CHAPTER 20: MARRY ME
***THIRD PERSON'S P.O.V***
Pagod at gutom ang mga nadarama ng dalawang dalagang bihag ng mga taong gubat. Halos mawalan ng malay si Jean subalit si Annie Mae ay tuluyang ng nawalan ng ulirat sa pagod at gutom na rin. Nahuhulog na ang mga pilikat ni Jean nang lapitan siya ng pinuno ng tribo at binuhusan ng tubig na di namaalayan niya na nakalapit na pala sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito at agad na nawala ang antok. Napatingala siya sa taong nagbuhus sa kanya ng tubig at laking gulat niya na ang taong iyon ay ang lalaking kanina pa nagmamasid sa kanya.
Nangingig siyang nagtanong sa lalaking kaharap niya. "si...no ka..ah anuung kailangan mo...o sa a...kin?" walang emosyon ang lalaki na nakatingin lamang sa kanya. Hindi siya sinasagot nito subalit di naman matinag ang tingin nito na mas lalong nagpangamba sa kanya at agad na iniwas ang tingin rito.
Makalipas ang ilang minute ay di pa rin umaalis sa harap niya ang lalaki samantalang siya ay nakayuko na lamang at di makatingin sa lalaki ngunit ramdam niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya na para bang x-ray machine kung hugurin ng tingin ang buo niyang katawan mula ulo hanggang paa.
Nakalipas pa muli ang ilang sandal na hindi pa rin natitinag ang lalaki ay inaangat niya ang kanyang ulo upang tingnan ang lalaki at matanto niya kung bakit hindi pa ito umaalis sa kanyang harapan. Napaawang ang kanyang bibig ng Makita ang lalaki na nakatingin pa rin ng diretso sa kanya mukha wala itong emosyon na pinapakita nagtatakot man ay nilakasan na lamang niya ang loob upang magtanong sa estranghero kung bakit siya tinitingnan nito at anong balak nito sa kanya.
"ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Bakit hindi ka pa umaalis?"lakas loob niyang tinanong ito na may pagtataka sa mukha habang abala ang lalaki sa pagtitig kay Jean si Annie Mae naman ay walang kamuang-muang na nasa panganib na pala ang kaibigan.
Subalit hindi siya sinagot ng lalaki bagkus ay nginisihan lamang siya nito. Napaatras siya ngunit wala na siyang maatrasan dahil nakatali siya pilit man siyang pumiglas ay wala pa ring silbi nang inangat ng lalaki ang kanang kamay nito at hawakan siya sa pisngi. Pilit niyang iniiwas ang mukha subalit wala naman siyang kawala patuloy lamang sa paghaplos sa pingi nito ang lalaki. Tinangka rin niyang halikan siya sa pisngi subalit di niya tinuloy kaya lang ay napakalapit naman ng mukha nito sa kanya na nagpapaasiwa kay Jean lalo pa't mabaho ang amoy nito na para bang amoy ng patay na hayop. Pinikit na lamang niya ang kanyang mata dahil sa amoy at pandidiri dito. Kahit pilit man siyang umiiwas ay di pa rin nagpapatinag ang lalaki na nakasuot ng balat ng aso sa balikat nito at nakabahag lang din agaw pansin naman ang kumikinang nito kwintas na gawa sa itim na perlas at mabalahibong hairdress sa buhok nito na may sungay ng kalabaw. Dahil naalibadbaran sa lalaki ay nilingon niya ito na may nanlilisik na mga mata itong nakatingin sa kanya at kalmadong nagtanong sa lalaki pinatatag niya ang tinig upang sa ganoon ay di nito Makita ang takot na kanyang nararamdaman sa lalaki hangga't maaari ay ayaw niyang malaman nito ang kahinaan niya.
"lumayo ka sa akin pangit" pang-iinsulto niya pa dito na agad naming ikinunot ng noo nito na para bang naunawaan ang mga sinabi niya.
"gusto ko ang amoy mo, napakabango at napakaganda nais kitang maging akin asawa at bukas na bukas ay itatakda ko na an gating pag-iisang dibdib." Napanganga siya sa sinambit nito na mas lalong ikinatakot niya at nagulat din dahil nakakaunawa ito ng wika nila.
'no way" pagtutol niya sa lalaki subalit nginisihan lamang siya nito.
Pumipiglas siya par asana tumutol subalit tinalikuran na siya ng lalaki at pumasok na sa silid nito. Kanina pa natapos ang kasiyahan ng mga ito.
"argggg" napasigaw na lamang siya sa inis dahil sa sinabi nito. Nagulat naman si Annie at napamulat ng marinig ang matinis na sigaw ng kaibigan.
"what dah...! Ano ngyari sayo ha bakit ka sumigaw?" nagtatakang wika niya subalit di siya sinagot ng kaibigan at ikinabit balikat na lamang niya ito at natulog na lamang muli habang ang nangagalaiting si Jean ay hindi na nakatulog pa sa takot, pangamba at galit sa lalaki.
"over my dead body di ako mapapakasal sayo" bulong niya sa sarili.
To be continued..........

YOU ARE READING
PERFECT TWO (on-hold)
ChickLittrouble.... trouble..... trouble............... what if they hate each other?????????????? would they be perfect for one another?????????????or just another trouble!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! the quote';; the more you hate the more you l...