CHAPTER 24: WEDDING PREPARATION

1 0 0
                                    





CHAPTER 24: WEDDING PREPARATION



***CRIS P.O.V***




Nagkasugat-sugat na ang mga paa ko sa paulit-ulit na pagkatalisod sa mga letseng sanga ng kahoy sa lupa at ganoon din ang mga matutulis na tinik na nagiging sanhi ng mas mahirap na pagpasok sa masukal na kagubatan. Ilang oras na rin kami naglalakad malapit na ring bumukang liwayway pero wala pa ring kaming nahahanap ni anino nina Jean.

Natatakot ako sa maaaring gawin sa kanila, di ko alam kung humihinga paba sila o hindi o baka naman pinapahirapan na sila. Oh God please don't let any harm comes to them especially Jean. I love her so much yes I admit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kahit na di malaki ang naging pagkakasala sa akin ni Jean at hanggang ngayon ay di ko pa rin siyang magawang patawarin. Minahal ko siya pero sinaktan niya ako pero kahit na nagkaganoon pa man hindi ko ninais kahit kaylan na mapahamak siya.

"ilang oras na tayo naghahanap pero wala man lang tayong mahanap na bakas nila this is hopeless lets go back pagod na rin ako bakit hindi na lang tayo umalis ng isla pagkatapos humingi tayo ng tulong sa otoridad at balikan nalang natin sila dito what do you think" nakapanlumbaba na suhestyon ni Angelo.

"no we are not living the island without them. Habang tumatagal na hawak ng mga unknown tribe na iyon sina Jean hindi tayo sigurado sa safety nila who knows they might be in great danger right now it's a matter of life and death situation and we are not there to save them ok so we ARE moving on we are going to find them what matter what I don't care if its dangerous I must SAVE her." Mahabang lintanya ko sabay talikod sa kanya at nagsimula na ulit na maglakad. Nasa unahan ko si Angelo at tumigil lamang siya sa paglalakad at humarap sa akin para lang kausapin ako.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin sa paglalakad nasa likuran ko lamang siya nakasunod.

"psst, your such a pussy, eh di inamin mo rin na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang ex mo na mortal mong kaaway at willing ka pa talaga magbuwis ng buhay para sa kanya hahaha corny mo bro" natatawang wika niya sa akin.

"shut up" I shut him up wala akong panahon para sa mga kalokohan niya eh ano ngayon kung mahal ko pa rin ang ex ko I don't care can you blame its hard to move on and forget your first love right? Sinong nakakarelate dyan itaas ang kamay, nahahrangan ang bawat hakbang naming ng mga naglalakihang dahon at mga damo hirap din kami sa paghakbang dahil sa mga naglalakihang ugat. Hindi ko akalain na may mga ganito pa lang halaman at puno sa islang ito na mukhang isolated pero nakakubli pala ang mga kakaibang tao dito tss.

"whatever bro! anu naman kaya ang mapapala mo sa pagpapakabayani mo sa ex mo? As if naman na magkakabalikan kayo pagkatapos mo siyang maligtas ha?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin napahinto ako at napatingin sa kanya.

"WALA ok wala akong hihinging kapalit sa gagawin nating to ang gusto ko lang ay marescue natin sila yun lang." hinimas ko ang sentido ko bigla nalang sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang pag-iisip kailangan na talaga namin mahanap ang dalawa para makaalis na kami sa creepy na lugar na ito. Sana naman nagsimula na silang gumawa ng Bangka.

"pinagpatuloy na lang naming ang paglalakad ng walang imik. Ilang sandal lang may narinig kami na ingay na para bang nagkakasiyahan sila. Lumingon ako kay Angelo at sumenyas sa kanya na sumunod at wag lumikha ng kahit anong klaseng ingay para sa ganoon ay di kami Makita.

Dahan-dahan kaming lumapit sa bakuran ng kuta ng mga taong gubat. Itinabi naming ang nakaharang na dahon upang sa ganoon ay Malaya naming Masilip ang lugar.

"shit" napamura na lamang si Angelo nang Makita naming sina Jean na nakagapos sa isang malaking kawayan habang pinalilibutan ng mga taong gubat na abalang nagkakasiyahan. Mayroong dalawang matanda na nasa harap ni Jean at may nilalagay silang tinta sa mukha niya hindi ko mawari kung ano yung pulang malagkit na likido nay un atmukhang di nagustuhan ni Jean ang bagay na iyon dahil napangiwi siya at napaiwas ng magtangka ang dalawang matanda na lagyan ulit siya pati si Annie Mae ay di rin nagustuhan ang ginagawa sa kaibigan dahil kitang kita ko ang pangunguyom ng mga kamao niya na parang nagpipigil lamang magalit at magwala pero sa kalagayan nila ay wala silang magawa kung di ang sumunod.

Nang libutin ng paningin ko ang buong lugar kapansin-pansin ang mini stage sa gitna ng bonfire na binalutan ng mga palammuti tulad ng bulaklak walang tigil ang mga kababaihan ng tribo sa paglagay ng bulalaklak sa paanan ng stage parang may ikakasal kasi ang istilo ng stage nila.

Napakunot ang noo ko para saan kaya yun at bakit may nilalagay silang tinta sa mukha ni Jean samantalang di nila pinapansin si Annie Mae.

Tinapik ako ni Angelo kaya napaharap ako sa kanya sabay bulong niya "tingnan mo yun oh" tinuro niya sa akin ang isang makisig na lalaki na mukhang 10 years lang ang agwat sa amin. Nakangisi siya habang nakatingin kay Jean at hinahagod ng tingin niya ang kabuan niya dahil abala di namamalayan ni Jean ang mga titig ng lalaki sa kanya.

"masama ang kutob ko dito bro mukhang kursonada ng gago yung Ex mo kaya mukhang mahihirapan tayong maitakas sila dito lalo pat abala ang lahat sa pagasikaso sa Ex mo hindi tayo makakapuslit ngayon buti pa retreat muna bro kailangan natin itong pagplanuhan at kakailanganin natin ang tulong ng iba let's go ang importante alam na natin ang kuta nila." Hinatak na ako ni Angelo paalis ng lugar kahit labag sa kalooban ko ay sumama na lang ako sa kanya I think his right mukhang mahihirapan kaming bawiin sila. Fuck!






To be continued......

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now