Pagbitiw

43 16 4
                                    

Naaalala ko kung gaano ko kagustong bumitiw sa mga hawak ng aking ina sa tuwing kami'y naglalakad sa dalampasigan. Naaalala ko rin kung paano ako nito hahabulin at pagbabawalan na lumapit sa pampang.


Growing up, I've always wanted the word 'freedom.' Why? Because I hardly felt it. The cold breeze while running to the seaside feels great. Nakakatuwa ring marinig ang mga hampas ng alon sa dagat at kung paano bumaba ang haring araw ng paunti-unti.

As a girl who was born and raised to a city, bihira ko maranasan ang ganoong klase ng pamumuhay. Tahimik, simple, payapa at nasa tabing-dagat lang. Kaya naman sa tuwing may mga outing kami at sa beach ang punta noong bata ako ay walang mapaglagyan ang sayang nadarama ko.

I've always loved the beach, the sand, the waves, the breeze, the sun--everything in it. But 'change is the only permanent thing in this world.' Ika nga.

The sun was about to rise that time. Nasa isa kaming beach resort, taking our vacation. I was ecstatic of course, kahit ba dalawang araw lang kami doon ay ayos na iyon para sa akin. Basta't makapagpahinga ako sa trabaho, makasama siya at makita muli ang dagat ay malaking bagay na.

We decided to go out for a walk, habang wala pa gaanong mga tao. Pakiramdam ko'y gusto niya rin mag-solo kaming dalawa, magmula ng maging busy kami sa kanya-kanyang trabaho ay bihira nalang kami magkaroon ng quality time.

Hinawakan ko ang kamay niya habang tahimik kaming naglalakad. Na-miss ko ang ganitong senaryo at pagkakataon, kung bakit ba naman kasi milya-milya ang distansya ng workplace namin sa isa't isa.

I hold on tightly, but to my surprise ay binawi niya ang kanyang kamay. It stinged but the pain is somehow manageable. Lihim akong napangiwi, masakit oo pero ito ang ginusto ko.

This is what I want right? Tanong ko sa aking sarili.

It hurts but I need to endure this pain. Dahil ginusto ko 'to, dahil pinili ko ito at dahil mahal na mahal ko siya.

Paano pakawalan ang taong mahal na mahal mo? That question keeps on echoing inside my head for the nth time.

Paano nga ba? Hindi ko kayang gawin 'yun. At isa pa, mahirap. Masakit. Just by the mere thought of it, pakiramdam ko ay hindi ko na iyon kakayanin.

Napaisip ako. Napagtanto kong hindi naman siya magiging masaya kahit kailan sa piling ko. Kung siya na mismo ang nagsabing ayaw na niya at gusto na niyang bumitaw, sino ba naman ako para magmakaawa na manatili siya sa tabi ko?

Isa lang naman akong babaeng mahal na mahal siya. Ako lang naman 'yung taong handang gawin ang lahat, mapasaya lang siya. Kaya sino ako? Sino nga ba ako?

Ako lang naman ang dati niyang minahal. Ako lang naman ang girlfriend niya. Ako lang naman ang soon-to-be-ex-girlfriend niya.

"T-talaga bang ayaw mo na? Look, baka naman pwede pa natin 'tong maayos. Please?" Pagmamakaawa ko.

Ibinababa ko na ang dignidad ko para sa kanya. Aanhin ko naman iyon kung mawawala ang taong mahal na mahal ko?

He glanced at me with his almond eyes, those cold stares made me shivered. "Wala na 'tong patutunguhan. I want out. Let me go."

Nagsimula nang lumandas ang mga luha ko pababa sa aking pisngi, "May iba ka na ba? Bakit? Akala ko ba ay tayo lang hanggang sa huli? N-nangako ka 'diba?"

Payapa ang dagat ngayon. Hindi gaanong umaalon ngunit malamig ang simoy ng hangin.

"Walang iba, maniwala ka sa akin. Walang iba--"

"Pero bakit ayaw mo na?! Ano bang nagawa ko?! Sabihin mo na kasi 'yung rason mo dahil ayoko nang umasa pa!"

Hindi siya sumagot, bagkus ay yumuko nalang.

Hinigit ko ang aking hininga bago magsalita muli, "T-talaga bang ayaw mo na?"

"Ayoko na talaga."

Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy na umaagos ang mga luhang matagal ko nang hindi nailalabas.

"Kahit ngayon lang, huwag ka munang umiwas. Kahit ngayon lang. Please," I sounded desperate and it was a plead.

Hindi siya pumalag. Bagkus, siya pa ang kusang humawak sa kamay ko. His thumb caressed my hand slowly. That made me at ease.

Pasensya na kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa?

Nakapagdesisyon na ako. Buo na ang loob ko.

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw
Paglipas ng gabi
Kung 'di pipilitin ang hindi pa para sa akin
Baka sakaling maibalik

I kissed his lips for the last time. Dahil alam kong hindi ko na 'to magagawa pa sa susunod na magkita kami.

Malaya ka na
Malaya

Susuko na ang sandata
Aatras na sa laban
'Di dahil naduduwag
Kung 'di dahil mahal kita

Maaaring sa muling pagkikita namin ay masaya na siya. Maaaring makahanap na siya ng iba. At masakit para sa akin iyon.

Mahirap nang labanan
Mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa lalo lang masasaktan

Pero mahal na mahal ko siya. I can't afford to see him unhappy just because of my selfishness. I wanna keep him for myself pero alam kong imposible iyon. Kaya susuko na ako.

"For the last time.." I chuckled while wiping my tears.
"Isusuko na ba natin 'to? Kasi isang oo mo lang, magkukumahog ako na bumalik sayo. Sabihin mo lang na huwag, gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang maayos ito."

Oo, desperada na ako. At hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sasabihin niyang mahal niya pa rin ako.

Pero sino bang niloloko ko?

"Ayoko na talaga. Pakawalan na natin ang isa't isa."

Sarili ko lang naman.

Ngumiti ako ng sapilitan, "Okay. Goodbye."

Nauna na akong tumayo. Nanginginig pa ang mga binti ko habang naglalakad palayo sa kanya.

Umaasa akong tatawagin niya ako o yayakapin. Tapos magmamakaawa siya at sasabihing ayusin namin ito dahil mahal na mahal pa rin pala niya ako.

Pero nakarating na ako sa kabilang dulo. Lumingon ako sa huling pagkakataon, umaasang nakasunod ka sa akin.

Wala. Hindi na talaga.

At habang nakatitig ako sa papalubog na araw, kahit na konting kasiyahan ay wala akong naramdaman.

Ngayon, ayaw ko na yata sa dagat.

Mapakla akong napangiti.

edited. 052419

Craps (Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon