CHAPTER 27: WEDDING CEREMONY

3 0 0
                                    





CHAPTER 27: WEDDING CEREMONY



***JEAN P.O.V***



Dinalhan kami ng mga kababaihan ng tribo ng magarang damit sa kanila na binurda sa balat ng hayop na kulay puti ang akin habang kay Annie mae naman ay brown subalit di hamak na mas maganda ang akin kaysa sa kanya na may mga traditional handicraft pa at di lang yun aabot ang tabas hanggang sa mga daliri ng paa ko kay Annie naman ay hanggang tuhod lang.

Tinirentas nila ang mga buhok ko pagkatapos ay nilagyan ng mga palamuti sa ulo na gawa sa crystals na hugis diyamante pagkatapos nilagyan din nila ako ng hikaw na gawa naman sa ngipin hayop na pakurba ang hugis pagkatapos noon ay nilagyan din nila ako ng iba't ibang accessories sa katawan. Pagkatapos nila akong ayusan ay nilagyan din nila ng pinta ang mga daliri ko na hugis araw at kung anu-ano pa.

May-maya lang ay umalis na sila pagkatapos nila akong ayusan. Umupo lamang ako sa kama at nagpahinga bumabawi ng lakas si Annie Mae naman ay natutulog na sa kama pagkatapos siyang bihisan.

Humiga na rin ako at sinusubukang makatulog kaya lang kahit anong pikit ko at bilang ng mga tupa ay hindi ako makatulog makalipas ang ilang minute may narinig akong mga yabag at kaluskos sa labas ng tent na tinutuluyan naming di ko na iyon pinansin at sinubukang matulog.

Naidilat ko ang mga mata ko ng narinig ko ang paghawi ng kurtina ng tent at mga yabag na papalapi sa aking kinahihigaan. Napaupo ako ng maramdaman namay nakatayo sa aking paanan ng tiningala ko ang lapastangang pumasok ng kwarto namin nakaramdam ako ng masidhing galit para sa taong nasa aking harapan na walang iba kundi ang aking mapapangasawa kuno.

Nakakunot ang nook o ng tanungin ko siya. "anong kailangan mo sa akin?"

Subalit wala manlang siya kahit na reaksyon kahit na may diin at galit sa mga boses ko.

Walang emosyon niya akong sinagot. "maghanda ka pagsapit ng umaga ay magsisimula na ang seremonya ng ating kasal na magtatapos bukas ng dapit hapon at sa gabi ng huling seremonya ay mag-aalay tayo ng buhay na alay sa iyong magiging panahon at ang kaibigan mong iyan ang gagamiting buhay na alay kay bathala.

Napanganga ako sa gulat ng kanyang sinabi at ng lubos ko ng maunawaan ang kanyang mensahe ay napatayo ako sa gulat at galling ang kapal ng mukhang hayop na ito para gawing alay ang kaibigan ko di ako makakapayag.

"ang kapal ng mukha niyo para gawing alay ang kaibigan ko di ako papayag di ako magpapakasal saiyo" sinigaw ko ang galit ko sa kanya. Napakuyom ang kamao ko sa nalaman ko di ako makakapayag sa gusto niyang mangyari.

"kailangan natin magbigay ng alay sa bathala para sa ganoon ay mabiyaan niya tayo ng masaganang pagsasama at mga supling kaya naman sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal pa rin tayo." Buo ang loob niyang sambit at hindi na mababago pa ang desisyon niya.

"hinding-hindi ako magpapakasal sayo narinig mo HINDING-HINDIIII" sigaw ko sa kanya subalit di niya ako pinansin bagkus ay kumumpas siya pagkatapos ay nasgsipasukan ang mga tauhan niya at marahas na hinatak sa braso si Annie Mae na natutulog ng mahimbing naalimpungatan ang kaibigan ko at nagulat sa mga nakikita niya. Pakaladkad siyang dinampot at inilabas sa tent.

"wag sainyo dadalhin kaibigan ko pakawalan niyo siya" hinabol ko sila subalit hinatak lang ako at ng mga lalaking matitipuno napaupo ako sa sahig habang sapilitan nilang pinalalabas ng tent ang kaibigan ko sigaw siya nang sigaw di ko na napigilang maluha sa mga ginagawa nila sa kaibigan ko.

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now