CHAPTER 7: Cry Again
"GRABE SAANG BASURA KA BA NAPULOT NI ARGAN?!" Tanong ng isang magandang babae.
Hindi na lang ako umimik para walang gulo. "Kapag kinakausap kita sumagot kaaaa!" Sigaw nito na halos ikasira na ng ear drum ko!
May mga pumasok na babae na may mga bitbit na pampaganda, damit at kung anu ano pa. "Nababaliw na siya! Nagdala na nga siya ng isang basura at aba balak pang i'recycle!" Himutok nito.
Mali ba ang desisyon kong sumama sa kanya?!(argan) Siguro nga magkaiba kami ng mundong kinagagalawan masiyado akong naging komportable sa tabi niya dahil sa kanya nakalimutan ko ang sasabihin ng iba.
"Umalis ka na!"
"Hah?!"
"Bingi ka ba? Ang sabi ko umalis ka na sa lugar na ito at wag ng magpapakita pa! Hindi ka bagay dito! saksakan ka ng panget at napakadugyot mo! Isa kang basura!" Seryosong sabi nito. Narinig ko ang tawanan ng mga taong nakarinig sa sinabi niya sa'kin.
"Ano pang tinatanga tanga mo diyan?! Gusto mo bang ipakaladkad pa kita palabas ng building na 'to!" Sigaw niya.
Sunod sunod ang pagbuhos ng luha sa'king mga mata. Sobrang sakit.
Now i realize, mas better pa lang kasama ang mga bangkay sa morgue kasi napagsasabihan ko sila ng problema kahit alam kong di nila ko sasagutin, kahit na wala silang pake sa kadramahan ko, at kahit na di naman talaga nila ko naririnig sa madaling salita di nila ko nasasaktan safe ako sa kanila! Unlike sa babaeng nasa harapan ko buhay nga pero kung umasta sobrang lupit at cold niya mas masahol pa siya sa mga patay!
Pakiramdam ko sobrang liit ko sobra niyang inapakan ang pagkatao ko. Tss hindi ako bagay sa lugar na 'to.
Pero ganun pa man masaya akong nakakilala ng isang tulad niyang tao( argan). Nakakalungkot lang dahil kailangan ng umalis ni cinderella dahil tapos na ang maliligayang oras niya kasama ng prince niya.
Patakbo kung nilisan ang lugar.
Napayakap ako sa sarili ko ng dumapo ang malamig na hangin sa madumi kong balat. Bakit ngayon pa umulan?!
Sinasabayan na naman ako ng langit sa pag iyak. Sobrang dilim ng paligid. Tanging pagpatak na lang ata ng ulan ang naririnig ko. Magilan ngilan na rin ang mga sasakyan sa daan.
Wala na ring tao sa labas malamang nasa loob na sila ng kani kanilang tahanan Kasama ng mga mahal nila sa buhay habang nagtatawanan, nagkukwentuhan at magkasalo sa hapag kainan.
Habang ako?! Di alam kung saan patutungo. Mag isa. Walang matuluyan. Walang pera. Walang kaibigan o pamilya. Wala. Wala lahat.
Nilusob ko ang malakas na ulan. Sobrang hapdi na ng mga mata ko. "Kung gan'to rin naman ang gagawin mo sa'kin! Kung papahirapan at paparusahan mo rin naman pala ko bakit hinayaan mo pa kong mabuhay?! Dapat isinama mo na ko sa pamilya ko!" Sigaw ko.
BOOOOGSH*** Kasunod nun ang pagkidlat na ikinatakot ko! "Bakit ako pa?! Bakit sa pamilya ko pa! Marami naman diyang iba! Ayoko na nitong lakas na 'to. Bawigdirnbfhqjskxen*UBO***" Ayy grabe may pumasok na tubig ulan sa bunganga ko. Nasamid tuloy ako!
Napaluhod ako. Nakakapagod mag isa at magtago sa iba. Pagod na pagod na kong mabuhay... hanggang kailan ba ko mag titiis???
Nakakapagod din pala dito sa labas. Tama ba 'tong ginawa kong pagtakas?! Kung mahihirapan din naman pala ko dito bakit pa ko umalis?! Parang niloko ko lang ang sarili ko.
Saan na ko pupunta ngayon?! May katulad pa ba niya na weird pero matulungin?! Bukas makalawa makakalimutan niya rin ako!
Ubo*** ubo***
Huminto na ba ang ulan?!
Hindi pa!
Bakit di na ko napapatakan nito?! Dahan dahan akong napatingala.
"Ikaw!"
~~
YOU ARE READING
My Strong Lady(MSL)
ActionIsang bansot, patpatin at kilos pagong na babae si HULK. Buong buhay niya pinangarap niyang maging ordinaryong tao. May kakaibang lakas ito, kaya niyang baliin at buhatin ang isang bagay ng walang kahirap hirap kahit gaano pa ito kabigat. Pero d...