagan yun ng Hmmm. Ano bang maganda?! Muta! Tama! Muta ng ipis! O kaya dagdagan mo na rin ng muta ng langgam para full force!"

Nakatingin lang ito sa'kin ng poker face. Muk'hang mahirap siyang lokohin este lusutan. "Tama!"- sigaw nito.

"Hahaha tama?!" Hinawakan nito ang pisngi ko at pinisil pisil. "Susubukan ko yun!" Mabilis itong tumakbo.

"Grabe akala ko matitiklo na ko!"- bulong ko sabay hampas sa mga kahong nasa harapan ng elevator.

"Waaaaah! Yung mga stooooocks!"- sigaw ng isang lalaki. Sunod sunod na nagsilaglagan ang mga kahon dahil sa ginawa kong paghampas.

"Paano nangyare 'to!"- pagtataka ng lalaki.
May lumapit sa kanyang lalaki at binatukan siya nito. "Nag tanong ka pa! Tanga ka kasi! Di mo inayos ee!" Sigaw nito sa lalaki.

Binuhat ko ang mga box at muling inayos. "Boss sorry na! Inayos ko naman talaga ang pagkakapatong ee!"

"Kung talagang inayos mo di sana hindi yan gumuhooooo!"- sabay turo sa mga kahon na ngayon ay naayos ko na.

"P-papaanong.... d-diba n-na--"- gulat na gulat na sabi ng lalaki na napaatras pa. "Boooosss!"- sigaw ng isa na pinaypayan pa ang kasama na halos mawal'han ng malay.

Dali dali akong tumakbo paalis. "Hoy! Tigiiil!"- sigaw ng lalaki pero di ko na siya pinansin pa! Sa sobrang pagmamadali ko nabangga ko ang isang empleyado na may hinihilang pushcart na hirap na hirap nagsihulog ang mga laman nitong ingredients. "P-pasensiya na po!" Sabay pulot ko ng mga nahulog ako na rin mismo ang siyang humila sa pushcart.

"P-papaano niya nagawa?!"- rinig kong pagtataka ng lalaki patakbo akong umalis!

~~

My Strong Lady(MSL)Where stories live. Discover now