CHAPTER 35: HUNTED

2 0 0
                                    




CHAPTER 35: HUNTED




***THIRD PERSON P.O.V***



Mahimbing na natutulog ang 10 kabataan sa kani-kanilang silid pahingaan sa pagsapit ng takip silim ay walang kamalay-malay silang pinalilibutan ng mga nilalang na hindi mawari ang pinagmulan. Pinaliligiran ang mga ito ng itim na usok at nakakakilabot ang mga itsura nila na parang sugo ng demonyo. Nakakasindak ang mga mata nilang mapupula na tulad sa dugo at mga mahahaba at matutulis nilang mga kukong na parang gawa sa patalim na kayang humiwa ng laman ng tao sa isang liwasilas lang. pinamumunuan sila ng isang babaeng nakagothic outfit na may mga burdang bulaklak na kulay dugo at may dala-dala itong itim na payong na gawa noong sinaunang panahon ng kastila. Ang mga alagad nito ay nakasuot ng mga makalumang kasuotan ng ating mga ninuno. Mga taong nagmula sa hukay na muling bumangon sa pagsapit ng gabi upang humanap ng bagong bibiktimahin samantalang ang mga nasa loob ng hunted police station ay patuloy lamang sa mahimbing na pagtulog. Ang mga nilalang na nasa labas na nakaabang ay di magawang makapasok sa loob dahil sa pwersang pumipigil sa kanila at yun ay ang mapang may bahid ng basbas upang protektahan ang may hawak nito. Ang buong lugar ay masasabi nating nababalutan ng hiwaga at mahika ng sinaunang panahon.

Subalit may mga masasamang element pa ring nakakapasok sa mga maliliit na butas upang manggulo at mambiktima ng mga inosenteng buhay na nilalang.

Sa silid nina Misha ay may isang nakakatakot na itim na aninong nagmamanman sa kanila. Unti-unti itong lumalapit sa paanan ni Misha. Ang anyo nito ay literal na anino na may kasamang itim na usok at masangsang na amoy.

"hays ano bay an ang baho naman hoy gago wag kangang umutot" magkatalikod na nakahiga ang dalawa sa isa't isa.

Hinihilamos ni Maco ang palad sa mukha nito dahil sa asar sa kasama na nangiistorbo sa tulog niya. "hindi ako umutot tumahimik ka na nga dyan matulog na tayo baka naman ilong mo lang mabaho linisan mo kasi" inis na sagot niya at pagkatapos ay nagkamot at nakangangang natulog ulit. Binalewala ni Misha ang masangsang na amoy at muling natulog.

Ang anino naman ay nasa kisame ng kwarto at nagaabang ng magandang pagkakataon para umatake papalit-palit ito ng posisyon. Gumagapang itong muli patungo naman kay Marco.

Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha ng pangit na nilalang sa mukha ni Marco.

Suminghot singhot pa si Marco ng maamoy niya ang masangsang na amoy.

"fuck ang baho" kinusot-kusot niya pa ang ilong na nagbabakasakali na mawala ang amoy. Subalit bigo siya dahil mas lalong naamoy nila ang masangsang na amoy na naroon na pala sa ibabaw nilang dalawa. Siniko ni Misha si Marco sa tagiliran dahil hindi siya makatulog sa masangsang na amoy na akala niya ay galling sa mabahong utot ni Marco.

"yuck ka talaga ang baho tigilan mo na nga yan at magbanyo kana lang don baka sakaling mawala ang amoy"

"hoy hindi nga ako umutot baka ikaw" humarap ng pagkakahiga si Marco kay Misha habang nakapikit ang mga mata.

"eeew gross di rin ako noh" humarap din si Misha ng higa kay Marco. Sabay na nagkatinginan ang dalawa ng buksan nila ang mga mata pero imbis na kiligin ay bigla na lamang nagsitayuan ang mga balahibo nila batid ng dalawa ang tension sa paligid. Sa peripheral vision ng dalawa ay may naaninag silang anino na itim sa ibabaw nila di kasi gaanong madilim sa kwarto dahil na rin sa lampshade at kahit na hunted na ang lugar ay may source pa rin ang bayan ng tubig at ilaw. Mabuti na lang naayos nila ang fuss kung di ay mangangapa sila sa dilim.

PERFECT TWO (on-hold)Where stories live. Discover now