CHAPTER 14: TRAP IN A ISLAND 2

1 0 1
                                    


CHAPTER 14: TRAP IN A ISLAND 2




***ANGELO P.O.V***

"aaaaaaaaaaaah"

Napabalikwas ako ng bangon ng nakarinig ako ng mga nagsisigawan at nagkakagulo sa labas ng kwarto namin. Inilibot ko ang mga paningin sa buong silid umaasang may makikita akong kasama sa kwarto para maitanong ko naman kung anong ngyayari kaso wala pala akong kasama. Tatayo n asana ako ng bigla nalang tumagilid ang barko at nahulog ako sa kama nagpagulong-gulong.

"arggg what the fuck is happening may lindol ba?"

"tanga mo naman boss nandito tayo sa barko paano magkakalindol dito bilisan mo na boss bumangon ka na riyan aalis na tayo. Kumuha lang ng life jacket yung iba nating kasama dali na doon na lang daw tayo magkikita-kita sa may pool side." Basta basta na lang pumasok sa kwarto si Marco at natatarantang pinagliligpit yung ilan sa mga gamit namin at ipinasok sa loob ng bag niya.

"ano ba talaga ang ngyayari ha?" pasigaw kong bulyaw sa kanya nagtataka na talaga ako at kinakabahan narin sa mga ngyayari mayroon ngyayaring di tama dito.

"boss humakot ka na ng mahahalagang gamit na pwedeng magamit pero huwag ka masyadong magpapabigat baka lumubog ka para naman sa tanong mo palubog na tong barko kaya naman magmadali kana kung ayaw mong masama sa barkong ito at malunod. Bilis!"

Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay agad na akong naghakot ng mga mahahalagang gamit ko at ipinasok sa bag ko kahit gulat at natatakot din sa mga narinig ko isinantabi ko muna yun at nagsimula ng mag-impake. Pagkatapos namin lumabas na kami ng kwarto. Paglabas naming doon ko lang napatunayan na seryoso pala talaga ang sitwasyon naming ngayon may mga nakikita akong nagiiyakan na ang ilan ay mga schoolmate naming yung iba naman nagdarasal at ung ilan nag-aagawan pa ng lifejacket. Nagpapanic na ang lahat dahil sa komosyon di kami gaanong makagalaw sa kinatatayuan naming masikip ang daan dahil sa mga pasaherong natataranta at di alam kung saan pupunta.

"huwag po kayong magpanic ililigtas po naming kayong lahat may mga life boat po tong barko uunahin po natin pasakayin ang mga babae, bata at mga matatanda, huwag po tayong magpanic pakiusap?" anunsyo mula sa capitan. tanga ba siya paano kami di magpapanic kung palubog na tong barko.

Nang makaraan kami sa tumpukan ng mga tao nakarating na rin kami sa wakas sa pool side ng barkko at agad kong nakita ang mga kasamahan naming.

"ooh buti naman dumating na kayo ito suotin nyo?" inaabot sa amin ni Brian yung dalawang life jacket sa amin ni Marco mayroon na rin silang suot na life jacket.

"so anon a gagawin natin ngayon ha?" nanginginig na tanong ni Khan.

"din a natin pa mahihintay ang life boat tumalon na lang tayo may nakita akong malapit na isla doon lumangoy tayo papunta doon sigurado ligtas na tayo pag nakarating tayo doon. Doon na lang natin hihintayin ang rescue ok lets go" may tinurung isla si Brian. Sumangayon naman kami sa kanya naghahanda n asana kaming tumalon nang.

"wait..." pigil sa amin ni Khan.

"WHAT?" inis naming bulyaw sa kanya panira naman kasi ng diskarte dapat tatalon na kami kaso pinigilan niya kami.

"yung mga girls iiwan na lang ba natin?" ay oo nga pala sila Annie Mae ano na kaya ngyari sa kanila.

"oo nga noh hala tara tulungan natin sabay-sabay na tayo pumunta sa isla di naman natin sila pwedeng pabayaan diba" Marco

"no need nauna na sila pumunta ng isla look oh there they are so no need to worry let's go" pagkasabi ni Brian noon agad na kaming tumalon at nagsimulang lumangoy papuntang isla.

"sa wakas narrating din natin ang isla uhaw na uhaw na ako mga pare" reklamo ni Khan. Pagapang naming tinungo ang pangpang ng isla nakakapagod pa lang lumangoy ng halos kalahating oras din plus may bitbit din akong gamit kung hindi sa suot kong life jacket malamang lumubog na kaming lahat. Nang marating naming ang baybay napahiga kami sa buhangin at nagpahinga pagabi na rin at lumalamig na ang ihip ng hangin kaya dikit dikit kaming lahat na nakahiga.

"sa wakas nakarating din. Sa tingin niyo kailangan kaya makakarating dito ang mga rescue team hmm?" nakapikit na tanong ni Cris

"I don't know" Ako.

"buti pa bumangon na tayo maghanap tayo ng mga sanga ng kahoy na pwede nating gamitin para gumawa ng apoy let's go guys." Cris

"your right buti pa maghahati-hati tayo ng task para mabilis natin magawa lalo pat padilim na" nagsitayuan na kaming lahat.

"ako at si Cri sang maghahanap ng kahoy at kayong tatlo naman ang bahala sa paggawa ng matutuluyan natin ok."

"ok game" lahat kami. Naghiwa-hiwalay na kami nagsimula ng gawin ang task namin.

After an hour nagkita-kita ulit kami natapos na sa paggawa sa tinutuluyan namin sina Marco nagtayo sila ng tent na sa tingin ko ay baon ni Marco buti na lang at nagpack siya ng tent. Maliit nga lang pero sapat na saaming lima kaysa naman saw ala diba. Medyo basa ngalang pero nilagyan naman nila ng dahon ng niyog sa loob para tuyo kahit papaano ang tutulugan naming.

"good job guys" naghi five kaming lima. Nagsimula na kami ni Cris na gumawa ng bonfire. Nang magawa naming yun sabay-sabay kaming umupo roon at nagpahinga.

"meron bas a inyo nagdala ng makakain?"nabigla naman kami sa tanong ni Khan.

"ay oo nga pala may nagdala bas a inyo ng makakain?" Brian

"I did bring foods but not enough bukas maghahanap tayo ng makakain ok. I also bring water kaso limited lang eh." Inilabas ko na sa loob ng back pack ko ang binaon kong food mga delata at junk foods lang ang dala ko di gaano marami sapat na saaming lima para sa gabing ito kaso bukas wala na kami makakain.

"thank god buti na lang gutom na gutom na kaya ako lets it guys." Marco

Nagsikain na kaming lahat at pagkatapos ay nagpahinga na sa tent na magiging pansamantala naming tirahan sa islang ito I hope tomorrow magiging ok din ang lahat at mailigtas kami sa islang ito cause were stranded in this island.

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now