Heal

77 17 13
                                    

"Walanghiya! Inaksaya ko lang ang oras ko sa kanya! Kung alam ko lang! Kung alam ko lang sana hindi na kita pinatulan!" Sigaw ako nang sigaw sa kawalan habang patuloy na nagbabato.

Inis na inis kong hinilamos ang mukha ko gamit ang sarili kong palad. Ginawa ko lahat pero bakit gano'n?! Pinagpalit niya ako sa iba sa ganda kong 'to?!

Sinigaw ko lahat ng hinanakit ko sa bangin na iyon hanggang sa mapagod nalang ako at mapaupo. Wala na bang mas sasakit pa dito? Hahaha!

I hugged my knees while crying silently. I pulled my hair out of frustration.

"Sana iyong damo nalang ang hinatak mo imbes na 'yung buhok mo."

I suddenly heard your voice. Napalingon ako at napatayo, nanginginig pa ang labi at mga kamay ko. You spread your arms for me while smiling widely. Ikaw, nandito ka na naman. Ikaw nalang palagi. Kahit hindi ko sinasabi, kahit pinipilit kong itago na ito ako, mag-isa at nasasaktan, nandiyan ka na naman. I ran to you and hugged you tightly.

Hinimas-himas mo ang ulo ko, whispering comforting words to me, saying that everything's gonna be alright. Even though you know it won't. And I know it too. Maybe not now, but someday. Sabi nga ni Juan Miguel Severo, "Luha ang pinakamabisang panlanggas sa sugat ng puso. Kaya huwag ka matakot umiyak. Hindi ito patunay na mahina ka."

Alam ko naman iyon. Tama naman talaga. Kaso palagi nalang ba? Paulit-ulit nalang ba talaga?

Napapikit ako ng mariin at hinayaan na dumaloy ang mas maraming luha na patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko.

"S-saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat 'diba?" Natatawa kong saad. Damn it, I sounded pathetic. Pero wala na e, talaga namang ganito na ako sa simula pa lamang ng relasyon namin.

"You didn't do anything wrong, he's just an ass for  cheating on you," sabi mo. Tiningnan ko ang mga mata mong nakatingin lamang sa kawalan. You didn't hesitate to say those words to me, it's like that's what in your mind. Sabagay, totoo naman talaga.

Ako lang 'tong tanga na paulit-ulit tinatanggap ang mokong na iyon. Ako lang 'tong isang suyo, isang salita, isang lambing, isang halik, isang yakap lang, magkukumahog na balikan siya agad.

Saka ko lang napagtanto lahat ng ginawa kong kagagahan at katangahan. Ah, the things that we do for love. Hindi makapaniwala ang logical side ng utak ko na nagawa ko nga talaga ang mga bagay na 'yon.

Really?! Ang tanga tanga mo! Wala akong masabi sa kagagahang ginawa mo. Napangiwi ako sa sariling naisip.

"A-ayoko na.." I heard my own voice cracked. I sounded hopeless and helpless, but on the other hand, I know it's the truth. Ito ang sitwasyon ko ngayon. I can't hold the pain that I'm feeling, unti-unti ako nitong pinapatay.

Napapagod na ako. Physically, emotionally and mentally.

"What did I do to deserve this? Anong ginawa kong masama sa past life ko para ganito ang danasin ko, ha?!" sigaw ko.

I felt your hug tightened. Pakiramdam ko gusto mong kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, na para bang kung may paraan lang talaga ay aalisin mo 'tong paghihirap na dinadanas ko.

But no, I'm not that selfish. I think I can still bear this pain. Ayokong idamay ka sa sakit na 'to.

Hinarap kita at tinitigan gamit ang namamaga kong mga mata, "Bakit ka pa rin nandito? Hindi ka ba nagsasawa sa'kin, ha?"

You heaved a deep sigh, "Kung kaya lang kitang iwan sana ginawa ko na. Pero hindi e. Kailan ba kita nagawang matiis?"

My heart melted. Nakakatuwang marinig 'yan mula sa'yo, pero mas maganda siguro kung sa kanya ko 'yan maririnig.

Ang sama ko talaga.

Iniwasan ako ang mga nakakapaso mong titig. Tinitigan ko na lamang ang buwan at ang mga bituin. I closed my eyes for a moment when the cold breeze brushed my skin.

"Listen to me," pagpukaw mo sa atensyon ko.

I tried to stare at you pero hindi ko magawa. Maybe it's because I can see the love and adoration you have for me. At nakaka-konsensya na hindi ko man lang iyon masuklian kahit katiting.

"I know you've been hurt, and until now I can see the pain that he brought to you. But if you would let me, I'll help you to lessen that pain. Tutulungan kitang makabangon. Alam kong hindi ko siya basta-basta mapapalitan sa puso mo pero wala namang masama kung susubukan at gagawin ko. You don't deserve this. You deserve to be treated like a queen. Ako ang nasa tabi mo palagi, hindi ko hahayaang mag-isa ka pero sana payagan mo kong makapasok sa buhay at diyan sa puso mo. Alam kong natatakot ka at nagkakaroon ng pag-aalangan but all you need to do is to give me your hand and to trust me. Leave to me to do the rest. I've loved you with all my life, please let it be until the end of my life. All I'm asking you is a chance, a chance to prove my love for you."

I may be dumb and stupid. But I'm not an abuser. Sobra-sobra na ang mga nangyayari at mga nagawa ko. And I know in myself that I can't take another heartbreak. I'd die if I do.

I keep on finding the love that I deserve. When in fact, I can give it to myself. Hindi ako buo noong magmahal ako, ibinigay ko ang lahat at hindi na nagtira pa para sa sarili kaya naman when he left me hanging, walang-wala ako. Back to square one. Lost and unable to recover. If I just learned how to heal on my own a little early. Maybe I'd fall for you freely.

"Not now. Let me heal on my own."

edited. 052419

Craps (Literally)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon