CHAPTER 19: ABDUCTED

2 0 0
                                    





CHAPTER 19: ABDUCTED

***JEAN P.O.V***

"Jean, Jean wake up!" naalimpungatan ako sa mahinang boses na tumatawag sa pangalan. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko noong una ay wala pa ako maaninag subalit di nagtagal ay luminaw din sa akin kung nasaan kami at kung anong nangyayari sa amin ngayon nang nakita ko ang mga taong nakakatakot ang mga mukhang nakapaligid sa amin ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pagkagulat, pagkatakot at pangamba para sa aming kaligtasan.

"aah—" naputol ang pagsigaw ko ng pinigalan ako ni Annie mae.

"quiet Jean wag kang maingay di pa nila alam na gising na tayo kaya magpanggap ka muna baka ano pa ang gawin nila sa atin okay makiramdam muna tayo sa paligid natin baka makahanap pa tayo ng paraan para makatakas ditto" mahabang lintanya niya na nagpakalma naman sa akin dahil alam kong hindi ako nag-iisa ditto ngayon. Nanahimik na lang ako habang nakamasid sa mga taong gubat na abala sa pagpipiyesta. Nakapalibot ang mga kalalakihan sa bonfire na nakabahag lang, ang mga babae naman ay may manipis na tela na nagtatakip sa maselan nilang katawan maliban sa pang-itaas nila na walang saplot at nakabalandra lamang ang dibdib nila. May mga palamuti sila na mula sa buto ng kalansay hindi ko lang mawari kung buto ba iyon ng tao o hindi. Ang dudungis naman ng mga itsura nila na para bang hindi naligo ng higit sa isang taon at ang babaho pa.

Kasalukuyan kami ngayong nakatali sa isang poste. Itinali ang mga kamay naming sa likod ng poste habang ang mga paa namin ay hindi nila tinali nilalamig na rin kami dahil sa mga suot naming na nagtatakip lang sa maselan naming parte. Ang lamig kung alam ko lang na ganito ang mangyayari eh sana nag damit ako ng maayos.

Nilingon ko si Annie Mae at tinanong sa lagay niya.

"Annie Mae kamusta ayos ka lang ba di k aba nila sinaktan?" nakangiti lamang siya sa akin at tumango pagkatapos siya naman ang nagtanong.

"kamusta ka? Ikaw ba sinaktan ba nila?" may pag-aalala sa mga tingin niya sa akin.

Ngumiti lang din ako sa kanya at tumango. "tingin mo makakaalis pa ba tayo dito paano kung ditto na tayo mamatay" pumiyok ako ng tinanong ko siya inaamin ko natatakot na talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari sa amin ditto. Ang lugar na ito ay parang sa mga napapanood ko sa Cannibal na palabas yung bang kumakain ng laman ng tao paano kung ganoon ang mga taong ito oh my sana mali ako ng akala ayoko pa po mamatay Lord! Pls help us bata pa ako gusto ko pa mabuhay.

"wag ka mag-alala naniniwala ako kay Misha I know she would do anything to help us. So lets just trust her okay" pinigilan ko ang pagluha ko dahil nagpapakita lamang ito ng kahinaan sa mga panahong ganito dapat lang kaming magpakatatag para sa ganoon ay maka-alis kami ditto ng ligtas at buhay. Bago ako nawalan ng malay tanda ko pa ang mga nangyari bago kami dinukot ng mga taong guabat.

***FLASHBACK***

"okay guys ganito ang gagawin natin ngayon Erika at Dennise maiiwan kayo ditto para gawin ang pinag-uutos nila at kaming tatlo naman ang maghahanap sa gubat okay" nakapalibot kaming lahat kay Annie Mae habang nagsasalita siya.

"What! Bakit ako maiiwan ditto? No way di ako magpapaslave sa mga kulugo nay an eww lang ha" maarteng wika ni Erika sabay flip na buhok.

"shut up Erika sumunod kana lang sa plano at least here your safe unlike doon sa gubat hindi moa lam kung anong mga mababagsik na hayop ang makikita doon magiging pabigat ka sa amin pag sumama ka sa arte mong yan" tinuro ni Jean ang gubat sa nagmamaktol na si Erika sabay irap sa kanya. Pinag-uusapan na namin kung sino-sino ang magsasama para sa misyon namin sana lang hindi ito failed.

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now