CHAPTER 3: Accident
"Babalik ka o Mag i stay ka dito sa labas?!" Muling napatingin ang dalaga sa lalaking nasa harapan niya.
Ngayon niya lang ito nakita.
Agad niyang napansin ang kakisigang taglay nito. Base sa pananalita nito Sure siyang ipinadala ang lalaki para sunduin na siya.
Kahit alin pa sa dalawa ang piliin ko ang kalalabasan pa rin nun ay pipilitin niya pa rin akong makabalik!- sa isip ng babae.
Ng mapansin ng lalaking hindi na ito makapili ay agad niyang hinawakan ang braso ng babae ng pahablot at hinila siya papasok sa isang nakaparadang kotse sa di kalayuan.
Nataranta ang babae...
Pinipilit nitong makatakas sa mga kamay ng lalaki ngunit masiyado itong malakas.
Halos mahiga na siya sa lupa wag lang siya nitong mahila ng tuluyan.
Sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya ay nasasaktan na rin siya at t'yak na magkakapasa pa siya ng dahil dito.
Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa payat niyang braso at idiniin ang mahahaba't napakaduming kuko niya dahilan para ito'y lumikha ng dugo. "Aaaah!" Inda ng lalaki.
Kaya naman isang malakas na sapak sa mukha ang natikman niya mula dito na ikinatumba na rin niya.
Pinilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nanlalabo na kasi ito bukod pa diyan ay nakaramdam din siya ng pagkahilo.
Nakita niya ang mga dumadaang tao na wala man lang ginawa para tulungan siya mula sa mabagsik na lalaki. Gan'tong gan'to rin ang nangyare sa kanya nun.
Sinabunutan siya ng lalaki at pilit na pinatayo.
Itinulak siya ng lalaki papasok sa kotse dahilan upang mauntog siya't mapahiga (nasa likod siya ). Na doble ang nararamdaman niyang hilo.
Pumasok na rin ang lalaki."Haaay! Sobrang baho mo!" Bulyaw sa kanya ng lalaki sabay sapak ulit sa ulo niya.
Sa lakas ng sapak nito'y halos mapasubsob na siya. May nahulog mula sa bulsa nito.Lubid!
"Pinalagpas lang kita kanina dahil masiyadong maraming tao! Namimihasa ka na! " Seryosong sabi nito. "Anong sabi mooo!" Bulyaw ulit ng lalaki sabay sapak ulit sa ulo niya.
Ilang sandali lang ay nagmaneho na ang lalaki. "Nagkamali ka ng taong binangga!" Madiing sabi nito. "A-anong sab--" di na nagawang tapusin pa ng lalaki ang ibang sasabihin ng ipulupot ng babae ang taling nakuha niya sa abandonadong bahay dalawang araw na rin ang nakakalipas.
Buong lakas niya rin itong hinila. Walang nagawa ang lalaki upang pigilan ito. Dinaig pa niya ang mata ng isdang hindi na fresh sa palengke dahil sa pula nito.
Nagpagewang gewang ang sinasakyan nilang kotse kala mo sa kanila ang daanan. Mabuti na lang at walang gaanong sasakyan ng mga oras na yun.
Kaso sa kamalas malasan ay may lumikong sasakyan kaya naman nagkabanggaan ito at ng sinasakyan nila.
*Boooooooooogsh!
Nagsikalat din ang ibang parts ng dal'wang sasakyan sa kalsada dahilan upang ito'y makahikayat ng mga audiences. May mga good citizen na tumawag na ng ambulansiya habang ang iba ay patuloy lang sa pagiging tsismosa!
"Aaaaahhhhh!" Inda niya ng magising may dugo sa noo nito dahil nauntog siya sa driver seat ng sobrang lakas bukod pa diyan ay Naipit din ang kanang paa niya.
One hand lang ang ginamit niya upang mailihis ang driver seat na kinauupuan ng lalaki dahil dito ay natanggal niya ng maayos ang paa niya mula sa pagkakaipit.
Di rin siya makalabas dahil nakalock ito.
"Tss! Sakit ka talaga sa ulo!" Galit na sabi nito sabay irap pa sa kasama. Sinipa niya ang pintuan ng kotse at tumilapon ito.Agad na nagsigawan ang mga nanonood dahil sa pagkabigla.
Pagkalabas niya'y wala siyang marinig ngunit kitang kita niya ang pagtataka sa muk'ha ng mga taong nakasaksi sa ginawa niyang pag sipa.
Dahil sa takot na madiskumbre ng iba ang kaya niyang gawin ay kumaripas siya ng takbo palayo sa lugar!
Habang iika ika.
May lumikong sasakyan at kamuntikan na siyang mabangga mabuti na lang ay napigilan niya ito using her right hand only. Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata napaatras siya ng makitang nasira niya ang kotse.
"Haaaah... Um A-alien!" Sigaw ng driver na takot na takot.
~~
YOU ARE READING
My Strong Lady(MSL)
ActionIsang bansot, patpatin at kilos pagong na babae si HULK. Buong buhay niya pinangarap niyang maging ordinaryong tao. May kakaibang lakas ito, kaya niyang baliin at buhatin ang isang bagay ng walang kahirap hirap kahit gaano pa ito kabigat. Pero d...