That 10 Second Moment

101 17 4
                                    


I'm walking down the aisle. I have this flowy white gown with me while wearing a flower crown. Kabado akong nakatingin sa'yo habang ikaw naman ay nakangiti sa akin. Your eyes are filled with love and happiness. Sa mga titig mo, sa kulay tsokolate mong mga mata na unti-unti akong hinahatak papalapit lalo sa'yo pakiramdam ko ako na ang pinaka-magandang babae sa buong mundo.

I smiled sweetly. Yes, this is what I want. This is what I'm dreaming about.

Napatingin ako sa paligid ko. Magmula sa puting buhangin, ang malamyos na paghampas ng alon sa dagat, ang napakagandang araw na papalubog.

Pati ang kalikasan, nakikiayon.

Everything went accordingly, just what I dreamed a few years ago. Dati, simpleng pangarap lang. Dati, nasa imahinasyon ko lang. But now, seeing it and knowing this is the reality, words can't explain what this is.

Tinititigan ako ngayon ng mga bisita, ngiting-ngiti sila sa akin habang pumapailanlang ang magandang saliw ng musika.

Bawat kumpas, bawat pagbagsak ng mga nota, bawat liriko ay lumalapit sa depinisyon ng salitang perpeksyon. Nothing could go wrong.

Lahat nakikiayon.

Except for you and fate itself.

Dumiretso na ako sa gawing kaliwa. That's the time I came back to my senses, that's the time when I stopped daydreaming.

Atsaka na pumasok sa eksena ang totoong minamahal mo. Ako lang naman kasi iyong impostora. Ako lang naman kasi itong makapal ang mukha na nangangarap.

But what if.. what if I'm her?

I shaked my head, trying to erase those what ifs that I have. What ifs nalang iyon at mananatili nalang na gano'n, it'll never happen anyway.

Please let me be her. Ang pag-asa kong muli ang tuluyang bumasag ng puso ko. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

I know it's impossible for you to love me.

You'll never see me the way you see her.

Hindi ako ang mahal mo, hindi ako ang nakikinita mong makasama sa habang-buhay kung hindi 'yung taong nasa likod ko.

But still, I'm thanking you because I have these 10 second of daydreaming. I pictured myself with you for 10 seconds. Tingin ko naman ay sapat na iyon para gumising ako sa katotohanan. Katotohanang hindi ako magiging siya.

A tear fell when I heard the crowd clapping. It shattered my heart as I saw the two of you kissed. But I clapped for the both of you anyway.

I wish happiness for the both of you. Even if it means taking mine.

edited. 052419

Craps (Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon