CHAPTER 22: THE LESBIAN AND THE PLAYBOY MOMENT

1 0 0
                                    





CHAPTER 22: THE LESBIAN AND THE PLAYBOY MOMENT


***BRIAN P.O.V***



"hoy tomboy ba't tulala ka diyan?" may pagtatakang tanong ko kay Dennise na ngayon ay tulala lang habang nakaupo sa sanga ng puno sa harap ng puno ng niyog habang may hawak na maliit na sanga ng kahoy. Winawawagayway niya ito sa buhanginan.

Lumapit ako at tumabing umupo sa kanya.

Pagkaupo ko pinagmamasdan ko lang siya nang tahimik makalipas ang ilang minuto di man lang ako sinagot na parang walang narinig.

"huy, sumagot kana man problema mo tomboy" niyuyugyog ko ang balikat niya para makuha atensyon niya pero pinagkibit-balikat niya lamang ito at bumuntong hininga.

"akala ko magiging exciting ng adventure ko dito sa isla pero hindi pala sino ba naman ang gaganahan sa boring na tulad mong di manlang nagsasalita hays miss ko na ang mga chics ko." Mahabang lintanya ko sa kanya sabay pasimpleng lingon sa kanya pero sinamaan lang ako ng tingin. "SHUT UP" pasigaw niyang sagot sa akin at nangalumbaba nanaman.

"eh bakit kaba sumisigaw ano ba kasing problema mo ha?" naiirita kong tanong sa kanya.

marahas siyang lumingon sa akin sabay at pinandilatan ako ng mata.

"alam mo ikaw hindi kaba talaga marunong makiramdam di ba obvious na namomoblema ako dahil sa pagkakastranded natin dito at ang pagkakakidnap sa mga kaibigan ko na di ko alam if humihinga pa ba o di naman kaya ay ginawa na silang ulam ng mga taong gubat na yun who knows baka mga cannibal sila noh. Kawawa naman ang bffs ko noh tapos ikaw parelax relax lang na para bang walang nangyayaring di maganda buti pa ang mga ibang friends mo may care ikaw wala. BWISIT KANG PLAYBOY KA!" pagkasabi niya noon mabilis siyang tumayo at nagwalk-out.

Sinundan ko naman siya sa "who knows where" kung saan man siya pupunta. Mabilis ang mga hakbang niya kaya halos takbuhin ko na ang distansya naming para lang masundan siya naguilty naman kasi ako sa mga pinagsasabi ko hays, basta talaga gwapo insensitive hehehe.

"teka sandali lang naman saan ka ba pupunta sige ka baka makasalubong natin ang mga taong gubat tapos uulamin ka" hinablot ko ang braso niya para maiharap sa akin pero laking gulat ko na Makita siyang umiiyak di ako sanay na Makita tong tomboy na to na umiiyak. Di bagay astigin kasi siya eh.

"im sorry I didn't mean to be insensitive I just want to light up the mood masyado ka kasing serious eh" malambing kong paliwanang. Lumambot na rin ang expression ko mula sa pagiging pilyo hanggang sa pagiging concern.

Tumango lamang siya bilang sagot pinahid niya ang mga luha niya gamit ang likod ng palad niya tinulungan ko na rin siya sa pagpupunas at mabuti naman di siya tumanggi.

"its okay nagiging OA lang talaga ako masyado lang akong nag-aalala kaya nagiging emosyonal ako ayoko makita mo o kahit na sino ang weak side kong ito tss. I hate to be weak."

"shhhh. Hush now its not wrong to cry it doesn't mean that if you cry you are weak it only shows that you are brave enough to express your own feelings." Nginitian ko lamang siya at tumingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Sa ilang minute naming pagtitinginan ay napahalakhak na lamang kami.we find our situations funny.

"don't worry sigurado ako na matutulungan nila Cris ang mga kaibigan niyo kaya naman dapat pagbalik nila tapos na natin ang Bangka hindi dapat natin sila biguin ginagawa nila ang best nila para matulungan sila dapat ganoon din tayo kaya naman tama na ang drama at pag-eemo mo diyan kumilos na tayo para sa pagbabalik ng mga kasama natin ay handa na tayong umalis ng isla at maging ligtas sa mga taong gubat na iyon okay" nakangiti ako habang nagpapaliwanag sa kanya.

Tumango lamang siya bilang sagot at nginitian ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Hindi agad ako nakakilos kasi di ko inaasahan ang ginawa niya. Mabilis lamang iyon pero_

Tug...tug...tug....

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nilagay ko ang palad ko sa may tapat ng puso ko para damhin ang lakas ng tibok nito.

"hahaha nakakatawa yang mukha mo parang nakakita lang ng multo nakanganga pa." pagkasabi niya noon umiling lamang siya sabay alis sa harap ko at naglakad na pabalik ng kuta. Winawagayway niya pa ang kamay niya para masabing aalis na siya at babalik sa kuta.

Humarap siya sa akin nang medyo nakakalayo na siya sa akin at sabay sabing "salamat sayo at tama ka hindi ito oras ng pageemote hahaha tara na?" pagkasabi niya iyon ay tumalikod na siya. Ang paraa ng pagtalikod niya sa aking paningin ay parang slow mo nakakawindang nagliliwanag ang paligid niya at bakit ganoon mas lalo siyang gumanda sa paningin ko mukhang nababaliw na nga ako napailing ako sa mga naiisip ko di kami talo hindi ito tama.

"aaaaaaaaaaah yuck eww lang di ako pwede mainlove sa isang tomboy pero it sounds nice"napangiti at napatawa na lamang ako sa mga naiisip ko.

"not bad, not bad maganda din naman siya kahit na tomboy siya pwede ng pagtiyagaan hmmp."

Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng kuta nakapamulsa pa at hindi na rin matanggal ang ngiti sa mga labi ko.





To be continued..........

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now